CHAPTER IX

110 21 8
                                    

Do i still believe in love

Bea Shin Pov.

"Ngayon ang araw na inanyayahan ako ni Nikko. Kaya nag asikaso na ako para hindi naman nakakahiya kung malalate pa ko.  

"Bea, someones waiting to you Jhake daw ang pangalan."

"Jhake?"

"Yes! Naghihintay na siya sayo sa labas," akala ko si Nikko ang susundo sa akin bakit naging si Jhake? Sinilip ko siya sa terrace at tumambad sa akin ang lalaking nakasandal sa unahan ng sasakyan.

"Maghintay siya"

Bumaba na ako at nagpaalam kay mommy. At saktong 5pm na din. Nang makita niya akong lumabas ay agad din niyang tinanggal ang salamin niya at sinalubong ako ng ngiti. ang weird.

"Madami kasing ginagawa si Nikko kaya sa akin kana niya pinasundo."

"Ah okay!" Binuksan niya ang pinto. Nagpaka-gentle man siya sa puntong to. May goodsides din pala ang mokong na to. Akala ko forevee nang masungit e.

"Nag-aayos na kasi sila kaya hindi ka niya masusundo."paguulit pa niya kaya bahagya akong natawa. Hindi ko na siya pinansin bagkus sinuot ko nalang ang shades ang pinagmasdan ang labas. Naisip ko din na itext siya pampalipas oras.

"Manonood ka ba ngayon?" Message sent.

Nagulat ako ng biglang tunog ng cellphone niya. Hindi niya ito pinansin at busy lang sa pagmamaneho. Sa pagkakataon na to ay nakita ko ang kabuuan ng muka niya. Kaya pala siya pinagkakaguluhan dahil sa maamong niyang muka in short gwapo. At dahil wala naman sa amin dalawa ang gustong bumasag ng katahimikan ay itinuon ko nalang ang sarili ko sa cellphone.

"Are you busy?"

"May nagtext yata sayo" saway ko pa. Kinuha niya iyon at sinimulan basahin hindi pa man nito nakikita ang kabuuan ng text ay maraan tinignan niya ako ng malagkit at sabay patay ng cellphone at ibinalik sa dati. Mabilis din nagbago ang ekpresyon ng muka niya kasabay nun ang bahagya namin pag-andar.

K.U

Ipinarada niya ng maayos ang sasakyan tila nagmamadali sa pagkabig ng manibela kaya ng maiayos ng park ay nauna na siyang bumaba. Sinundan ko siya ng tingin at dirediretso ang Masungit na yun. Sabi na nga ba Weird siya tsk.

"Hindi man lang niya ako pinagbuksan. Kakainis" pagmamaktol ko habang nakasunod sa kaniya. Ang laki-laking tao Ungentleman naman.

"Andito na sila"s Sigaw ni Kent na pumukaw sa atensyon nila.

"Uy! Thankyou jhake ha."

"Problema ng taong yun? Hindi man lang ako pinansin." At dire-diretso siya hanggang sa hindi ko na makita.

"Bigla nga siyang nag-iba eh pagkatapos may mabasa sa Cellphone niya," nagtinginan silang tatlo at mga natawa ng pilit maliban lang kay Nikko.

"Hayaan mo na yun. May period kaya masungit"

"Weird nga eh."
------

Kim Jhake Pov.

Yung pakiramdam ko ng mga oras na yun e kakaiba. Tila gusto ko munang itigil ang sasakyan ang huminga sa labas. Lalo na't nagtext siya at katabi ko pa siya. Pinatay ko agad ang cellphone ko at nagpatay malisya at hindi ko inindang magkasama kaming dalawa. Parang malulunod ako sa kaba idagdag mo pa na naglilihim ako sa kaniya na ako ang ka-Text niya.

Isinandal ko ang ulo ko at kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Binuksan ko itong muli at binasa ang mga messages niya. Napapangitj na lang ako ng wala sa oras at nangangarap na sana alam niyang ako ang taong nasa likod ng misteryosong kausap niya

Do i Still Believe In Love #PHTimesAwards2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon