Chapter 25

5 1 0
                                    

"Happy birthday anak" masayang bati ni mang jomar kay mandy may inabot ito ng supot ng regalo napangiti naman si mandy sa binigay ng ama niya

Maraming tao sa bahay ni mandy dahil may handaan nanaganap dito may mga kaibigan at kamag-anak ang dumalo dito

"Maraming salamat ama" sabay yakap niya dito "ama ipapakilala ko sana si ven,boyfriend ko po"napatingin naman si mang jomar sa akin nailang naman ako sa tingin nito

" ingatan mo ang anak ko ven,wag mong sasaktan lalo na babalik ako ulit sa negros para sa negosyo ko na pinatayo doon mamaya" tumango naman ako bigla napa ngiti naman si mang jomar at isini asikaso ang ibang bisita

"Ayan,na pala si lover boy eh!halika ka inom tayo" pagyaya ni harold sa akin agad naman akong umupo sa bakanteng upuan

"Inom ka ven,oh!" Inabot naman ni harold ang baso na may lamang alak nilagok ko agad iyon nag tawanan naman ang pinsan ni mandy at mga kaibigan nito

"Nako,pare wag mong lolokohin ang pinsan namin huh!dahil kong hindi maghukay kana sa pinyahan" pagbabanta ni kuya marlon,tumango lang ako

"Ulol!sa pinyahan talaga marlon" agad naman siyang binatukan ni kuya marlon

"Wala kang paki botyo" inis na sabi ni kuya dito nag tawanan naman lahat

"Ikaw harold kaylan mo pa balak sagutin si charlot?matagal ng nanliligaw sayo yong kulot na yon huh?" Tanong ni botyo at inabot sa akin ang baso para sa isang shot agad ko iyong tinanggap at ininom

"Tsk!ASA,di noh" nakangiwing sabi ni harold kaya nag tawanan ang lahat

"Babe,wag kang masyadong uminom baka malasing ka di panaman kita kayang buhatin" agad naman kinabig ni harold ang kamay ni charlot halata na talaga sa mukha ni harold ang pagkalasing dahil sa pula na ang mukha niya

"Ano ba!pwede ba umalis kana huh!kaasar" inis na sabi nito kay charlot kita ko ang lungkot sa mata nito agad naman itong umalis na parang iiyak

Naramdaman ko na ang hilo dahil sa rami ng nainom ko

"Insan hatid mo na ito doon sa loob lasing na ata eh" narinig kong sabi ni kuya kay mandy

"Yan,kasi eh!maglalasing tapos di mo kaya" pumasok na kami sa bahay nila at pinasok sa kwarto niya

"Wag kang malikot,bibihisan kita" tinignan ko ang mukha niya napakaganda niya talaga tinanggal niya na ang pagkakabutunis ng polo ko at hinubad iyo kita ko sa mata niya ang pag iwas ng tingin sa katawan ko "tukso kahit,ngayon lang wag muna akong akitin" bulong na sabi niya na ikinatuwa ko agad kong hinila ang kamay niya at napa patong siya sa harap ko

"Hoy!ven ano ba" pilit siya umaalis sa ibabaw ko pero di ko iyon hinyaan mas hinila ko siya pahiga sa tabi ko at niyakap siya
"Ven,pst!ven,aalis na si ama mamaya,hoy!ven" napapikit naman ako ungol lang ang isinagot ko sa kanya

"Hay!nako ven,bakit ba kasi mahal na mahal kita eh" napangiti ako sa sinabi niya at tuluyan na akong nilamon ng antok

Nagising ako dahil naramdaman ko na parang susuka ako kaya napatakbo ako sa baba at pumunta sa banyo

"Urrghh!!!" naramdaman kong may humagod sa likod ko

"Bakit kasi ang raming ininom mo na alak,ayan tuloy ang resulta" napahilamos naman ako at sinundan siya inabotan niya ako ng kape

"Asan si mang jomar?" napahinto sa pagwawalis si mandy at hinarap ako

"Kanina pa umalis" nagpatuloy naman siya sa pagwawalis napatingin ako sa leeg niya nakita ko suot niya ang kwentas na regalo ko

Nilapitan ko siya at niyakap hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya at nilapit ang mukha ko sa kanya

"Mandy,Ven!" Agad naman akong natulak ni mandy dahil sa nagsalita sa harap namin

Wrong TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon