Chapter 8

200 13 12
                                    

"ANO!? MAGGA-GOWN KA? Aba, Kulas. Nahihibang ka na ba?" gulat na sagot sakin ni Tita sa telepono.

"Ta naman. Diba nga sabi ko sayo magko-cross-dressing kami ng ka-partner ko sa presentation? Yun yung magbabaliktad kami ng role. Siya magiging lalaki, tapos ako yung magiging babae. Gets mo na po?" napabuntong-hininga nalang ako sa pag-explain kay Tita about dito sa cross dressing nato.

Di ko nga maintindihan kung bakit ako pumayag dito e. Siguro sobrang na-overwhelm lang ako sa effort at attitude na pinakita kanina ni Alessandra. Sa bagay, basta para sa mataas na grade, sige lang ako. Kahit ano pa yan. Yun nga lang. May kutob talaga akong magmumukhang tanga ako bukas.

"Ta, ano na po? Narinig mo po ba ako? Ikaw na bahala sa costume ko bukas ha. Pati wig pala, Ta. Please wag mo po kalimutan. Hanap niyo nalang ako sa mga kakilala niyo dyan." pakiusap ko kay Tita sa telepono habang nasa palengke siya, rinig sa background ang kaingayan ng paligid.

"Osya, gagawan ko nalang ng paraan."

"Okay po, Ta. Kailangan ko kasi talaga. Yung wig po ha. Salamat."

"Osige. Text kita kapag may nahanap nako. Bye."

Pagkababa ko ng telepono, inasikaso ko na agad ang pagpapractice para sa presentation bukas. Binuksan ko ang laptop ko para mag-search sa YouTube ng balcony scene ng Romeo and Juliet at nalaman kong napaka-romantic pala ng scene nato. Di lang yun, isa din pala siya sa pinaka-highlight ng kwento. Kaya naman dapat maging convincing talaga ang acting ko at dapat with feelings ang bawat sasabihin ko. Lalo na't ako pa pala si Juliet.

Galing sa bag, kinuha ko ang script na binigay ni Alessandra kanina at sinabayan ang video sa YouTube para makabisado ang mga galaw at pananalita ni Juliet. Bakit ganun? Habang tumatagal, mas lalo akong nagiging mukhang . . . tanga. Ang hirap pala magbabae-babaehan. Jusko po. Kakayanin ko ba 'to?

Pero syempre, di ako basta-basta sumuko. Kaya naman umisip nalang ako ng motivation. Para sa grades, Kulas. Para sa grades. Para di ka mawalan ng scholarship. Yan lang ang pinatakbo ko sa isipan ko kaya naman matapos ang isa't kalahating oras, namemorize ko na ang part ni Juliet with feelings and emotions kahit napakahaba pa nito. Pagtawanan na nila ako kung pagtawanan, basta ang importante, nabigay ko ang best ko at naging maganda at kakaiba ang presentation namin.

Toot! Toot! Toot!

From: Tita Lisa

D2 n costume m. Pauwi n ko.

Sent at 5:34 p.m.

Galing talaga ni Tita. Nagagawan niya ng paraan ang kahit anong bagay. Sa wakas, wala na akong iintindihin sa costume. Yung sa sapatos naman, for sure meron na niyan si Tita. Hihiramin ko nalang. Kasya naman siguro yun sakin kasi malalaki din mga paa niya. Kung hindi, magtsitsinelas nalang ako. Di naman siguro mahahalata yun sa haba nung gown.

To: Tita Lisa

Thanks po talaga, Ta. Ingat pauwi. :)

Sent at 5:37 p.m.

Dahil tapos na ako sa lahat, oras naman para magpahinga at libangin ang sarili ko. Gumawa ako ng bagong tab sa Google Chrome sabay pindot sa bookmark ng Facebook. Pag-sign in ko, lumabas agad ang post ni Sam na umabot na sa 758 likes at 48 comments. Nakasuot siya ng isang mamahaling pink na gown at tiara sa kanyang ulo. Kita sa background ang isang malaki at magarang kwarto na kulay light pink ang dingding at punung-puno ng iba't-ibang Hello Kitty na gamit.

Ang caption niya:

Romeo & Juliet play tomorrow. We can do this Miggy dela Torre. Have faith! :))))) 

The Pretty Girl's Ugly LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon