Chapter 1

2K 39 22
                                    

 Author's Note:

Hello po. Una sa lahat, THANK YOU po dahil naisipan niyong basahin ang story na 'to. Honestly po, ito po ang first time kong gumawa ng tagalog love story kasi most of the time, english fantasy stories po ang sinusulat ko. Pagpasensyahan nyo na din po sana kung medyo di ako ganun kadalubhasa magsulat or minsan, masyadong formal yung nakasulat. Male writer po kasi ako at male perspective ang POV ng story nato kaya medyo unusual. Na-inspire lang po talaga ako sa ibang filipino wirters na nakilala dahil sa tagalog love stories nila kaya nag-try din po ako. Pero kahit baguhan palang po ako, sana naman ma-enjoy nyo tong story na 'to. This story centers on self-esteem, transformation, friendship and love. Ang advocacy din nito is Anti-Bullying kaya sana po madaming maka-relate. So, enjoy reading nalang po. Feel free to leave comments po and don't hesitate to click the VOTE button to show some support. Thanks again and God bless. :)

____________________________________________________________

Hindi ako makatulog.

Siguro ganon talaga kapag sasabak ka sa isang bagay na bago sa iyo. Halo-halong kaba, excitement, pag-aalala at curiosity ang mararamdaman mo. Pero sa lahat ng iyon, sobra akong nag-aalala. Start na kasi ng pasok ko bukas sa isang bagong university. Transferee kasi ako. Kung bakit ako lumipat, sa akin nalang iyon. Sabihin nalang nating di naging maganda ang naranasan ko noon.

Simula bukas, panibagong buhay na naman. Bagong mga tao. Bagong classmates. Bagong mga teachers. Bagong mga kaibigan, kung papalarin. At bagong mga bullies na kakaharapin. Alam kong di malayong mangyari yung huli kasi simula noon pa lang, problema ko na talaga tong mukha at balat ko. Ngayon, sa tingin ko, may kaunting idea ka na kung anong dahilan ng paglipat ko.

All throughout my school life, never pakong nakaranas ng tahimik at mapayapang buhay. Lapitin kasi ako ng mga taong walang magawa sa buhay kung hindi mang-api at manukso. Kadalasan akong inaasar na negro, itim, panget, tigidig, nognog, tingting, uling, nerd, koko krunch at marami pang masasakit na salita. Sanay na naman ako dito. Universal truth nato e. Wala nakong magagawa.

Pero minsan, napaisip ako kung kelan kaya titigil ang mga tao sa pang-aasar sakin? Kelan kaya sila mapapagod? Kelan kaya sila mauubos? Ano nga ba ang pakiramdam ng hangaan ka at i-appreciate? Ako nga ba ang may problema o sila? Labas na kaanyuan nga ba talaga ang mas importante kesa sa panloob?

Ang hinihiling ko ngayon e sana naman maging maganda ang first day ko bukas sa Statefields University. Sana naman mas matitino na mga tao doon. Sana magustuhan nila ako kahit pangit itsura ko. Sana may makaappreciate man lang sakin.

At higit sa lahat, sana tumagal na ako doon.

____________________________________________________________

Wag kalimutang:

(1) MAG-VOTE to show support.

(2) MAG-FOLLOW to get the latest news about the updates.

(3) MAG-COMMENT to share your opinion.

Thank you and God bless. :)

The Pretty Girl's Ugly LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon