Chapter 2

485 26 12
                                    

Gising nako agad ng 5 ng umaga. Naunahan ko pang mag-alarm yung cellphone ko. Di kasi ako masyado nakatulog. Paputol-putol kumbaga. Tumayo ako galing sa kama, binuksan ang ilaw, kinuha ang aking reading glasses sa may aparador at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin sa may dingding ng bahay.

Matatanggap kaya nila tong itsura ko?

At ganon ba talaga ako kapangit?

Tiningnan ko mabuti ang sarili ko sa salamin.

Yung mukha ko, puro tigyawat. Baka hindi na nga ako tubuan kasi wala ng space para sa bago. Buti naman. Pero ganun naman talaga kapag nasa puberty stage diba?

Yung mga mata ko naman, natatakpan ng napakakapal na salamin. Hindi naman siguro masamang magkaroon ng salamin. Sayang nga lang kasi sabi nung ibang mababait sakin, ang ganda daw ng mga mata ko.

Yung buhok ko, sa sobrang bilis tumubo, ang kapal na tuloy agad ngayon. Yung tipong di na siya sumusunod kapag sinusuklay ko. Eto nga lang ang kagandahan sa kolehiyo. Walang pakialamanan pagdating sa buhok. Di tulad ng highschool na required ang 2 by 3 sa kalalakihan. May libreng gupit ka pa galing sa discipline coordinator kung di ka susunod.

Yung ipin ko naman, sa lahat-lahat ng pwedeng masungki, yung dalawa pa sa harapan. Spongebob lang diba? Ito ang napapala ng batang mahilig galawin ang ipin kapag bagong tubo palang. Lesson learned. Pero malay naman natin may dala pala tong swerte. Sana naman.

Pagdating sa katawan ko, sakto lang naman. Para sa akin ha. Sabi kasi ng iba, di ko na daw kailangan magcostume sa Halloween. Ewan ko ba. Medyo payat ata ako sa mata ng iba.

At sa kulay naman ng balat, kayumanggi ang nakikita ko. Di naman ako masyadong sunog tulad ng sinasabi ng iba. Pinapa-OA lang nila.

Okay naman pala tong itsura ko. O dahil ba sanay lang ako sa itsura ko kaya naging immune na ako sa kapangitan ko? Sige na nga. Di muna ako magiisip ng kahit ano. Bawal muna ma-bad vibes ngayon. Madami pakong mas dapat atupagin.

Lumabas ako ng kwarto at umupo sa dining table para kumain ng almusal. Kumuha ako ng tinapay sa ibabaw ng mesa at pinalamanan ko ng peanut butter. Kahit wala akong gana, pinilit ko talaga ang sarili kong kumain para magkaroon naman ako ng energy mamaya sa school. Habang inuubos ang peanut butter sandwich, di ko mapigilang sumagi sa isip ko ang magiging tingin sakin ng mga tao mamaya.

Kinabahan ako bigla. Naalala ko kasi yung mga pambubully na naranasan ko sa school ko dati. Yung tipong magtatago ka kapag makikita mo silang naglalakad. Yung magmamabilis kang lumakad para di ka nila maabutan at maasar. Yung yuyuko ka kapag dadaan sila para di ka nila mapansin. Grabe. Para akong isang agent na may mission. Yun nga lang, ang mission ko ay iligtas ang sarili ko laban sa mga umaapi sa akin. Hindi para iligtas ang ibang tao.

Minsan nga naitanong ko sa sarili ko kung bakit di ako lumalaban? Bakit di ko kayang ipagtanggol sarili ko? Sa pagkakataon ngayon, alam ko na ang mga sagot dito. Una, napalaki ako ng tama nila Mama at Tita. Alam ko sa sarili ko na masama ang makipag-away sa ibang tao. Pangalawa, di ko kayang kalabanin ang mga taong nang-aapi sakin. Wala akong laban sa kanila. Madami sila, isa lang ako. Baka ako lang ang umuwing talo sa huli. At pinakahuli, may kapit sila sa eskwelahan. Sila yung mga mayayamang sutil na kinatatakutang kalabanin ng iba kaya kumakampi nalang din sila doon. O diba, mas dumami pa lalo ang masasama? Sa huli kasi, sila't sila ang kakampihan ng mga school officials. Sobrang di makatarungan.

Nang makita kong 5:30 na ng umaga, pumasok na ko sa banyo para maligo. Nagmadali na ako agad kasi ayokong malate. Sawa na kasi sa atensyon ng tao. Ayoko ng grand entrance pagdating ko dun.

Pagtapos ko maligo, nakita ko si Tita Lisa na umiinom ng kape. Maaga talaga sya gumigising araw-araw kasi tindera sya ng isda sa palengke. Siya na ata talaga ang pinakamasipag at pinakamabait na Tita sa mundo. Simula high school, siya na ang nag-alaga sakin. Kaya naman natutunan ko na syang mahalin. Masaya kayang magkaroon ng dalawang nanay.

"Kulas, pinlantsa ko na yung susuotin mo. Nasa kwarto na. Tapos, hinanda ko na rin pala yung babaunin mo. Corned beef yang ulam mo. Alam ko kasi favorite mo yan." medyo antok pang sabi ni Tita.

O, diba. Prepared lagi si Tita Lisa. Favorite na ulam ko pa yung hinanda nya. Dabest talaga.

"Thank you po, Ta. Bihis na po muna ako."

Pagpasok ko sa kwarto, nakalatag na sa kama ang pinlantsa niyang damit. Isang plain white na polo shirt at slacks na itim. Nakahanda nadin ang black shoes ko at medyas. Pagkasuot ko, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Handa na ba talaga ako pumasok ulit at magsimula ng bagong buhay?

Kinuha ko ang bag ko sa may gilid ng kama. At chineck for the last time ang mga gamit ko. Mahirap nang may maiwan sa bahay. Ayoko na ulit maranasan yung naiwan ko ang ID ko kaya di ako nakapasok tapos, aasarin akong "No Pets Allowed" daw kasi. Pagsilip ko sa bag ko, nandun na ang notebook, ballpen, lapis, face towel, I.D., Certificate of Matriculation, mga papel at mga libro ko. Kumpleto na.

Pagkalabas ko ng kwarto, biglaang lumapit sakin si Tita at inabot ang baunan ko.

"O, tago mo nato sa bag mo. Baka makalimutan mo pa."

"Ay, oo nga. Favorite ko pa naman yan." kinuha ko yung baunan kay Tita ng nakangiti at nilagay ito ng dahan-dahan sa loob ng bag.

"Pati eto pala pera. Para may pambili ka ng gusto mo dun." biglang habol ni Tita. Humugot siya sa kanyang bulsa, sabay abot sakin ng isang money bill.

Nagulat ako sa perang hawak nya. 500 pesos? Totoo ba to? Masyado atang malaki. Ano ba bibilin ko dun mamaya? Damit?

"Tita naman. Ang laki naman nyan. Di ko po yan matatanggap. Kahit 150 okay na sakin. Di naman tayo mayaman."

"Basta. Itago mo nato. Di mo alam kung gaano kamahal mga pagkain at bilihin dun. Pati, minsan lang to. Kunin mo na." pagpupumilit ni Tita Lisa habang pinapasok ang pera sa palad ko.

Hay. Si Tita Lisa talaga. Kung nagkaanak siguro to, super spoiled sa kanya. Masyadong iniisip ang iba kesa sa sarili nya. Kaya naman swerte akong sa kanya ako iniwan ni Mama e. Buti nalang talaga.

"Osya, mag-ingat ka dun ha. Kapag may nang-away sayo, wag mo nalang pansinin. Inggit lang sayo yun kasi matalino ka." payo ni Tita habang palabas kami ng pinto.

"Matalino lang? Hindi dahil sa gwapo ako?" biglang tawa namin ng malakas ni Tita. Minsan, ginagawa ko nalang katatawanan ang bagay na alam kong nakakasakit sakin. Sa gantong paraan kasi, napapasaya ko ang ibang tao pati ang sarili ko. Nasasanay din ako sa katotohanang pangit ako.

"O, sige na. Baka malate ka pa. Ingat ka." sabay halik sakin ni Tita sa pisngi.

"Bye, Ta. Thanks po ulit." nakangiting sagot ko sa kanya, sabay lakad palabas ng compound.

Ito na. Isang oras nalang sasabak na ako sa panibagong mundo. Kinabahan ako bigla at nanlamig ang katawan ko. Handa na nga ba ako talaga sa tatahakin ko?

Matatanggap kaya nila si Mark Nicholas Alferos San Jose?

 ____________________________________________________________

Wag kalimutang:

(1) MAG-VOTE to show support.

(2) MAG-FOLLOW to get the latest news about the updates.

(3) MAG-COMMENT to share your opinion.

Thank you and God bless. :)

The Pretty Girl's Ugly LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon