Kabanata 3

45K 818 65
                                    

Kabanata 3
Number

Punuan ang cafeteria nang pumasok ako kasama ang grupo nina Anthony na sina Stun, Camille at Beatrice. Nagkikwentuhan sila tungkol sa mga kinatatakutan nilang mga teacher this year. Ako naman ay kausap lamang si Anthony. Panay ang pagbilang niya ng mga nakikitang pogi sa hallway.

"Twelve!" Malakas na sabi ni Anthony nang makita si Havier sa kabilang table.

Napalingon ako sa banda niya. Napatingin siya sa amin at tumango nang makita ako. Kasama niya ang iilan niyang mga lalaking kaibigan na hindi pamilyar ang mga mukha sa akin. Ibinalik ko ang tingin sa mga pagkain na ibinibigay sa canteen.

"Stun! . . . Mia, doon na kayo sa left table, baka maunahan tayo. Kami na ang mag oorder ng inyo. Ano ba ang kakainin niyo?" Tanong ni Beatrice sa amin.

"Cup noodles yan kay Stun. . . Sa'yo beh?" Untag naman ni Camille sa akin.

"Cup noodles na rin." Ngumiti ako at kinuha ang wallet ko sa aking palda.

"Mia! 'Wag na, libre na kita. Patag tara na." Aniya sabay hila kay Camille na nakasimangot. Dahil siguro sa tinawag sa kaniya ni Anthony.

Tatawagin ko pa sana si Anthony upang tumanggi pero huli na ang lahat. Mabilis na silang nawala at nakihalo sa mga tao sa maingay na cafeteria.

Lumingon na ako kay Stun. Inayos niya ang salamin sa kaniyang bilog na mata. "Tara na."

Ngumiti sa akin si Stun. Napansin kong guwapo nga siya kahit may salamin. Sumunod na ako sa kaniya patungo sa napili naming table. Inayos ko ang buhok at nagpalingon lingon sa mga tables at tao sa paligid namin. Nagbabasakali akong mahanap ang kapatid kong si Micah.

"Sino hinahanap mo?" Tanong bigla ni Stun sa akin.

"Kapatid ko." Utas ko.

"Anong year ba?" Katanungan niya habang nakatungo sa kaniyang cellphone.

"First year eh." Sabi ko at nagpalingon lingon sa paligid. Natigilan lamang ako nang makita ko si Micah na may kasamang grupo ng mga babae pagkapasok ng cafeteria.

Kumaway agad ako sa kaniya. She mouthed the phrase 'Who's that' sabay turo kay Stun. I mouthed the word 'classmate' to her. Kumunot ang noo ni Micah.

Lumapit siya amin, nakipagsiksikan sa mga taong nandirito. Nanatili ang tingin ko kay Micah na kinakausap ng kaniyang mga kasama. Humalukipkip siya nang makapunta sa kinaroroonan ko.

"Kuya, kung liligawan mo si Ate, bawal pa 'yan." Nabigla ako sa sinabi ni Micah kay Stun. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko sa hiya para sa kaniya.

Humagalpak sa kakatawa si Stun, hinampas pa ang lamesa. Napatingin tuloy ang iba sa amin. "May ka-mu na ako bata. Kaibigan ko lang ate mo."

Pinandilatan ko si Micah na hindi naman ako pinansin. Ibinaling niya uli ang tingin kay Stun. "Mabuti naman Kuya. Bawal talaga kasi siya."

Nangunot ang noo ni Stun sa pagtataka. "Bakit? Sixteen naman siya di'ba?"

Pumaymewang naman this time si Micah. "Bawal talaga kasi. . . Kailangan naming mag graduate muna bago mag boyfriend. . . Baka kasi matulad siya sa ate namin na binugbog ni Mama. Ayun, naglayas. . . Sumama sa boyfriend niya." Buntong hininga ng kapatid ko.

Namula ang pisngi ko sa mga pinagsasabi ng kapatid ko. Hindi niya ito dapat ibinabahagi sa iba. Pribadong impormasyon na iyon. "Micah, sige na. Bumili ka na ng pagkain mo." Mariin kong sabi.

Si Stun ay nanatiling nagtataka ang mukha.

"Bantayan niyo na lang ate ko." Ngumiti si Micah kay Stun.

Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon