Chapter 5

290 13 12
                                    

Nang makita ako ni Miggy, para bang nakita niya yung multo sa The Conjuring. Sobrang gulat niya. Di ko naman siya masisisi kasi kahit ako, nagulat din sa kanya. Kaya quits lang kami. Syempre, nakita din ako ng mga minions niya. Bakat din sa mukha nila ang gulat sabay tinginan sa isa't isa. Pero as of now, tiis-tiis muna sila sa panlalait kasi may prof. sa harap. Mahiya naman sila diba? Hanggang senyasan nalang muna tuloy ang mga loko dahil magkakalayo upuan nila.

Habang pinipirmahan ng prof. yung COMs namin, nilubos ko na ang pagkakataong makausap si Sam na halos kakaupo palang sa tabi ko. Nakipagbatian muna kasi siya sa mga classmates namin. Ganun siya ka-friendly at kakilala dito sa school. Dun ko napansing nakamatyag pala samin si Miggy na magkasalubong ang mga kilay. Nakita niya kasing katabi ko si Sam. Sa isip siguro nito, pinagmumumura nako. Pero tama bang pagselosan ako? Wow. Bago ata to.

Nilakasan ko na yung loob ko kahit may konting hiya akong nararamdaman kay Sam. At wala na din akong pakialam sa tinging masama ni Miggy dahil kailangan ko talagang magpasalamat. 

"Uhm, Sam, thank you nga pala kanina ha." nahihiya kong sinabi sa kanya. Ni hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. Nakakahiya naman din kasi. Babae pa ang nagtanggol sa lalaki. Baligtad ata.

"Ah. Yun ba. Wala yun. Pasensya ka na din kay Miggy. Medyo wala lang siya sa mood kanina kaya nasabi niya yun. Ano pala name mo?" sabay ngiti niya.

Kaya ba sila na-late dahil nag-usap pa silang dalawa tungkol sa nangyari? Siguro nga may namumuo na sa kanilang dalawa kaya naman alam na nilang i-handle ang bawat isa. Di ko alam ha pero parang nawalan ako bigla ng gana. 

"Okay lang. Sanay na din naman ako. Mark Nicholas pala name ko. Pwede mo kong tawagin kahit Mark nalang." ngiti din naman ako ng konti.

Napatigil siya bigla na parang may naalala. Tapos, tumingin siya ulit.

"Hm. You know, Mark, I understand you. I know what it feels like to be bullied. Lahat naman siguro tayo nakaranas ng ganun. But what I learned from it is that you must always stand up and redeem yourself. Hindi naman pwedeng tiisin nalang natin lahat yun diba?"

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Siya? Na-bully din? Parang imposible naman ata. Ang right term siguro ay na-insecure yung iba kasi inggit sila. Sobrang ganda kaya niya at sobrang bait.

"Paano ba ang mag-stand up at mag-redeem ng sarili? Tanggap ko na kasing hanggang ganto nalang ako. Wala nakong mas iiimprove pa." may bahid ng kalungkutan yung sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi. Hanggang ganto nalang ako.

Medyo tumagal ang pagsagot niya. Ewan ko pero nakahalata siguro siyang mabigat para sa akin ang usaping ito. Parang medyo nahawaan ko ata siya sa kadramahan ko.

"Madaming paraan, Mark. Hm. Tulad nalang ng . . . pagiging cheerful. Maging masaya ka lang sa buhay kasi yun ang pinakamabuting ganti sa mga kaaway mo. Tulad ngayon. Parang ang lungkot mo. Smile ka nga. Dali." cheer up sakin ni Sam habang todo ngiti siya.

Syempre, ngumiti naman ako. Sino ba naman hindi ngingiti lalo na kung kaharap mo ang isang tulad ni Sam? Nakakagood vibes kaya siya. Nagtaka tuloy ako kung bakit ganito siya sakin. Napaka-unusual lang kasi. Ganto lang ba talaga ang nature niya o may higit pang dahilan?

"Ayan. Much better. Friends na tayo ha. Naaalala ko kasi sayo yung friend ko nung high school. May similarities kayo." ngiti siya ulit.

Yun naman pala. May naaalala lang pala siya sakin.

"By the way, transferee ka dito, right? Bakit ka pala lumipat?" biglang singit niyang tanong.

Nag-alangan akong sumagot. "Medyo . . . di kasi naging maganda ang trato ng mga tao sakin dun sa . . . West High."

The Pretty Girl's Ugly LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon