Kabanata 2

61.3K 868 36
                                    

Kabanata 2
Kinds Of Boys

Hinigpitan ko ang hawak sa basahan na hawak ko at ikinuskos ito sa salamin. Simple lang naman ang pinapagawa sa amin ng teacher na na-assign. Pupunasan lang namin ang mga bintana dito sa science lab at mapipirmahan na ang maliit na papel na magpapatunay na nagsagawa kami ng brigada.

Dito ako na-assign kasama sina Havier at Stella. Si Micah naman ay nasa library. Pinag aayos siguro sila ng mga aklat.

"Mga lalaki talaga, kahit kailan mga manloloko." Utas ni Stella sa katabing babae.

Pansin kong pala kaibigan ito si Stella. Siya agad ang mga nangunguna sa pakikipag usap kahit mukhang hindi naman niya ito kakilala sa una.

"Sinabi mo pa!" Pag sang ayon ng kaniyang katabi.

Umangat ang sulok ng labi ko habang pinupunasan ang maalikabok na bintana. Hindi ko maiwasang sumang ayon.

"Hindi totoo 'yon!" Pag singit ni Havier sa usapan.

"Oo nga!" Sabat pa ng ilang lalaki na katabi niya.

Napalingon ako sa kaniya, naabutan ko siyang nagbubuhat ng mga chair labs at inaayos ang mga ito sa tamang lugar.

"Anong hindi totoo? Palibhasa lalaki ka rin kuya!" Singhal ni Stella at nagpatuloy sa pag aayos ng mga lab equipments. "Si Hunter nga babaero, pati si Kuya Seth."

Ang lakas ng loob nilang mag ingay dahil umalis ang nagbabantay sa amin.

"Its true. Manloloko talaga ang mga lalaki." Ngumiti ako kay Havier habang pinupunasan ang bintana.

Gumalaw ang panga niya sa ilalim ng kaniyang balat, nagkasalubong pa ang mga makakapal na kilay.

"How so?"

Inangat ko ang sulok ng aking labi at inulubog uli ang basahan sa tabo.

"Sa panahon ngayon, wala na tumatagal na couple. Hindi mo ba napapansin? Ang daming babae laging umiiyak palagi dahil sa mga kagagawan ninyong mga lalaki." Sabi ko at piniga ang basahan, iniisip na isang lalaking manloloko itong pinipiga ko.

"And because there are alot of heartbroken girls out there, you will put the blame on us?" Untag ni Havier at nagbuhat uli ng upuan.

Umirap ako habang pinupunasan ang bintana. "Hindi magiging ganito ang babae sa pananaw ng isang lalaki kung hindi naman totoong manloloko kayo di'ba?"

"Nagiging ganyan ang pananaw ng isang babae dahil niloko sila. Ganito lang 'yan eh. . ." Pumaymewang si Havier at naglakad patungo sa akin. "Lolokohin ka ng isa tapos isisisi mo na sa lahat. I mean, where's the logic in that? Because if you would ask me, it is such a stupid conclusion Mia."

Nagkasalubong ang kilay ko. "Nasasabi mo lang 'yan dahil lalaki ka."

"Isipin mo. . . Kung lahat ng lalaki ay manloloko tulad ng sinasabi mo, edi sana walang tao ngayon sa mundo. The majority of us were born dahil sa dalawang pares ng tao na nagmamahalan. Kung totoo yang sinasabi mo, edi sana ngayon, wala ka na. Edi sana hindi kita ngayon kausap." Ganti niya.

Mahina akong tumawa dahil sa pagtatalo namin. Panay naman ang kantiyaw ni Stella sa kapatid pero hindi siya pinansin ni Havier. Nanatili itong nakatingin sa akin, hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon