Lahat ay naka itim na pawang mga kulto
May mga mahahalimuyak na bulaklak rin ang paligid
Ang mga tao'y nagtitipon sa isang lugar
Ako'y pumunta na sa harapan ,ako'y mag-aalay na ng huling mensahe
Binahagi ang aking nararamdaman, bawat salita na aking binibitiwan ay siya ring pagpatak ng aking mga luha.
Ang mga tao'y nagsimula na ring lumuha dahil sa samu't saring emosyon ang nadarama
Hindi ko lubusang maisip ang mga pangyayari ngayong araw,dahil sa aking nadarama hindi ko mapigilang ihagis ang aking sumbrero.Ako'y lumisan na sa lugar kasama ang aking pamilya at tumungo na sa daan.Habang naglalakad hindi mawagli sa aking mukha ang ngiti
at sabihing "Yes! Graduate na ako! "
BINABASA MO ANG
Dagli
Ficção GeralSariling Dagli na ginawa ng mga kaklase ko para sa proyekto namin sa Filipino kaya Credits sa kanilang lahat.