Mamahaling Kahon by: Arlyn

2.3K 15 0
                                    

           Naiiba ako sa lahat, mag-isa akong nakasakay sa eroplano na may mamahaling kahon sa loob nito. Kakarating ko palang sa pilipinas makikita mo sa kanila na gusto nila akong mayakap.Dumating ang linggo tumungo kami sa simbahan.Nakasakay sila sa  kanikanilang sasakyan . Ako? Narito nakasakay ng mag isa sa magarang sasakyan na may musika pa na ako lang ang inaalayan.
           Kakatapos lang ng misa marami sa kanila ang nag pakuha ng litrato na ako ang kasama. Pagkatapos nito'y sabay kaming tumungo sa isang tahimik na lugar kung saan nila ako inihatid. Magaganda't mababangong bulaklak sakin ay inalay. Nakakabighani pa nitong mga kulay. Mga lobong puti ay kanilang pinakawalan. Napakaganda panitong tanawin sa kalangitan. Namangha ang nakakita sa di kalayuan. Ngunit sila? Narito't nagluluksa dahil pinanghawakan nila ang binitawan kong pangako. Bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pag buhos ng kanilang luha. Gustohin ko mang punasan, hindi ko na magagawa kailanman. parang kailan lang na buo ang aming pamilya, mga maiinit na yakap at matatamis na halik ang aking nadarama.
           Sa susunod na linggo na ang pasko, maging masaya sana sila sa pagdiriwang nito. kung wala lang sanang giyerang naganap. sana ngayon ramdam ko parin ang maiinit nilang yakap. Hindi ko man inaasahan na umuwi na nasa loob ng mamahaling kahon na nasa eroplano, wala akong magagawa dahil binuwis ko na ang buhay ko para sa mga taong walang ka muwang muwang sa mga kaganapan sa mundo. Gusto ko lang namang maging masaya sila sa aking pagpanaw,dahil parati parin akong nandito na nakatanaw. Nakakalungkot lang sabihin na ako ang laman ng mamahaling kahon na ito o kabaong kung tawagin niyo. Suot-suot ko parin ang uniporme ng isang sundalo. Wala paring silbi ang kamahalan nito dahil hindi ko na makakasama ang pamilyang pinakamamahal ko.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon