Simula

104K 1.3K 39
                                    

Simula

Biglang bumukas ang mga mata ko mula sa pagkakapikit nang sumigaw ang kambal kong si Stella. Sa boses niya, dinig na dinig ko ang takot na agad na naipasa sa akin.

Umubo ako nang umubo at lumingon sa paligid. Tulog na tulog pa si Hunter sa tabi ko.

Napuno ang kwarto ng usok, at agad akong nakaramdam ng matinding takot nang , makita ang liwanag na tumatagos sa bahagyang nakabukas na pinto.

Lagi kaming nag aaway ni Kuya Seth at sa unang pagkakataon ay hiniling kong sana nandito siya sa Mindoro para tulungan kami. Hinihiling ko na sana ay umuwi siya galing dormitory upang makapunta sa amin.

Muli akong umubo nang dahil sa usok at ginising si Hunter. "Hunter! Sunog!"

Dahan dahan na idinilat ng kapatid ko ang mga mata niya. Iiling iling akong tumingin sa kaniya. Hindi ko na alam ang gagawin. Natataranta na ako.

"Kuya?" Natatakot na sabi ni Hunter.

Binuhat ko ang kapatid ko, pinasan ko siya sa likod ko, mabilis na kinuha ang mga importanteng gamit at isinukbit ito sa braso ko. Hindi ko na alam ang mga dinadampot ko. Ang kailangan ko ay may makuha man lang kahit papano.

Mabilis kong sinipa ang pintuan ng kwarto at nagpalingon lingon sa pasilyo. Shit! Mukhang malala na ang sunog sa ibaba.

Nakita kong tumakbo ang kambal kong si Stella patungo sa akin. Umiiyak siyang yumakap.

"Si Mama!" Sigaw ko.

Narinig ko na ang mga sirena ng mga bumbero. Mukhang nanggaling sa ibang bahay ang sunog at inaapula na ito.

Mabilis kaming tumakbo ng kapatid ko sa kwarto nila Mama at Papa. Tumakbo kami papasok, sunod sunod na tinawag ng kapatid ko sina Mama at Papa na mabilis namang nagising mula sa pagkakatulog. Napagtanto agad nila ang nangyayari dahil sa sunod sunod na sirena ng bumbero.

Tinaboy nila ang kumot, si Mama ay nagsimulang umiyak habang hinahagilap ang mga mahahalagang papeles.

Panay ang mura ni Papa habang nakadungaw sa bintana. "Wala ng oras! Bilis!" Sabi ni Papa sa amin at mabilis na hinawakan ang braso ni Mama.

"Bilis! Bilis!" Kinakabahang sabi ni Papa sa amin.

Hindi na kami nag dalawang isip ni Stella na tumakbo palabas ng pasilyo. Pero huli na ang lahat. Kumalat na nang tuluyan ang apoy sa ikalawang palapag. Tinaboy ko ang pawis ko, panay na ang pag iyak ni Hunter sa likuran ko.

"Shh. Andito lang si Kuya." Sabi ko sa kaniya, tinaboy ko ang mga luha at pawis ko at nag isip ng ibang paraan.

Tumingin sa akin si Stella. Idinapo ko ang tingin kay Mama at Papa na mukhang nawawalan na ng pag asa.

Hindi. Hindi ito pwede. Kailangan naming mabuhay.

Lumingon ako pabalik sa kwarto ko. "Atras! Atras! Kumakalat na ang apoy!" Sigaw ko sa abot ng aking makakaya at hinila pabalik si Stella at mga magulang ko.

"Ma, Pa! Stella! Hunter, kailangan niyong tumalon sa bintana." Sabi ko, ibinaba ang kapatid kong umiiyak at kinuha ang isang bangko.

"Delikado!" Sigaw ni Stella sa akin.

Binunggo ko ang paa ng upuan sa salamin ng kwarto. Panay ang hiyaw ko habang pinagmamasdang unti unting nadudurog ang mga salamin ng bintana. Damang dama ko na ang init sa likod ko! Malapit na ang apoy.

Buong lakas kong binasag ang bintana. Tumutulong na rin si Papa sa pamamagitan ng isang upuan na nakuha niya. Mabilis din itong nabasag.

Dumungaw ako sa ibaba. Tinawag ko ang attensyon ng mga iilang kapitbahay naming nagwawala, umiiyak at natatarantang ilabas ang mga gamit nila. Pero walang lumingon sa amin. Walang nag abalang bigyan kami ng pansin.

Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon