Kandila't Posporo by Mark

1.5K 9 0
                                    

Pagod nang umuwi,nanggaling na sa eskwela tas sa trabaho pa.
Sa wakas nakarating na siya,binuksan ang ilaw at diretsong tumungo sa higaan.Humandusay sa kama na parang patay.

Hanggang ilang minuto ang nakalipas,nakaramdam siya ng malamig na yakap ng hangin.Nanindig ang kanyang balahibo at nanginginig ang kanyang buong katawan.At yun....

Namatay ang ilaw at huminto sa pag-ikot ang ceiling fan....Peste!Brown out lang pala.Tumayo siya at humanap ng lampara.Bumaba sa kusina at tumungo sa sala.Hinanap na niya ang buong sulok ng bahay pero wala siyang may nakitang lampara.

Mamahinga na siya sana ngunit waring may humahatak sa kanya na puntahan ang lumang altar.Binuksan niya ang de-kwadrong kahon malapit sa altar at may nakita siya....
Isang kandila na nakalagay sa kandelero at isang kahon ng posporo..

Di siya makapaniwala nakahanap din siya sa wakas.Masaya siyang bumalik sa kanyang kwarto para ilawan ang madilim na sulok ng kanyang kuwarto.Nasindihan na niya ang kandila at may nangyari naman.May narinig naman siyang ingay "Tsug-tsug-tsug.tsug".

Biglang namatay ang kandila at nakarinig rin siya ng sigaw galing sa kapit-bahay.Dahil lang pala bumalik na ang kuryente at dahil sa pag-ikot ng celing fan namatay ang kandila.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon