Dalawang buwan, dalawang buwan na lamang ang inaantay ni Eliza at makakapagtapos na siya ng kolehiyo, at hindi matawaran ang excitement at kasiyahan na nararamdaman niya, kahit na halos wala na siyang tulog dahil sa thesis na tinatapos niya kasama na ang trabaho niya na sobrang nagpapas-stress sakanya.
"Eliza, extend ka, wala si Zen." Wika ng Sir Arlan niya sakanya nang pumunta siya sa office nito para magpapalit ng bills.
"Po? Sir, may tatapusin pa po kasi ako--"
"Hindi pwede tumanggi, Eliza, minsan lang ako manghingi sayo ng pabor." Napabuntong hininga na lamang siya at kinuha ang napalitan na na bills niya. Naglakad siya sa paalis doon hanggang sa makarating sa counter area.
Tahimik lamang siya na nakatayo sa harapan ng pos at nakatingin sa malayo. 5am ang pasok niya lagi sa trabaho, dahil hiniling niya ito para sa hapon hanggang gabi ang paggawa nila ng Thesis kasama ang mga kaklase niya.
"Eliza, may guest!" Halos mapatalon siya ng sumigaw ang isa niyang kasamahan na si Ian at agad napatingin dito, tinuro naman nito ang tao sa harapan niya at agad naman na binati.
"Good afternoon po, pasensya na po." Aniya.
"It's okay, Good afternoon, Eliza!" Anito sakanya na nakangiti. Bigla siyang nawala sa ulirat at parang may isang imahe na rumehistro sakanyang isipan nang ngumiti ito ng napakatamis.
"Huy, Eliza!" Biglang tawag sakanya ni Mark, ang Mainboards o taga-gawa ng burger sa trabaho niya. Napa-kurap na lamang siya at muling tumingin sa tao na nasa harapan na ngayon ay nagpipigil ng ngiti.
"Order po nila, Sir?" tanong na lamang niya.
"Whopper Meal, Large Fries and Apple Juice, with cheese narin tapos no tomato at pickles." Tahimik lamang siya na nakikinig habang pina-punch ang sinasabi nito,
"One-hundred eighty pesos po lahat. Name po nila?"
"Chase." Sagot nito.
"For dine-in po?" Tumango ito sakanya habang nakangiti parin hanggang sa ibigay niya ang sukli.
"Thank you Sir Chase, nice to see you again." Hindi niya mapigilang i-wika ng maalala ito na dati na pala nilang naging guest. Ang kaninang pinipigilan na tawa ng lalaki ay tuluyan ng kumawala habang naglalakad ito patungo sa claim area.
Lumipas ang mga oras kay Eliza, ang dapat sanang 2pm na out niya ay naging 8pm dahil sa biglaang dagsa ng tao dumagdag pa ang napakarami nilang delivery na nagpahirap sakanilang lahat.
Pagod na pagod siya at halos pipikit na ang kanyang mga mata habang nagbibilang ng fund at sales niya para sa buo niyang shift na, 14 hours. Napahawak siya sa batok at itinigil ang pagbibilang sandali saka ito hinilot.
"Okay ka na, Eliza? Check out ka na?"
Tumango na lamang siya sa tanong ng Manager niya at sinabi dito ang kabuuan niyang Sales, nang maayos na at malaman na hindi naman siya kulang o sobra ay agad siyang pumunta sa opisina bitbit ang pera. Isa-isa niyang sinulat ang serial numbers ng bawat thousands at five hundreds, halos maduling na nga siya buti nalang at natapos din siya kaagad. Nang maiayos na niya ay nagpa-out na siya gamit ang time card at nagbihis. Hawak-hawak niya ang cellphone niya hanggang sa naglalakad palabas ng store nila at hindi na nakapag paalam sa mga kasamahan.
"Hello, Vernie? Sorry, nasaan kayo?" wika niya nang sagutin nang isa niyang kaklase at kasama sa thesis na ginagawa niya ang tawag niya.
"Hindi kami natuloy dahil wala ka, Eliza. Ano bang nangyari sayo? Malapit na tayong mag-defense, wala pa tayo sa kalahati!"
Napabuntong hininga siya at napaupo siya sa harap ng isang convinience store. "Pasensya na, na-extend kasi ako sa trabaho, wala kasi akong kapalitan."
"Sabi ko kasi sayo na mag-leave ka muna diyan sa trabaho mo, tutal naman ay graduating ka na." Anito pa.
"Hindi pwede, maybalance pa ako sa school tsaka--"
"Hindi ko na problema yan, Eliza! Nakakainis ka!"
Muli siyang napabuntong hininga at saka ibinaba ang cellphone at isinuksok sa bulsa ng kanyang bag. Tumayo siya at naglakad na parang lumulutang dahil wala sa sarili at tulala. Namomroblema siya, dahil sa malaking balance niya sa school na pinapasukan niya na dahilan kung bakit hindi niya magawang makapag-leave sa trabaho. Oo nga at sumasahod siya nang hindi bababa sa limang libo kada kinsenas pero kinukulang parin iyon, sa bayaran nalang nila ng Nanay at Tatay niya sa tubig, bahay, at kuryente, ang pang-araw-araw pa nila na gastos pati narin ang tuition niya at gastos sa school. Talagang kinakapos siya, may times nga na feeling niya ay mababaliw na siya sa bayaran, buti nalang at pinapaalalahanan parin siya ng Nanay niya na magdasal lang dahil wika nito, "Walang imposible sa Panginoon."
Napatigil siya nang may umakbay sakanya at nang tignan niya ito ay hindi niya maiwasan na mapangiti. Para bang biglang nawala na parang bula ang lahat ng iniisip niya nang makita ang nakangiti nitong mukha,
"Kuya Marvin!" aniya at mas lalo pang ngumiti.
"Kanina pa kaya kita tinatawag, Eliza, mukhang malalim ang iniisip mo ha?" anito at hinila siya palakad. Magkasabay na silang naglalakad ngayon habang nakaakbay parin ito sakanya.
"Wala. Sa school lang, yung thesis namin." Sagot niya at tumingin sa harapan niya para hindi nito mahalata na kanina niya pa ito tinititigan.
Bigla siyang nakaramdam nang sobrang saya nang makasama ito ngayon. Matagal niya ng crush ang Kuya Marvin niya, simula nang pumasok siya sa Burger King at ngayon nga ay limang taon na siya doon. May pagka-masungit kasi ito dahil ito ang PC nila o Product Controller, ang nag-aayos ng mga stocks at mga products na inilalabas at ibinibigay sa guest, bukod pa doon ay ito din ang tumatayong Team Leader ng shift nila.
Mas matanda si Kuya Marvin ng tatlong taon sakanya at matagal na rin sa burger king. Lihim lang ang pagkagusto niya dito at wala siyang sinasabihan kahit na kanino dahil sa takot na malaman nito. Sobra kasi nitong sungit at bossy kaya nagtataka siya ngayon at kasama niya itong maglakad at nakaakbay pa sakanya.
"Ano nga ulit course mo?" tanong nito matapos ang sandaling katahimikan.
"Architecture. Ang hirap nga eh." aniya at pilit na pinipigila ang ngiti.
"Ah. Bigatin ka pala." anito at tumango, napatawa nalang siya dahil hindi niya alam ang isasagot dito.
Napahinto siya nang bigla itong huminto at parang may nakita. "Teka, may lakad kapa ba?" tanong nito at tinanggal ang pagkaka-akbay sakanya at tumayo sa harapan niya.
"Wala na, cancelled na. Bakit?" Tinuro nito ang isang tindahan ng Milktea sabay hila sakanya. Nagpatangay na lamang siya hanggang sa makapasok sila sa loob at tumayo sa harap ng counter.
"Ano sayo?" tanong nito habang nakatingala sa menu board.
"Ha?" bigla niyang inalala ang laman ng wallet niya at naalala niyang one-hundred pesos na lamang iyon. Nang tignan niya ang tinitignan nito ay napakagat-labi siya nang makita ang presyo niyon na ang pinakamura ang nasa ninety-pesos.
"Ah, ano. Huwag nalang, kailangan ko palang umuwi ng maaga kasi opening pa ako bukas." pagdadahilan niya. Ngumiti naman ito habang nakatingin parin sa menu board pagkuwa'y hinawi siya.
"Dalawang superior cocoa, Large at parehong may pearl." wika nito. Napatanga na lamang siya at hindi nagsalita hanggang sa magbigay ito ng 500peso bill sa counter.
"Don't worry, libre ko." Anito at kinindatan siya.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam nang sobrang bilis ng tibok ng puso niya na tila nagha-hyperventilate sya.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)
Short Story"I knew I loved you since the day I was born, before the day I met you, 'til, the end of my life." I Knew I Loved You Before I Met You written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories, 2016