Panaginip by: Mae

8K 30 6
                                    

                 

May naramdaman akong malaking bagay na humampas sa aking likod kaya't malakas ang impak ng pagkabagsak ko sa sahig dahilan ng pagkarera sa pag-agos ang pulang likidong dumadaloy sa aking katawan at napaungol sa sobrang sakit. Isang anino ang aking natanaw sa nagsisilbing ilaw ng karimlan. Kumaripas ako ng takbo sa sobrang pintig ng aking dibdib nang makita ko siyang pahakbang sa aking direksyon.

          Napadpad ako sa makitid na lugar na tanging langitngit ng mga kahoy, patuloy na agos ng tubig, samu't-saring ungol ng mga hayop, pagdampi ng hangin sa aking katawan at ingay na kanina pa sumisigaw ang natitinag ng aking tenga. Napaharap ako bigla at bumulaga sa akin ang isang babae na sobrang puti, ito yung aninong natanaw ko kanina. Bakit siya nandito? Biglang napaungol ng malakas ang mga baliw na aso at sa hindi malamang dahilan bigla akong kumaripas ulit sa pagtakbo. Sinusundan niya ba 'ko? Sino siya?

          Napahinto ako sa nagsisilbing ilaw sa daan at hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang mga tawag niya sa akin. Napalingon ako at sobrang puti lang ang nakikita ng mga mata ko. Habang papalapit ito, isang dyip pala ang sumalubong sa akin at isang napakalakas na ingay ang tumunog.

          "Anak, kanina pa kita sinisigawan ngayon ka lang gumising" Napamulat ang dalawa kong mata nang may naramdaman akong bagay sa aking ulo na hinampas ng aking ina. Ang ilaw na aking naaninag ngayon ay galing sa liwanag ng araw. Ako'y namulat sa malupit na panaginip.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon