Chapter 2 : First Day

45.5K 904 17
                                    

Julia's POV

Halos hindi na ako nakatulog kakaisip sa panaginip ko kagabi. Siguradong mukha akong zombie nito dahil sa pagkakaroon ng eyebags.

At hindi nga ako nagkamali, pagkatingin ko pa lang sa sarili ko sa salamin, agad na bumungad sa akin ang eyebags ko.

Bakit kasi ang big deal ng panaginip na 'yon?!

Tatakpan ko na lang 'to ng pulbos. Hindi ko na kailangang magpaganda dahil ayaw ko naman talaga magpaganda. Okay na sa akin ang unting pulbos lang.

HINDI KO MAPIGILANG mapapadyak sa naiinis. Naliligaw na ako dahil sa sobrang laki ng Blackwell Academy. Hindi ko alam kung nakailang ikot na din ako dahil laging kong nadadaanan 'yong clinic.

Nasaan kaya 'yong room ko?

Naglakad-lakad pa ako ng unti nang bigla akong mabunggo sa isang tao at napaupo sa lupa.

"Aray!" daing ko nang maramdamang kumirot ang pang-upo ko.

Tumingala ako para tignan kung kanino ako bumangga pero pagkatingala ko ay wala na 'yong tao. Lumingon ako sa likod at do'n ko nakita ang isang lalaki na naglalakad palayo habang ang isang kamay ay nasa kaliwang bulsa niya at cool na naglalakad.

Isa siyang bato, hard at walang feelings. Bwisit! Naiinis na tumayo ako habang pinapagpag ang palda ko. Nakakainis! Hindi man niya lang ako tinulungang tumayo.

"Gentledog!" sigaw ko pero bigla ko din tinakpan ang bibig ko.

Nakita kong napatigil sya sa paglalakad pero hindi sya lumingon. Mga ilang segundo ang lumipas bago siya naglakad ulit.

Nakahinga ako ng maluwag. Sino kaya 'yon? Wala man lang siyang reaction na sinabihan ko siya ng gentledog. Maybe, he doesn't care at all. Mostly kasi sa boys, kapag sinasabihan sila ng gano'n, nagre-react sila. Kung sino man 'yong gentledog na 'yon na bumangga sa akin at hindi man lang ako tinulungan, isa siyang bato. Bato!

Agad akong lumingon-lingon para hanapin ang room ko. Ayaw ko na isipin pa ang nangyari. Umiiinit lang ang dugo ko.

Saan kaya 'yong room ko? Naiinis na talaga ako. Kung bakit kasi lima pa ang building dito at lima pa ang floor. Sasakit paa ko nito.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Sabi do'n sa poster na nakalagay sa gate, puwede pa namang ma-late dahil first day atsaka alas-sais pa lang naman ng umaga.

Gagala na lang muna ako. Kalimutan ko muna 'yong bad vibes kanina. Naglakad-lakad ako hanggang sa makita ko ang isang open na lugar. Napangisi ako nang makita na field 'yon. Isa sa favorite place ko na pagtambayan. Napatakbo ako do'n at halos mapanganga ako dahil sa sobrang laki. Omaygee!

"Hoy!"

Napakunot ako ng noo at napatingin sa lalakeng tumawag sa akin. Hindi ko mapigilang mapatanga nang makilala ang tumawag sa akin. Siya 'yong lalake kahapon sa garden. Nakasuot kasi siya ng sunglass kahapon pero ngayon, ang suot niya naman ay cap. Okay, gwapo siya. Inaamin ko. Pero hindi ko type.

"Excuse me lang, a! May pangalan ako," sabi ko habang nakapameywang sa harap niya.

"Hindi ko naman alam, tch! Utak please?" cold niyang sabi.

"Bakit? Anong problema?" seryoso kong sabi.

"Hindi pa puwedeng puntahan dito dahil first day pa lang atsaka mapanganib." sabi niya at umalis.

Agad akong natigilan sa sinabi niya. Ano daw? Mapanganib? Baliw na ata ang lalakeng iyon.

"Teka lang!"

New Born Vampire Series 1: The Royal PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon