Tulis ng Punyal by: Annamarie

1.8K 7 0
                                    

Patay na ang ilaw sa buong paligid. Pinatulis na punyal ang umalingawngaw  saan mang panig. Malalakas na yabag ang pabalik-balik. Umihip na ang malamig na samyo ng hangin. Sinuot ko agad ang itim na tela sa aking mukha. Sabay sunggab at hampas ng malakas. Dumagundong ang napakalakas na ungol. Pulang likido ay bumalot sa aking punyal. Dugo'y nagsimulang namalisbis sa sahig.

Butil ng pawis ko'y nagsimulang dumaloy. Pintig ng puso'y pabilis ng pabilis. Sa di kalayuan ay nakita ko ang pagningning ng kandila. Paghampas ng punyal lalo pang bumilis. Kaba ko'y napawi ng ang ningning ng kandila ay nawala ng parang bula. Kamay nahinto sa ere ng malakas na pagbukas ng pinto at lumitaw ang nakaputing nilalang na namilog ang mga mata sa nakita.

"Anong ginawa mo?"

"Trabaho ko ito, umalis ka rito kung ayaw mong mamantsahan ng dugo ang puti mong damit"

Matinis na tunog ng switch kasabay ng pagliwanag ng paligid.
"Ganyan ka na sumagot ngayon sa iyong amo? Pwes, wala ka ng trabaho. Hindi bagay sayo ang magtrabaho bilang mangangatay ng hayop. Bukas ay bumalik ka rito para linisin ang mga duming kinalat mo"

Punyal na hawak ko'y aking nabitawan at napaluhod  sa harap ng kinatay kong hayop.

#감사함내다

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon