Chapter 7

273 15 22
                                    

"Brad, ang ganda naman niya. Sobra. Ganyan mga tipo ko e." seryosong sinabi ni Ian habang tinitingnan ng masinsinan ang profile pic at cover photo ni Sam sa Facebook. Pina-search ko kasi sa kanya. Di ko naman siya masisisi kasi kahit ako din napatulala sa picture ni Sam. Ganto pala itsura niya kapag nakaayos ng todo. Parang beauty queen lang ang dating.

Si Ian yung kababata ko dito sa lugar namin. Simula elementary pa lang kami niyan, magkasundo na kami sa mga bagay-bagay. Parehas kami mahilig sa kotse, sa mga laro, anime, cartoons at minsan pa nga, parehas kami ng nagiging crush. Minsan nga naiisip ko na baka gingaya lang niya ako palagi kasi idol niya ako. Ewan ko lang ha. O baka ganun lang talaga. Pero nagpapasalamat naman ako na may kaibigan akong tulad nito na sa lahat ng bagay, nagkakaunawaan kami.

Natatandaan ko pa nga dati na mistulang dynamic duo kami niyan pagdating sa beyblade. Kapag nakikipaglaban kami sa bawat kanto ng barangay, dagsaan lahat ng mga kapwa naming mga bata para matunghayan ang laban namin at i-cheer ang bawat isa sa amin. Bida kami palagi dati dahil sa galing at kaastigan naming dalawa.

Sa school naman, kapag pinaglilista ako ng maingay ng teacher, syempre exempted ang kaibigan kong yan. Kahit pa lahat na ata nadaldal niya simula front row hanggang back row. Pinapakopya ko din yan minsan kasi kawawa naman. Ga-mani lang kasi ang laki ng utak nyan. Maiirita ka lang sa kakatanong niya.

Pero kahit medyo slow utak niya, masaya naman siya kasama. Stress reliever kumbaga. Matatawa ka nalang nang wala sa oras sa katangahan niya at sa mga hirit niya. Di lang yun. Siya pa yung kaibigan na pwede mo palaging takbuhan kung kailangan mo siya. Nandyan siya palagi, tulad nalang ngayon. Di siya nang-iiwan. Kaya naman kung bibigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng kapatid, di ako magdadalawang isip na siya ang piliin ko. Parang kambal ko na yan e.

"O, diba. Sabi ko sayo e. Ayaw pa kasing maniwala." wala sa sarili kong sagot habang nakatitig pa din sa DP ni Sam.

"Seryoso ka ba? Pinagtanggol ka niya at kinaibigan? O ilusyon mo lang?"

Bigla tuloy akong napabalik sa diwa ko dahil sa sinabi nitong mokong nato.

"Loko. Totoo nga." pagpupumilit kong sinabi sabay pektus sa ulo nitong si Ian.

"Aray naman! Pakilala mo naman siya sakin. Dali Brad!"

"Wag na, brad. Baka matakot lang yun sa mukha mo." sabay tawa ako.

"Wow. Nahiya naman ako sa pagmumukha mo."

"Sira ulo ka ha." maangas kong sagot sabay tawa naming dalawa ng malakas.

Buti naman at medyo nahimasmasan na ako matapos kaming pagpartnerin ni Alessandra sa Romeo and Juliet skit kanina. At balcony scene pa talaga ang napunta saming part ng story. Kung makikita mo lang ang mukha niya, matatawa ka. Iritang-irita at diring-diri kasi siya sa mga naiisip niyang mangyayari. Ilang beses din niyang pinilit si Mam na si Miggy nalang ang ipartner sa kanya o kahit sinong iba diyang mukhang tao, pero the decision was final. Ako daw ang makakapartner niya.

After class, syempre nakiusap din ako kay Mam kung porsigido na ba siya talagang magpartner kami. Alam ko kasing di kami magkakaroon ng teamwork kung parehas naman naming di gusto ang isa't-isa. Papangit lang ang magiging presentation namin next meeting. Lugi naman yun sa part ko kasi scholar ako ng school. May minemaintain akong grade. Sabi naman ni Mam, she did it for a purpose daw. She wanted us to know each other and maybe, we can get comfortable with each other's company as time goes by. Kumbaga, sanayan lang daw para next time, di na siya ganun kasama sa akin at di na niya ako i-judge just because of my looks. Nainitindihan ko naman si Mam. May mabuting rason naman pala.

The Pretty Girl's Ugly LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon