Bakit Ikaw Pa Rin? by R.M.S

1.4K 8 1
                                    

Nang magising ako sa aking pagtulog sabay pagmulat sa katotohanan na kahit kailan hindi na siya muling babalik pa. Patak ng luha ang umaagos sa aking mata na nagpapahiwatig na sobra ko siyang mahal ngunit kahit kailan hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil wala na siya sa aking piling. Tumayo agad ako kahit alam kong wala ng taong may aakay sa akin dahil ang taong 'yun, matagal ng nagpaalam sa akin.Sa sobrang lalim ng aking pag-iisip, ako'y nadapa. Umiyak na lamang ako sa gilid, hindi sa sugat kundi sa pighati na aking nararamdaman. Kahit anong bagay ang aking mahawakan, may kaugnayan ito sa kanya.
Sa lalim ng karagatan.
Sa taas ng himpapawid.
Sa gitna ng gulo.
Sa laki ng mundo.
Sa liit ng ipis.
Sa hilaga ng Kontinente.
Sa timog ng Atlantic Ocean.
Sa sulok ng kwarto.
Sa patak ng luha.
Sa ngiti ng saya.
Sa agos ng buhay.
Sa dami ng tao.
Sa dako ng pilipinas.
Ang pinagtataka at ikinaiinis ko lang.

"Bakit ikaw pa rin hanggang ngayon Ma?" Isinigaw ko na ng buong lakas at humagolgol sa iyak.

"Anak, magiging mabuti si Mama sa kamay ng Panginoon" sabi ni Tatay at hinagkan niya lamang ako.

Sa labis ng sakit na iyong idinulot sa akin, bakit ikaw pa rin ang gusto kong maging reyna ng buhay ko Ma?

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon