CHAPTER 41 - Plans

70 5 0
                                    

Enjoy Reading..

--

Nakatitig siya sa kaniyang Vanity mirror, nakapalumbaba ito at halatang walang gana ngayon araw. Magulo din ang kaniyang buhok at tila walang balak magsuklay. Bandang alas-onse na din ng tanghali at nakapantulog pa ito, tumayo siya at sabay bagsak ngkatawan sa kama.

"Sabay sabay ang nangyayari sa buong linggo na to. Till now sariwa pa din sa akin ang nangyari hanggang sa pagtulog eh dala dala ko ang takot at binabagabag ako ng konsensya ko ng hindi pagsasabi ng totoo. Pinili ko na din yun para sa ikatatahimik ng mundo ng bawat isa.
Ilang gabi na din na may tumatawag sa akin na hindi naka-save na number, hindi ko sinasagot dahil malakas ang kutob ko na si Jin yun.

Siguro sa susunod na araw e lalakasan ko na ang loob ko na kausapin si Daddy na ayokong magpunta sa US, dahil tama si Kuya mahihirapan ako doon. Madaming adjustment at higit sa lahat panibagong pakikipagkilala." Sambit niya sa kaniyang isip habang nakatitig ito sa kisame

Pagkatapos niyang mag moony-moony e tumayo na din ito at nagtungo sa Banyo

--

Jin

Nakataas ang dalawang paa at malayo ang tingin, hithit buga at sa usok ay tilala matatabunan na siya. Madilim din ang ekpresyon ng kaniyang muka, at walang mabasa

"napakahirap niyang suyuin, napakahirap niyang paamuhin, napakahirap din kuhain ng loob niya, talagang mas matimbang sa kaniya si Jhake. Alam ko sa mga araw na to ay takot na takot siya saakin, hindi ko din kasi napigilan ang sarili ko sa pagpapakita ng ganun bagay, dko akalain na sobra ko na pala siyang natakot, pinili ko din na maghintay sa labas ng Mall para manghingi ng dispensa sa tinuran ko sa kaniya, pero ng makita ko siya at nagtama ang tingin namin naramdaman ko ang takot sa kaniyang mata, lalapitan ko pa sana siya ng bigla siyang napayakap sa lalaki. Para akong rapist o holdaper na kung iwasan niya niya ay ora mismo ay pwede siyang magsisigaw sa takot" Sabay tunga niya ng alak napailing iling pa ito at napasapo sa kaniyang ulo.

"Jin, tigilan mo na yan, walang maidudulot na maganda ang alak magiiba lang ang takbo ng iyong isip."

Tinignan niya lang ito habang papunta sa kaniyang direksyon si Kim na tinutulak ang sarili.

"Kailan ka ba titigil Jin? Matagal na panahon na iyon, bakit tila sayo ay sariwang sariwa pa din, baka may ibang dahilan na kung bakit pilit mo pa din gustong sirain si Jhake,"

"Walang ibang dahilan, gusto ko lang gumanti wala ng iba" at padabog niya ibinaba ang baso

"Oh baka gusto mo na din si Bea kaya mas lumawak pa ang pangungumpitensya mo. Tigilan mo na Jin. Pls! Bilang kuya mo

Ngunit hindi siya pinakinggan nito kundi lumabas ito, dali dali naman pinaikot ni Kim ang mga gulong pero sa pagmamadali niya e, nabundol niya ang lamesa kaya't nagbagsakan ang alak at ang basong kaninang iniinuman ni Jin. Naalarma si Kim kaya dali dali niyang minaneobra ang sinasakyan niyang Wheelchair

"Kuya" tawag ni Jin, at doon niya nakita ang alak na nakakalat na sa lapag. Inakay ni si Kim at inasikaso niya ang mga natapon.

"Natumba ka ba? May masakit ba" alalang alala ni Jin,

"Okay lang ako"

"Jin, please"

Napabuntong hininga si Jin at tinukod niya ang dalawang kamay niya sa bintaNa habang nakamasid sa hektarya ng kanilang lupain.

"Gusto ko maging tahimik na tayo, wag mong sirain ng galit ang puso mo, ito na ako nangyari na ang lahat, tanggap ko na pero hindi ko pinahihirapan ang sarili ko bagkus nilalabang ko nalang sa mga bagay na ikakatuwa ko, namimiss ko na ang dating Jin, kaya kung may natitira ka pang respeto sa akin itigil mo na ang binabalak mo, ayoko sa bandang huli pagsisihan mo ang pagkakamali mong nagawa o magagawa"

Do i Still Believe In Love #PHTimesAwards2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon