CHAPTER XXXVI

64 5 0
                                    

Enjoy Reading..

JIN POV.

"Kuya,"tawag nito sa kapatid na nakasakay sa wheel chair

"Oh, Jin, napadalaw ka nanaman? Napapadalas yata ang paguwi mo dito sa laguna ah, hindi ba hassle sa pagaaral mo? Lalo na't traffic"

"Haha. No! Infact sino ba naman ang gaganahan sa araw araw na puntahan ko kung ikaw naman ang dadalawin ko tska malapit kona makamit ang inaasam nating pag-ganti kay Jhake, alam ko gusto mo yun, dahil noon nalaman mo'ng hindi kana pwedeng makalakad e, sobra ang galit na narinig ko sayo tungkol sa kaniya, kaya itinatak ko sa isip ko na igaganti kita sa kanila,"

"Ikaw talaga hanggang ngayon, ayan pa din ang iniisip mo!? Hayaan mo na sila Jin, tanggap ko na, na hindi na ako makakalakad, tska matagal na iyon nakalipas, ayoko na din sigurong balikan, dahil maalala ko lang ang lahat,"

"Eh diba dahil nga sa kanila kaya, hindi kana nakapag tapos ng pagaaral? Dahil sa kanila nasira ang lahat ng plano mo sa buhay lahat ng pangarap natin, ipinangako natin kay Mommy at daddy yun diba? Pero lahat ng iyon ay nawala dahil sa trahedyang yun." Sabi nito habang nagngingitngit sa galit

"Jin, kung buhay pa sina Mommy at Daddy hindi nila hahayaan na magpakagalit ka ng ganyan"

"Hindi ko sila mapapatawad alam mo yan. Kung ikaw okay na ako hindi pa, dahil una sa lahat ayokong nakikitang masaya sila lalo na't ganyan pa ang kalagayan mo! Maranasan man lang nila kung anong hirap ang dinanas mo noon, ni wala silang alam sa ginawa nila sayo,"

"Jin" tawag ng kapatid niya pero hindi siya nito pinansin. Kaya napailing nalang ito at inikot niya ang gulong ng wheel chair at humarap sa bintana. Natanaw niya si Jin na tahimik habang nakatanaw sa haciendang iniwan sa kanila ng kanilang mga magulang. Hindi na ito nalilinis at makikita ang mga bulok na dahon na nagkalat,

"Kim, halika na at oras na ng pag-inom mo ng gamot," pero hindi niya namalayan ang pagtabi ng kaniyang lola,

"Jin?" Sambit nito. Napatingin si Jin sa gawi nito at ngumiti naman ito at naglakad papsok sa loob "Jin apo,"

"Lolaa" sabay yakap at halik nito na kinangiti naman ni Kim.

balik tanaw

Noong 4rth year highschool sila ay magkakabatch na sina Kim, Nikko,Jhake at sina Steven Kent at Brent. Kasagsagan yun ng liga sa paaralan na pinapasukan nila, hindi masyadong kilala noon si Kim Han dahil sa ibang Team ito kasali. Sa madaling salita magkalaban sila.

Naging madalas ang paglalaro nila sa Gym. Madami din ang nanonood sa kanila at yung iba ay may ibat ibang cheering momment sa bawat kalahok.

Naging matindi ang hidwaan o laban pagitan sa dalawang team.
At sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkapikunan sina Jhake at Kim, humantong sila sa puntong magkasakitan pero agad naman sila inawat ng referee.

At sa sumunod na laban ay nagkaroon ng balyahan ang dalawa, naging mainit ang tensyon lalo na sa mga taong nanonood ng biglang pumlakda si Kim sa lapag, naalerto ang lahat at napahiyaw, agad naman binuhat si Kim dahil sa pananakit ng hita nito,

at ayun ang dahilan kaya hindi na magawang makalakad ni Kim. Matagal na din na panahon iyon at bawat isa sa kanila sguro ay nakalimot na maliban lang kay Jin.

"Kumain kana ba iho?"

"Opo! Bago po ako pumunta dito e nakakain na po ako"

"Mabuti naman kung ganun, basta kapag ngugutom ka e, magsabi ka, tska nga pala malapit na makapaglakad ang kuya mo, malaking tulong ang therapy sa paa niya hanggang balakng, hindi na siya katulad ng dati diba KIM?" Sabi niya at baling kay Kim, at napangiti nalang ito.

Do i Still Believe In Love #PHTimesAwards2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon