CHAPTER XXXII

81 9 3
                                    

Enjoy Reading.

--

Dalawang linggo ang makalipas..

Nagdaan ang ilang araw na hindi pa din magawang pansinin ni Bea si Jhake, bawat araw ay parang tagu-taguan ang nagaganap sa kanila sa kalagayan ayaw pa ni Bea na magpakita, nagparaya naman si Jhake at hinayaan niya munang makapag isip ang Nobya,

"Girl, sino nanaman ba yang bago mo'ng admirer?" Tanong ni Vhora sa kaibigan, palagian kasi nakakatanggap ng mga Bulaklak si Bea bawat araw na papasok ito, may mga taong napaguutusan na nagbibigay sa kaniya nito

"Admirer? Ang weird nga e"

"Eh, kayo ni Jhake? Kaylan mo ba siya kikibuin? Magiisang linggo nang hindi na niya ginugulo,"

"Mabuti na yun Vhora, kaysa magkita kami hindi ko pa alam ang sasabihin ko, alam mo ba kahit miss na miss ko siya natatakot pa rin akong malaman ang paliwanag niya, madaming bumabagabag saakin at nagiging negative thinking na ako,"

"Eh, paano na yan? Wala nang Jhabea loveteam :(

"Jhabea?" Takang tanong ni Bea

"Hala siya! Malamang Jhake and Bea pagsamahin mo Jhabea, kaloka"

"Tatay mo talaga si Kuya kim ang dami mo'ng alam, oh hawakan mo na yang flower, baka kapag inuwi ko pa yan mapuno na ang flowes base namin, tara na sa Canteen"

"So you mean, iniipon mo? Paano kung si Jhake pala ang may kagagawan ng mga ito?"

"Malabo!"

"Luh? Paano mo naman nasabi? May ibendensya ka na bang hindi siya? Hindi lang siya nagpapakita wag kang pakasiguro, hahaha"

"Alam mo ang creepy ng mga sinasabi mo, hindi niya yun magagawa, kasi tinanong ko naman sina nikko at bahay school lang daw yun.

"Sus! Malay mo"

"Vhora ah! Tigilan mo ko."

"Sunget! HAHAHAHA

---

"Hello? Ano handa na ba ang plano natin?"

"Opo Ma'am handa na po!"

"Good" -Evil Laugh

---

Lei Pov.

It's been one week pagkatapos ng pangyayari pagitan sa amin ni Jhake, pati na rin sa Daddy ko, andto ako ngayon sa St.luke para mag pa-DNA test. Nababagabag kasi ako sa laging trato sakin ni Dddy gusto ko makasiguro kung siya ba talaga ang tatay ko, lagi ko naman tinatanong si Mommy pero umiiwas siya kapag ayun ang pinag uusapan, kinuhanan na din ako ng sample at ibinigay ko na din ang kutsrang pinaggamitan ni Daddy,

Naghintay lang ako ng ilang segundo at pinababalik ako within 2weeks  kahit matagal ay maghihintay ako malaman ko lang ang kasagutan,

Kapag nalaman ko na hindi ako isang Yim ay tatayo na ako sa sarili kong paa, hindi na ako aasa sa pera niya, magpupursigi ako alang alang sa karapatan ko, napapagod na din ako sa mga salitang binibitawan niya, since highschool ibang iba na ang trato niya, madalas kapag nagkakamali ako ay lagi niyang bukambibig ang Bastardo

Calling Ayesha! -
; Yes Hello?

- San ka na?

; eto paalis na,

-okay bilisan mo ah

Lunch date namin ngayon, inayos ko na din ang pagitan sa amin ni Ayesha, kahit ano kasing gawin ko ay kasal na kami at nakatali na ako sa kaniya, hindi ko to pinili, kundi choice ko lang na maging maayos ang takbo ng pamumuhay ko, pinipilit ko pa din siyang mahalin at pinagaaralan, hindi naman mahirap gawin yun dahil malambing si Ayesha.

Do i Still Believe In Love #PHTimesAwards2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon