Kabanata 5

38K 681 65
                                    

Kabanata 5
Best friend

Lunes ay maaga akong gumising. Kinusot ko ang mata ko at nilingon si Micah na tulog pa rin. Pinatay ko ang alarm ng kaniyang cellphone at tinapik ang kaniyang braso. Ni hindi ko na narinig ang sinabi niya. Ni hindi ko na nga siya nilingon. Dumiretso na lang ako sa banyo, dala dala ang tuwalya ko.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ganoon talaga siguro kapag apat na oras lang ang tulog mo. Hindi namin namalayan ni Havier ang oras. Masyado kaming nawili sa pagkikwentuhan.

Siguro isa rin sa mga nagpa pagod sa akin ay ang pagpipigil ng tawa. I find some of his jokes were funny. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili minsang mag pigil ng tawa, hindi lang magising si Micah na aking katabi sa kama.

Hinayaan kong paliguan ang sarili gamit ang malamig na tubig. Nanginig ang buo kong katawan nang maramdaman ang lamig na nagpapa alala sa akin na alas kuwatro na ng madaling araw.

Habang naliligo ay nagbalik ang isipan ko sa mga nangyari noong linggo. Pagkatapos naming mag simba nina Mama at Micah ay sinamahan ako nina Mama sa mall. Nagkaroon ng maikling audition sa pagmo-model. At tulad ng inaasahan at pinagdadasal ni Mama ay agad akong natanggap.

Saglit akong natigilan upang alalahanin kung kailan ako babalik sa mall. Naalala ko rin naman kaagad. Sa Wednesday, babalik ako roon para sa isang photoshoot. I'm excited to meet my co-models. Balita ko, kaedad ko lang naman din ang iba sa kanila. Trying to fit in is not going to be a pain!

Lumabas ako ng banyo, sumunod naman si Micah. Dumiretso na ako sa kusina upang ipaghanda ang sarili ng agahan. Normally, si Mama ang naghahanda ng breakfast. Pero mukhang napagod ito sa trabaho kaya hindi ko na lang gigisingin. She needs to have some rest.

"Sige, mag aral ka ng mabuti!" Utas ko kay Micah nang makarating kami sa school pagkatapos bumiyahe gamit ang tricycle.

"Sige ate." Kumaway sa akin si Micah bago umakyat ng hagdan patungong second floor.

Mukhang napa aga ang pasok namin dahil medyo kaunti pa lamang ang kumalat na mga students. Some of the first year students were in the grounds. Habang ang iba namang higher year ay nasa hallway lang at kung ano anong ginagawang kalokohan o ano man.

Naglakad na ako patungo sa hagdanan ng kabilang building nang mabigla ako nang may humila ng strap ng aking bag. Napalingon agad ako at napangiti nang makita si Havier na sinasabayan ako sa paglakad.

"Morning." Ngumisi siya kaya ngumisi rin ako pabalik.

"Pinuyat mo ko kagabi!" Mahina akong tumawa habang paakyat kami ng hagdanan.

Ngumuso siyang dinungaw ang kaniyang wrist watch. "Okay. Sa susunod, matutulog na tayo ng maaga."

"Ayaw kasi paawat." Mahina kong sabi.

Tumawa uli siya nang mahina. Nagkaroon kami ng iilang kwentuhan hanggang maka akyat kami ng second floor. Naabutan ko kaagad sina Anthony at Camille sa hallway, kinukuhaan ang sarili ng larawan. Hinila nila agad ako at sinali sa picture. I have no choice but to smile and join them. Si Havier naman ay napangiting tumingin sa akin.

"Ano ba 'yan, hindi ako nakapag ready." Reklamo ko nang pumasok kami ni Havier ng room.

"You're still beautiful tho." Aniya sa isang seryosong tono bago ako lampasan upang makaupo na siya sa kaniyang desk. Tinapik naman niya ang bakanteng upuan. Mukhang wala pa sila Gilbert--ang kaklase naming nakaupo sa desk na 'yon.

Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon