"Eliza! Late ka na naman!" tipid lang siyang ngumiti nang sigawan siya ng kanyang Manager pagpasok pa lamang niya.
"At nagagawa mo pang ngumiti!" nakapamewang na sigaw nito kaya napatigil siya sa paglalakad at nakayukong hinarap ito.
"Pasensya na po, traffic po kasi." wika niya.
"And so? Sino ba ang dapat mag-adjust, ikaw o ang traffic? Saka hindi ka pa pinapanganak ay traffic na talaga sa Pilipinas!" napangiwi nalang siya at napayuko.
Hindi naman niya kasalanan talaga. Three hours bago ang duty niya ay gumigising na siya. At umaalis sakanyang apartment by 2 hours before her duty. Sadyang hindi lang talaga gumagalaw ang bus na sinakyan niya kaya siya na-late.
Napabuntong hininga na lamang siya at naglakad na ulit nang talikuran na siya ng kanyang Manager. Nagbihis siya ng kanyang uniform, itinali ang kanyang buhok, naglagay ng hairnet sa buhok. Naglagay din siya ng light make-up, foundation, blush-on at red lipstick. Inilagay niya ang kanyang cup at nameplate, bitbit ang kanyang time card ay pumunta siya sa Manager na sinermunan siya kanina lang.
"Ma'am, pa-in po." wika niya.
"Anong oras ka?" mataray na tanong nito.
"8am po, Ma'am." agad na tumingin sa orasan ang Manager niya at lihim siyang napangiti nang makita ang marahan na paglunok nito.
7:55am pa lamang kasi sa orasan. Ibig sabihin ay hindi pa siya late, advance lang talaga ang relo na pambisig nito. Mabuti na lamang at medyo late din ng 5 minutes ang kanilang orasan.
Pumuwesto na siya sa kanyang istasyon matapos pirmahan ang kanyang time card. Nakangiti siya nang batiin siya ng mga kasamahan at nakipagtawanan sa mga sinabi ng mga ito.
"Thank you for choosing Burger King, have a great day!" masayang wika niya nang umalis ang mga costumer nila. Agad niyang niligpit ang mga nasa table na ginamit ng mga ito nang may tumawag sakanya,
"Eliza?"
Napalingon siya sa may pintuan at doon niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng Corporate attire, may hawak ito na attachè case sa kaliwang kamay habang hawak naman nito sa kanan ang door handle. Nakatayo lamang ito doon habang nakatulala sakanya.
Napakunot-noo siya at lumapit dito. "Good afternoon, Sir. Glad to see you here!" wika na lamang niya dahil kita niya sakanyang gilid ang Manager niyang masungit.
"You're here?" wika pa nito.
Dahil sa naguguluhan siya ay hinawakan nalang niya ang door handle at tinulungan itong buksan ang pinto. Dali-dali naman itong pumasok at tumayo sa harap niya.
"Eliza?"
"Yes Sir, I am Eliza. Bakit po? May complain po ba kayo about sa akin? Pwede po bang huwag niyo nalang sabihin sa Manager namin at sa akin nalang? Baka po pwede pang pag-usapan." mahinang wika niya nang mapagtanto na baka isa ito sa maarteng costumer nila na trip mag-complain kaya lagi siyang napapagalitan. Mabuti na lang at hindi ito binabawas sa sahod niya.
Napailing ang lalaking nasa harapan niya at nagdiretso sa paglalakad papunta sa order area. Napailing nalang din siya at muling bumalik sa station niya, ngunit muli din niyang makakaharap ang lalaki dahil siya ang taga-aassemble ng mga orders.
"For Sir Chase?" tawag niya dito, agad naman itong lumapit at inabot naman niya ang order nitong Whopper with Fries and Drinks.
"Order's complete. Hope to see you again." wika niya dito at matamis na ngumiti.
Bigla niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang ngumiti ito sakanya pabalik. Bigla siyang nakaramdam ng pagka-ilang kaya napayuko na lamang siya. At nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nagulat siya nang nandoon parin ito at nakangiti parin habang kagat-kagat ang straw ng softdrinks na hawak nito.
"Hope to see you again too, Eliza." anito kaya napangiti na lamang siya.
Sinundan na lamang ni Eliza ang lalaki hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Ano yun, Eliza?" tanong sakanya ni Zen, isa sa mga katrabaho niya.
"Ewan ko. Pero diba ang gwapo niya. Shet~" impit na tili niya kaya binatukan siya nito.
"Ang landi mo ha!" natatawang sabi pa ni Zen. Tumawa nalang si Eliza at hindi na muling umimik nang tumikhim mula sa likod nila ang mataray na Manager.
'Yeah. Yeah. Kaya wala itong love life eh. Super sungit at kj!' wika niya sa isip.
"Nandito na po ako." masayang sigaw niya pagpasok niya sa apartment niya, and as usual, nakita niyang nanunuod sa sala ang Nanay at Tatay niya at hindi man lang nito nagawang lingunin siya.
Inalis niya ang kanyang suot na sapatos at inilagay ito sa shoe rack. Naka-medyas siya na naglakad papunta sa sala at isa-isang hinalikan sa pisngi ang kanyang Magulang.
"Anong pinapanuod niyo, Nay?" tanong niya. Doon lamang siya nilingon ng mga ito at ngumiti sakanya.
"Nandito na ka na pala! Kamusta ang araw mo?" wika ng Tatay niya. Napangiti nalang siya at umupo sa gitna ng mga ito.
"Malapit na po akong gumraduate, Nay, Tay." imbis na wika niya.
"Ipinagmamalaki ka namin anak. Pasensya ka na sa amin ha. Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na at kami na ang magkukusa na pumunta sa home for the aged." wika ng kanyang Nanay na nagpamuo sakanyang luha.
"Nay. Huwag kang magsalita ng ganyan. Kaya ko po. Kayang-kaya, malakas ako diba?" aniya sa masiglang tinig. Hinaplos nito ang kanyang pisngi kaya napangiti siya.
"Nakakatuwa na matapos ang tatlong taon ay makakapagtapos kana." wika naman ng kanyang Tatay.
Sumandal siya sa balikat nito at tumingin sa tv.
Nanunuod pala ang mga ito ng My Bebe Love. Muli siyang napangiti at napabuntong hininga.
Tama ang Tatay niya. Matapos ang tatlong taon ay matatapos na siya sa college. Nagkaroon daw kasi ng pangyayari noon ayon sa Tatay niya. Dalawang taon raw siyang na-comatose matapos niyang mahulog sa bubong na nililinis raw niya noon at nang magising siya ay ito na ang buhay niya. Wala naman nangyari na kung ano sa matagal niyang pagtulog at nagpatuloy sa buhay. Kaya ito siya ngayon, masaya. Ipinagdadasal na lamang niya na humaba pa ang buhay ng mga Magulang dahil alam niyang matanda na ang mga ito at mahina na.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)
Historia Corta"I knew I loved you since the day I was born, before the day I met you, 'til, the end of my life." I Knew I Loved You Before I Met You written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories, 2016
