Kabanata 1

75.7K 1K 45
                                    

Kabanata 1
Brigada

Nagkatinginan kami ni Micah. Parehong may takot sa mukha naming dalawa habang pabalik balik kong hinahaplos ang malambot na balahibo ni Susie. Tumingin ang pusa ko sa akin. Tumingin din ako sa kaniya. Mukhang natatakot siya tulad namin ng kapatid kong si Micah.

"Malandi ka talaga!"

Narinig naming sumigaw si Mama habang pinagbubuhatan niya ng kamay si Ate Mara. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakakapit sa pintuan. Kapwa kaming nakatingin ni Micah sa biyak ng pinto upang makita ang ginagawa ni Mama kay Ate.

"Wala kaming ginawang masama mama!" Giit ni Ate.

Hirap na hirap na siyang magsalita dahil puro paghikbi ang lumalabas sa kaniyang bibig. Muli siyang sinampal ni Mama. Umalingangaw sa buong bahay ang malutong na pagkakadapo ng palad ni mama sa kaniya. Napatalon sa gulat si Micah nang dahil 'don.

Naging crystal ang mga mata ko sa luha. Laging ganito ang eksena kapag pinagmamalupitan ni Mama si Ate Mara. Pinakawalan ko si Susie at mahigpit na niyakap ang kapatid ko. Nanginginig ang kaniyang braso sa takot.

"H'wag ka matakot Micah. 'Di tayo sasaktan ni Mama." Hinaplos ko ang makintab at maikling buhok ng kapatid ko.

Tahimik lamang kami. At sa katahimikan na iyon ay dinala ako ng isip ko sa unang pangyayari na nasaksihan namin ang ganito. Hindi ito ang unang beses. . . Maraming beses na naranasan ni Ate Mara ang kalupitan ni Mama.

Nang tumungtong si Ate Mara ng eighteen ay nagsimula na siyang magkaroon ng boyfriend na mahigpit pinagbabawalan ni Mama. Kahit nga kami ni Micah ay pinapa alalahanan niya.

Sixteen na ako, thirteen naman si Micah. Sa mga edad na ito, mapupusok na raw ang mga kabataan. Kaya todo ang bantay din sa amin ni Mama. Bawal kaming magkaroon ng karelasyon hangga't hindi kami nakakapag tapos ng pag aaral.

Napaisip ako bigla. . . Hindi ko 'yon magagawa. Hindi ko masasaway si Mama. Oo, magkapatid kami ni Ate Mara, pero hindi ako tulad niya na kayang makipaglaban kay Mama at ipaglaban ang gusto niya. Takot ako kay Mama, tulad lang din ng kapatid kong si Micah.

"Oo! Malandi na ako ma! Malandi! Pero sasabihin ko sa'yo, wala akong nilabag na utos ng Diyos! Wala akong ginawang kasalanan! Nagmahal lang ako ma! Nagmahal!" Singhal ni Ate.

Tulad ng inaasahan namin ni Micah ay nakatanggap nanaman ng isang malutong na sampal si Ate mula kay Mama.

Umalis na kaming dalawa ni Micah sa sahig ng kwarto. Hinawakan ko ang magkabilaang braso ng kapatid ko at inalalayan ko siya sa kama na pinagsasaluhan naming dalawa. Nanginginig pa rin ang braso ni Micah.

"Tapos ka na maghanda ng requirements mo?" Tanong ko kay Micah para maiba yung usapan at mabaling ang isip niya sa iba.

Tumango nang marahan ang kapatid ko. Hinayaan niya akong itaas ang kumot patungo sa kaniyang braso. "Oo ate Mia."

"Good." Ngumiti ako at sumandal sa pader habang nakayakap sa aking binti.

Nakatitig lamang ako sa katabing kama kung saan natutulog si Ate Mara. Naririnig ko pa rin ang pagbabatuhan nila Mama ng salita. Iyon nga lang, malabo ang mga salita nila sa akin. Hindi ko halos marinig.

Ilang sandali lang, nakarinig ako ng mabibigat na hakbang patungo sa direksyon ng kwarto. Tumitig ako sa pintuan, nagbibilang, hinihintay kung kailan ito bubukas. Mukhang kailangan ko na ihanda na ang mga words of wisdoms ko na kahit paulit ulit ay nakakatulong para kay Ate Mara.

Napatalon ako habang nakaupo sa kama. Biglaang bumukas ang pintuan, tumama ang pinto sa pader nang pumasok si Ate Mara. Hindi niya ako nilingon, tuloy tuloy ang paghakbang niya patungo sa kaniyang aparador.

Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon