Julia's POV
Nagising ako na nandito ako sa kwarto ko. Weird.
Bumangon na ako at naligo. Habang naliligo ako, feeling ko parang medyo makirot ang likod ko, maging ang balakang ko ay nananakit pero nakakapaglakad at nakakagalaw naman ako ng maayos.
Weird talaga.
Ilang minuto ang lumipas, nakapaghanda na ako. Habang tinatahak ang daan papunta sa Blackwell, napatigil ako nang makakita ng mga nagkukumpulang mga tao doon sa may TV shop.
Nang makalapit ako, kasalukuyang may binabalita ang isang news channel dito sa bansa at ang binabalita ay nakakakilabot.
Tatlong katawan ang natagpuang patay sa ciudad. Hinihinalang isa lamang itong animal attack o kaya ay murder para lamang matakot ang mga residente.
"Ito ay hindi basta-bastang pagpatay lamang." Napalingon ako sa matandang lalake na nagsalita sa tabi ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin,Lolo?" Naguguluhan kong tanong.
Napabuntong-hininga ang matanda at tumitig sa akin. "Iha, tuwing gabi. Lalo na't pagsapit ng alas-dose, huwag na huwag kang lalabas at siguraduhin mong nakasirado ang buong bahay." Tumingin muli ang matanda sa mga TV na kasalukuyang pinapakita ang mga ebidensiya ng pagpatay. Natigilan ako nang makitang may dalawang butas ang nasa leeg ng isa sa mga patay.
"Hindi tao ang may gawa nito. Halang ang kaluluwa at uhaw lamang sa dugo ang may gawa ng ganyang klae ng pagpatay." Huling sabi ng matanda na tumataktak sa utak ko habang tinatahak ang daan papuntang Blackwell.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Nadatnan kong marami-rami ang mga studetnt na pumapasok ngayon. Nasa higit trenta na kami lahat.
Tinitigan ko ang buong room nang biglang magtama ang mata naming dalawa ni Theo.
Siya ang unang umiwas ng tingin at bumaling kay Dylan atsaka kinalabit ito.
Lumingon sa akin si Dylan saka kumaway."Julia! Dito ka dali!" Tawag sa akin ni Dylan.
Napatingin sa akin ang lahat kaya nakayuko akong naglalakad papunta sa katabing upuan ni Dylan. Buti na lang at wala pa ang Professor namin.
"Ang dami na natin ngayon, ano? Start na kasi," sabi ni Dylan.
Tumango na lang ako bilang sagot kay Dylan. Nawe-weirduhan pa rin ako at hindi matanggal sa isipan ko iyong sinabi ng matanda sa akin.
"Are you okay?"
"Ay! Palaka ka. Jusko naman, Theo. Huwag ka naman bigla-biglang sumusulpot dyan!"
"Tch! Baliw." sabi ni Theo at sumandal sa seat niya.
"Sungit!" Bulong ko at humarap sa bintana nang may mapansin ako.
"Nasaan si Dylan?" Tanong ko kay Theo.
"Comfort room." Nakangisi niyang sagot sa akin.
Napatanga ako. Ganun ba ako katulala at hindi ko man lang napansin ang pag-alis ni Dylan.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ano na naman kayang tumatakbo sa utak nito?
Nagulat ako nang biglang dumikit sa akin si Theo at bumulong. "Wanna come with me?"
Napalayo ako at napabusangot. Trip na naman ako nitong lalakeng 'to.
"Sa CR." Husky niyang bulong sa tenga ko.
Bastos! Masama ko siyang tinignan.
"Pervert! Leave me alone." Sigaw ko sa kaniya habang hinahampas siya ng bag ko.
BINABASA MO ANG
New Born Vampire Series 1: The Royal Princess
VampireJulia must forget everything about her recent relationship but after her planned death, she has forgotten everything and became a vampire princess.