Chapter 3 : Someone

33.4K 819 18
                                    

Julia's POV

Sa pagtingin ni Theo ay saka ko rin napagtanto na nakatingin ang lahat sa akin kung kaya't napayuko na lamang ako. They are super weird!

"Mr. Theo? Should I throw you out in this class or are you going to introduce yourself?" mapang-asar na sabi ni Ms. Georgina.

Ngayon ay alam ko na. Hindi lang pala antipatiko 'yan si Theo kundi bastos, masungit at mayabang din.

"Kung gusto mo pang pumasok ng klase ko, introduce yourself. Huwag mong sabihin na nanghihina kang magpapakilala," nakangising sabi ni Ms. Georgina at nakipagtagisan ng tingin kay Theo.

I arched my brow while looking at them. Inaasar ata ni Ms. Georgina si Theo. 

"Tsk! Fine." asar na sabi ni Theo.

Padabog siyang tumayo at tumingin ng masama kay Georgina.

"I'm fucking Theodore Valerious who will be the next to own this academy." pagpapakilala niya atsaka umupo.

Agad akong napapanganga dahil sa gulat. Seriously? Siya ang next owner ng Blackwell Academy. Ni wala nga siyang manners at gentledog pa.

Napatingin ako sa mga reaksyon ng classmates ko. Blangko lang ang kanilang ekspresyon at nakikinig. Napanguso ako. Parang ako lang yata ang clueless dito.

KANINA AY SABAY kaming nag-lunch ni Dylan. He's so friendly. Nagkuwento siya sa akin at nagulat ako sa mga nalaman ko.

Ang Valerious family pala ang nagmamay-ari ng Blackwell Academy. Pinsan ni Dylan si Theo na mayabang. Kaya naman pala ang malakas ng apog ni Theo kanina na sagutin ang Ate niyang si Miss Georgina.

Hmp! At parang may balak pa yata ang Theo na 'yon pasakitin ang ulo ko dahil sa ilang beses niya ako binunggo kanina sa canteen. Buti na nga lang at hindi ako nabubuwal sa bawat pagbunggo niya sa akin.

Hindi porket may pagka-cutie siya ay pasado na siyang gawin ang gano'n sa akin o baka hindi lang ako, ang pinagti-tripan niya. Subukan niya lang talaga.

HINDI KO MAIWASANG humikab habang mina-mop ko ang sahig dito sa room 3 ng call center building na 'to.

Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay humikab ulit. Inaantok talaga ako pero kailangan kong magtrabaho. Ulila na kasi ako. I live myself.

My parents both died because of car accident sabi ng Tita kong nasa U.S. Hindi dito naninirahan si Tita. Kaya ako lang mag-isa dito sa bansa.

Ngayon, nakatira lang ako sa isang cheap na condo. Niregalo sa akin ni tita ang condo unit niya bago siya umalis para mag-ibang bansa at para daw, atleast, may nakatira pa din kahit mag-isa lang ako.

So, ang problema ko na lang ay ang everyday needs ko at pagkain since fully paid na ni Tita ang condo.

Buti na lang at alas-siyete ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ang class hours ko samantalang alas-singko ng hapon hanggang ala-una ng umaga ang shift ko bilang janitress.

Hindi ko pa rin maiwasang antukin kahit na pinapakinggan ko ang mga paborito kong remix na tutog habang nagma-mop. Napakatahimik din kasi ng lugar at walang katao-tao. 

Nang matapos mag-mop, agad akong dumiretso ng upo sa isang tabi saka pinanood ang wall clock. Malapit na. Treinta minutos na lang ay pwede na akong umuwi. Hindi ko na talaga mapigilan ang antok ko kaya sinandal ko na lang ang ulo ko sa pader at natulog ng nakaupo.

KASALUKUYAN akong naglalakad pauwi. Buti na nga lang at may mabait na babaeng call center agent ang gumising sa akin kanina kundi baka hindi ako makapasok sa Blackwell.

New Born Vampire Series 1: The Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon