Julia's POV
Hindi ako mapakali. Ngayong araw na ito ako mag-i-enroll sa academy na sinasabi ni Tita Melisa. Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. It's time. Agad akong tumayo at lumabas ng aking unit. Nag-commute ako at sa kabutihang palad, hindi masyadong ma-traffic.
Nang makarating sa academy, hindi ko maiwasang humanga. Pang-yayamanin! Gate pa lang, isinigaw nito ang karangyaan para sa mga taong pumapasok dito. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ang pangalan ng academy.
"Blackwell Academy."
Tita Melisa said na ang school na 'to ang dapat kong pasukan dahil sa may kakilala daw siya dito. Though, hindi na niya pa sinabi kung sino ay sumunod na lang ako.
Agad akong dumiretso sa pila ng mga mag-i-enroll. Napataas ang aking kilay nang may mapansin ako. Ang unti lang ng mga nag-i-enroll. Halos nasa bente lang pababa silang mga tao ang nabilang niya.
May nakapaskil naman sa announcement board na sinasabing sabi ngayon lang ang enrollment kaya nakakapagtaka.
"From what I heard, this academy is so prestigious to the point it only accept fewer student who is qualified from their standards and requirements. I got accepted here thru their online application, kayo ba?"
Napalingon ako ng bahagya sa babae. That woman answered my curiosity. Napatingin ako sa papel na hawak ko. It came from Tita Melisa. I don't know how she got this but since she's my only guardian, I think she already processed my application her own.
Ilang minuto ang lumipas bago ako nakalapit sa registrar. I gave my application letter before receiving the form of my registration.
While filling up the form, I was creeped out by this question.
Encircle your answer according to your identification.
(warm blood) (cold blood)
Why the heck do they have this kind of form?
Napasulyap ako sa mga nagpi-fill up din ng form kagaya ko. Are they not even bothered about the form?
Kahit nakakapagtaka, kahit na ang daming weird questions, sinagutan ko na lang. Pagkatapos kong ma-fill up lahat ay lumapit ako sa babaeng nakabantay sa aming mga nag-i-enroll.
"Ito na po yung form ko." Kasabay ng pagkakuha niya ng form ko ay ang pagdampi ng daliri niya sa kamay ko.
Napatigil ako nang makitang nakatitig sa akin ang babaeng inabutan ko ng form. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. But I noticed something, there is something about her eyes. I couldn't explain it further but her eyes was so hypnotizing and... searching.
Mga ilang sandali, bigla siyang ngumisi na ikinakaba ko.
"So, bago ka lang dito?" Nakangisi niyang sabi habang sinasali ang form ko sa nakatambak na papel sa lamesa niya.
"Yes po," sagot ko sa kaniya bago nag-iwas ng tingin.
Hindi ko kasi kayang tignan ang mga mata niya. I felt like an open-book, like I got nothing to hide on her.
"Sige. Saglit lang." aniya at yumuko sa ilalim ng lamesa niya.
Pagka-angat niya ay may inabot siya sa akin. "Suotin mo 'to tuwing papasok ka. Huwag na huwag mong tatanggalin 'yan habang nasa loob ka ng campus," sabi niya at binigay sa akin ang isang bracelet.
Kulay gold at silver yung chain habang sa pinakagitna naman nito ay may dyamante na kulay dark violet. Teka, Libre ba 'to? Baka naman may bayad 'to?
BINABASA MO ANG
New Born Vampire Series 1: The Royal Princess
VampireJulia must forget everything about her recent relationship but after her planned death, she has forgotten everything and became a vampire princess.