Kabanata 4
TortureNang mag sabado ay pumunta uli ako ng court ng aming school upang manood ng friendly game ni Havier. Katabi ko si Stella sa bleachers habang ang kapatid naman niyang si Hunter ay nasa kabila at may katabing babae na mukhang ipinapakilala nito sa mga tropa niya.
Nakita kong hinawakan ni Hunter ang baywang ng babae at hinalikan ito sa labi. He is too young for that! My God. . . Totoo nga ang sinasabi lagi sa akin ni Mama. Teens were suckers for unhealthy love.
Nag iwas ako ng tingin at ibinaling ang tingin sa gitna.
The score board was off. Hindi naman ito opisyal na laro. They just went here together with their friends to have fun. Pero mukhang seryosong seryoso pa rin si Havier sa paglalaro.
Wala namang scoreboard. Pero base sa panonood ko, maraming beses na nakashoot si Havier. Tingin ko ay tambak ang kalaban niya kung may scoreboard lang.
"Mahilig talaga ang kuya mo sa basketball noh?" Sabi ko at marahang siniko si Stella.
Narinig kong ngumiti siya, nanatili ang mga mata sa gitna. "Ah oo. Kahit sabado, naglalaro pa rin yan sa court sa village namin."
Tumango ako nang marahan. He surely loves this sport.
"Balita ko magaling ka raw kumanta." Nakangisi kong ibinaling ang tingin kay Stella.
Nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Si Kuya talaga. . . "
Mahina akong tumawa at ibinaling ang tingin sa court. Napatayo si Stella kaya napatayo na rin ako. Mukhang may nagaganap na kaguluhan dahil natigilan ang lahat sa paglalaro. Hinagilap ko si Havier. Pero hindi ko siya makita. Nakapalibot ang mga kalaro niya sa iisang tao. At mukhang siya ang nasa gitna!
"Kuya!" Napababa ng bleachers si Stella.
Nagmamadali na rin akong bumaba. Muntikan na akong madapa, makahabol lamang kay Stella at alamin ang nangyayaring gulo.
"Tama na 'yan! Uy tama na!" Dinig kong sabi ng isang lalaki na sinundan pa ng iba.
"Tama na 'yan. Uy tigil na 'yan!"
Nakita kong tumakbo si Hunter patungo sa amin. "Kuya!"
Tumingkayad ako upang makita ang nangyayari. Natigilan lamang ako sa pag tingkayad nang itulak ni Stella at Havier ang mga kalaro na nakapaligid sa nangyayari. Agad kong nakita si Havier na pinipigilan ang isang kalaban sa laro na suntukin siya sa pisngi. Namumula ang braso ni Havier habang inilalayo ang kamao ng kalaban.
"Kuya naman!" Gigil na sabi ni Stella. Kitang kita ko ang pamumula niya sa inis. Ako naman ay nakatayo lang, hindi alam ang tamang gagawin.
Ibinaling ko uli ang attensyon sa gulo. Mukhang nagka initan kanina at hindi ito namin napansin ni Stella.
"Tama na 'yan!" Pinigilan ng isang lalaking na naka pulang jersey ang lalaking nakahawak sa jersey ni Havier.
"Totoo naman di'ba? Madumi kang maglaro!" Singhal ni Havier sa harapan ng lalaki. Mas namula ito sa inis. His wild veins were showing on his neck. Gayun din sa braso at leeg ni Havier.
Saglit na pinakawalan ni Havier ang kamao ng lalaki. Agad na hinayaan ng lalaki na paliparin ang kaniyang kamao sa mukha ni Havier. Subalit agad umilag si Havier at gumanti ng isang suntok sa mukha ng lalaki. Napatili tuloy si Stella sa nangyari, naagaw tuloy namin ang attensyon ng ibang tao na nasa court.
BINABASA MO ANG
Celeste Brothers #1 - Havier Celeste (Completed)
General FictionMia Eleoner Dela Prado is a perfect child. Lahat sinusunod niya. Lahat ng mga gusto ng magulang niya. . . Tinutupad niya. Pero sa likod ng pagiging perpektong anak, kahit kailan ay hindi naging perpekto ang kaniyang pamilya. Their father left them...