Masaya Ba? by: Norlyn

2.1K 15 0
                                    

Lahat sila ay natatawa hindi ko alam kung ano ang kanilang nakita. Ngunit lahat ng kanilang atensyon ay naka sentro sa akin. Siguro ay may mali sa aking ginagawa. Hindi ko naman sila inaano pero bakit parang hindi matatapos ang kanilang araw ng hindi ako nakukutya? Minsan hindi ko mapigilan na sila ay bulyawan. Pero bakit mas lalo silang natatawa? Sa tingin ba nila ito ay masaya?

May mali ba sa hindi paliligo? kausapin ang sarili, pagtawa mag-isa, pamumulot ng basura at bato at pagtulog sa gilid ng kalsada?Dahil sa palagay ko naman ito ay tama. Kung wala lang sanang nangyaring gulo noon. Kung hindi lang sana nasunog ang tinitirhan ko noon. Edi sana kapiling ko pa ang mga mahal ko sa buhay ngayon.

Kung maibabalik lang sana ang mga oras na nakalipas.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon