Kinuha ko muna ang salamin ko sa mata bago ko tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nagulat ako sa nakita ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko.
SERYOSO!? AKO 'TO!?
Wow. Nanaginip ba ako? Totoo ba tong nakikita ko? OA na kung OA pero grabe, di ko inakalang may tinatago pala akong ganitong itsura. As in. Napawala niya ang mga tigyawat ko. Yung buhok ko hindi na nakahambalang sa pagmumukha ko at nakasunod nalang sa isang direksyon. Yung kulay ko medyo lumiwanag at kumintab. Sa buong buhay ko, alam ko sa sarili kong pangit ako. Universal truth na iyon para sa akin talaga. Pero sa araw nato, napag-alaman kong nagkakamali pala ako. Kahit ang isang pangit pala na tulad ko, may pag-asa pading gumwapo.
"Uhm, Mark?" biglang singit ni Sam.
"A-ay, pasensya na. Nagulat lang kasi ako sa itsura ko. Pwede pala to mangyari."
Ngumiti siya sakin ng ilang segundo. "I'm glad I helped." sabay bow sa harap ko na pang-prinsesa. Ang cute niya talaga.
"Uhm, nagtext na ba sayo si Miggy?" tanong ko sa kanya para lang malihis ang atensyon niya. Nahihiya na kasi ako sa mga tingin niya.
"Oh, wait..." bigla niyang kinuha ang isang white na iPhone 5s sa bag niya. "..wala pa din e. I don't know. Siguro sa bahay na sya nag-ayos. Hey, it's almost 2 na pala. Ako naman ang mag-aayos ha."
"Sige. Salamat dito ha." sabay ngiti kong pa-cute.
Umalis siya at iniwan ako sa kinauupan ko. Nakita ko nalang ang iba naming classmates na nakatitig sakin sabay bulungan. Siguradong nagulat din sila sa bago kong itsura. Di din siguro nila inakalang may pag-asa patong mukhang to.
Matapos ang nakakabinging bulungan ng mga kaklase ko at ang muntikan kong pagkatunaw dahil sa mga titig nila, nabaling ang atensyon ng lahat ng dumating ang napakagandang babae na mistulang galing sa ibang kaharian. Suot niya ang isang eleganteng pink na gown at nakapatong sa kanyang ulo ang isang maliit na korona. Di pa sya nakaayos ng todo pero anlakas na kaagad ng dating niya. Binati sya agad ng mga classmates namin dahil sa sobrang ganda niya. Ngumiti naman siya sabay sabi ng kanyang pasasalamat.
Unti-unting lumapit sakin si Sam dahil malapit sakin ang pang-make-up nya. Di ako mapakali. Di ako makatingin sa kanya ng maayos.
"Okay ka lang? You seem troubled." sabi niya sa akin. Kung alam mo lang Sam ang dahilan.
"Wala-wala. Kinakabahan lang ako sa play." pagsisinungaling ko.
"Oh, yea. I know how you feel... Nako. Sana umabot pa tong pag-aayos ko." nagpapanic na sya sa pagkuha ng gagamitin niyang pang-make-up.
"Dalian mo nalang kasi baka dumating na agad si Mam. Kaya 'yan." Kahit sa totoo lang, di na niya kailangan mag-make-up kasi sobrang ganda na niya.
Dumating si Mam Garcia nang wala pa din si Alessandra. Kahit yung mga kaibigan niya, wala din. So kung wala talaga si Sam, matutuloy ang plano nilang pagmukhain akong tanga sa lahat. At syempre kung sabihin ko man ang totoo, di nila ako papakinggan kasi wala naman si Alessandra para sabihin kung totoo ba yung napag-usapan namin or hindi. Pero ngayong wala sila, mas lumakas ang loob kong magpresent. Wala muna kasing promotor na mangangantyaw at mangangasar habang nasa harap ako para umarte.
Napansin ko din na wala pa si Miggy hanggang ngayon kasi sobrang di mapakali si Sam kakatext habang nasa tabi ko siya. Ang masama dito, baka mabalewala lang itong pag-aayos namin kasi wala ang mga partners namin. Sobra pa naman ang paghahanda namin ni Sam. At lalo na sya kasi ang elegante pa ng suot nya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Pretty Girl's Ugly Lover
RomanceFilipino love stories in Wattpad are most commonly made by female writers. But, what if a male writer tries to make one? This story is about a guy's transformation from an ugly, humiliated dude to becoming the most popular school hearthrob there is...