CHAPTER 42 - Worst

49 4 0
                                    

Enjoy read.ing...

□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□

Wala silang alam sa kagaguhan na pinaggagawa ni Lexi sa Kanila, naisagawa niya ang plano na hindi man lang nakakutob si Jin,  samantalang si Bella at nagpapakalango ng alak sa loob ng kaniyang Condo. Sinasariwa ang bawat pagkakamali, lalong lalo na ang makipagsabwatan sa kasalanan na pinilit lang siya.

Magaling at malinis ang plano, walang mintis at napaikot niya ang mga kasabwat niya, at sa mga taong binayaran niya para lang maisakatuparan ang matagal niya ng binabalak.

Naipadevelop na din ni Lexi ang mga pictures na sisira sa katauhan ng dalawa. Na magpapagimbal sa buhay ni Jhake.

--

Bea

Ugh! Ang sakit ng ulo ko, ouch! Napatayo siya agad habang hawak hawak ang ulo niya, nagulantang din siya sa kaniyang itsura ng maimulat niya ang kaniyang Mata, napaupo siya at napahawak sa kaniyang katawan, napansin din niya ang kaniyang damit na nagkalat sa lapag, at tanging pantulog lang saplot niya, napasigaw siya at napahagulgol, pilit niyang inaalala ang nangyari pero walang pumpasok sa isip niya. Dinampot niya isa isa ang mga nakakalat na damit at nagtungo siya sa CR.

Mas lalo siyang nagulat ng makita niya ang Lipstick sa salamin na nakasulat "THANKYOU FOR LAST NIGHT! UUGGH! NAPAKASARAP MO" Nagmadali siyang kunin ang lipstick at doon na naipon ang luha niya dahil sa kaniya iyon, nagbihis siya at itinapon niya sa trashcan ang kaninang suot suot niya, hinagilap din niya ang phone niya pero lowbat ito. Kaya nilisan niya na ang lugar,

Paglabas niya ng unit e hindi napansin ang paglabas ni Jin, medyo na una lang siya at nakahabol sa papasarang Elevator kaya hindi nagtama ang kanilang landas.

Sa loob ng Elevator ay pansin na pansin na wala sa sarili si Bea, magulo ang buhok nito at nangingitim pa ang ilalim ng kaniyang mata dahil sa kumalat na ang eyeliner. Hindi din niya napupuna ang mga taong tumitingin sa kaniya, para kasi siyang na-rape dahil sa kaniyang ayos,

Bumukas na ang Elevator at doon na siya nahimasmasan, nilisan niya ang lugar at nagmadaling maglakad sa lobby ng hotel. Napatigil siya saglit dahil umuulan pala, malakas ito kaya tinakbo ang hindi kalayuan na waiting Shed, hindi siya kaagad nakapara ng Taxi, kaya nagdisisyon siya na mag-Bus upang makauwi agad ng bahay.

--

Talagang mapagsamantala ang panahon, dahil sinabayan pa ng madilim na panahon ang madilim at karimarimarim na sinapit ni Bea. Sa bahay nila ay may mga taong nagaalala at naghihintay sa paguwi niya.

"Ano Byron na kontak mo na ba?"

"Hindi pa" sabi ni Byron habang pabalik, balik na naglalakad

"Jusko po! Ang alam ko inaya siya ng kaibigan niya pero hindi ko alam kung sino, at saan sila pumunta, hindi naman pwedeng hindi siya magtext dahil anong oras na inumaga na siya" Halos gusto nang magwala ng kaniyang ina sa sobrang pagaalala, kasama din nila ang kanilang padre pamilya na walang tigil sa pagkontak ng ibang kakilala.

Do i Still Believe In Love #PHTimesAwards2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon