Chapter 19

9 1 0
                                    

Minulat ko ang mata dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko,binaling ko naman ang tingin ko kay mandy mahimbing ang tulog.Hinalikan ko siya sa noo bago bumaba sa kama para pumunta sa kusina

Tinignan ko ang lutuan nila mandy,may kahoy sa gilid nito.pumunta naman ako sa ref nila may hotdog doon kaya kinuha ko na

"Pano ba to?" Nilagay ko ang kahoy doon sa lutuan at sinidihan ng apoy.agad naman itong namatay kaya hinipan ko.
Nakarinig ako ng yapak ng paa papunta dito

"Good morning baby" sabi ng nasa likod ko agad naman akong tumingin dito "oh!anong nangyari sa mukha bakit may dumi" sabay lapit nito at pinunasan ito gamit ang tualya na nasa balikat niya

"Magluluto ako ng breakfast kaso di ako marunong gumawa ng apoy,sa bahay kasi namin sa manila maid lang ang nagluluto, doon naman ila tito si tita ang taga luto" pagmamaktol ko agad naman niyang ako tinulungan ilang segundo may apoy na sa kahoy

"Ako nalang ang magluluto ng hotdog" sabi nito agad naman akong umiling a sinabi niya

"Hindi baby ako na..maghilamos ka na doon" pagtutulak ko sa kanya sa banyo

Ilang minuto na tapos na siya sa paghihilamos umupo siya sa upuan habang pinagmamasdan ako. habang nagluluto ako nakarinig kami ng katok sa sala,agad namang tumayo si mandy at lumabas sa kusina nakarinig ako ng tawanan mula roon

"Kaloka ka girl,ito oh!dress para sa iyo" sabi nong pamilyar na boses narinig kong nag pasalamat si mandy kay charlot, kasi nga po boses palang charlot na

Kinuha ko na ang lalagyan ng ulam at nilagay doon ang niluto ko at nilagay ko na sa mesa,nakarinig ako ng yapak ng paa papunta dito

"Wow!ang sweet naman ni papa ven" sabay laro nito sa kulot na buhok agad naman itong tumingin sa ulam na ginawa ko "mandy,kailan ka ba nahilig kumain ng sunog na hotdog" nagtatakang sabi ni charlot sa niluto ko agad naman akong nahiya

"S-sorry,itatapon ko nalang" akmang aalis na ako pero pinigilan ako ni mandy at kumuha ng tinedor,sinubo niya sa bibig niya ang ulam

"Masarap naman baby eh" masayang sabi nito sa akin "charlot tikman mo" sabay lahad ng isang hotdog,aayaw sana si charlot kaso tinignan siya ng masama ni mandy kaya binuka nito ang bibig niya agad naman pinasok ni mandy ang isang hotdog sa bibig nito kaya napa ubo ito

"*cough* grabe ka naman girl papatayin mo yata ako" sabi nito kay mandy habang may pagkain pa sa bibig "masharap naman pala eh" sabi nito saakin sabay approve

Umupo na kami sa mesa para kumain na

"Sana ganito si harold noh,lulutuan ako mag lalambingan sa bahay hay" pagkasabi noon ni charlot sumulpot si harold bigla sa kusina,may lahi ba itong kabuti?

"Hoy!babae ano naman ang sinasabi mo diyan sa kanila at bakit naman na sungkit ang pangalan ko diyan huh!" Sabi nito kay charlot at tumingin sa ulam na niluto ko "diyos ko naman charlot!pati ba naman ulam di mo pinalampas sinunog mo pa talaga,anak ng tukwa naman charlot!lalasonin mo ba talaga silang dalawa" mahabang sabi ni harold kaya ikina inis ni charlot

"Langya kang lalaki!ano tingin mo sa akin mangkukulam" sabay bato nito ng plastik na baso agad namang umilag si harold "itanong mo sa kaibigan mo kong bakit ganyan ang itsura ng ulam" agad namang binaling ni harold ang tingin sa akin,binigyan ko nalang siya ng pagbabanta na tingin

"Oh!ano nganga,kasi nga pag ako naka gawa ng mali wagas kang mag salita tapos pag si papa ven naman tatahimik ka!nako-nako harold pano nalang kong maging asawa na kita hay!" Sabi ni charlot habang nilalaro ulit ang buhok nito

"Hahaha...asa!hindi noh!hindi ka ba ng didiri sa mga sinasabi mo?hoy kulot matagal ko na sinasabi sa iyo gumising kana sa bangongot mong pantasya" inirapan lang siya ni charlot

"What ever!kakainin morin sa huli ang sinasabi mo,wag mo ngang dinadamay ang buhok kong maganda" sabi nito kay harold naka ikinangiwi naman nito

"Maganda...hahahaha..yang buhok nayan!pang mangkukulam lang yan eh" tumayo bigla si charlot at hinabol si harold ayon naghabulan sa labas

"Nakakatawa silang dalawa noh?" Tumango lang ako sa sinabi ni mandy sa akin

"Pasensyahan mandy huh!kong ang ulam natin ay sunog" nahihiya kong sabi hinawakan naman ni mandy ang kamay ko at ngumiti

"Kahit anong luto mo masarap para sa akin,kaya wag kanang malungkot" ngumiti lang ako sa kanya,ano pa ba ang mahihiling ko sa diyos wala na ata kasi nasa aking harapan na ang babaeng gusto kong makasa habang buhay,tumayo ako at lumapit kay mandy pinag dikit ko ang noo naming dalawa

"Mahal na mahal kita mandy" malambing kong sabi "at hinding hindi ako magsasawa na sabihan ka na mahal kita" sabay halik sa labi niya

"Mahal din kita ven sobra" at hinalikan ako ang mga halik naming dalawa ay puno ng pagmamahal

"Ay bastos!" Sigaw ng nasa likod namin agad naman akong natulak ni mandy

"Ano bayan!harold pagsabihan mo nga tong kasintahan mo na wag mang disturbo wrong timing eh!" Agad naman ngumiwi si harold sa sinabi ko

"Yan!kadiri,kasintahan talaga di ba pwedeng alila" binatukan agad siya ni charlot kaya na pa aray ito sa sakit

Napuno kami ng tawanan sa kusina dahil sa ginawa ni charlot,sabay narin kaming apat na umalis sa bahay

Wrong TimingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon