Marami na talaga ang nangyari sa buhay ni Eliza matapos niyang maalala lahat at hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala.
Naikwento na rin sa kanya ang mga buong pangyayari noong may amnesia siya.
Lima, at hindi tatlong taon ang ninakaw sa kanya ng mga ganid sa kayamanan na pamilya ng madrasta niya. Dalawang taon siyang na-commatose matapos mahulog ang sasakyan nila sa bangin nang araw matapos ang seremonya nang kasal nila at papunta na sana sa reception. Naging kritikal din si Charles na ilang taon na nanatili sa ospital at nagpagaling habang siya ay itinago ng madrasta at pineke ang pagkamatay.
Ang buong akala ng lahat ay patay na siya kaya pumayag ang board members ng kompanya nila ng Ama na ipahawak sa madrasta ang kompanya at pamunuan, na nagawa naman nito sa maraming taon kasama ang pamilya nito.
She clearly remebered kung paano siya alilain at apihin ng mga ito at kung paano siya muntik ng gahasain ng asawa ng madrasta, mabuti na lamang at dumating si Charles ng araw na iyon at inalis siya sa impiyernong lugar na iyon.
Ang pamilya rin na yon ang nagtangka sa buhay nila ng asawa ngunit mahal pa rin sila ng Diyos dahil binuhay pa sila upang wakasan ang kasamaan na naghahari sa ari-arian niya.
Huminga muna siya ng malalim saka inihakbang ang mga paa papasok sa lugar kung saan siya madalas isama ng mga magulang noong bata pa siya.
Agad siyang hinabol ng guwardiya nang magdire-diretso siya kaya hinarap niya ito at tinaasan ng kilay.
"Ma'am pumunta po muna kayo s receptionist para mag-iwan ng Id bago po kayo umakyat." Anito at bahagya pang humawak sa braso niya kaya napatingin siya doon.
Parang napaso naman itong bumitaw at yumukod sakanya. "Pasenya na po."
Tumango na lang siya at nagpatuloy sa paglakad, muli na naman siyang hinabol ng guwardiya na nagpainis sa kanya kaya nakahalukipkip na hinarap niya ito at mataman na tinignan.
Magsasalita pa sana siya nang matanaw niya mula sa entrada ang mga taong sadya niya. Napangiti siya at tinitigan ang mga ito na kapansin-pansin ang mga mamahaling alahas at kagamitan na suot, they also walked as if they own the world na lalong nagpangiti sa kanya.
Napansin naman ni Rodora na parang may tumitingin sa mga ito kaya inilibot niya ang kanyang paningin, hanggang sa makita sa hindi kalayuan ang isang babae na nakangisi sa kanila na animo'y may nakakatawa sa suot nila.
Napahinto din ang asawa at anak niya nang makita si Eliza, si Rodora din ang unang nakabawi at nilapitan ito.
"Hi?" Pagaalangan na wika niya. Tinignan sila ni Eliza mula ulo hanggang paa at huminto sa mukha niya. Muli itong ngumisi na parang nang-iinsulto.
"It's been a while, Tita. Kamusta na kayo?" Ani Eliza sakanila.
Hindi pinahalata ni Rodora ang bahagya niyang pagkagulat at napatingin sa asawa nito. Doon niya napagtanto na mukhang may naalala na ito dahil bigla din itong nawala sa poder ng dalawang matanda na binayaran niya.
"Maayos lang kami, hija. Ano pala ang ginagawa mo dito?"
Napataas ang kilay niya sa taong nito kaya napahalukipkip siya, "Nagka-amnesia ka rin ba, Tita? I owned this place, ako parin ang nakalagay na may-ari nito kahit na namatay ako, five years ago."
Napailing siya at mas lumapit sa madrasta, "Nakausap ko na rin pala ang mga board members, and they welcome me wholeheartedly." Mas lalo siyang napangisi nang makita niya ang pamumutla nito saka tumalikod na at muling naglakad.
Ngunit hindi pa man siya masyadong nakakalayo ay nakalapit agad sa kanya ang step sister at hinila ng marahas ang buhok niya. Napatili siya dahil doon at pinilit na humarap pero hindi siya hinayaan nito at mas hinila pa ang kanyang buhok.
"Bitch! Hindi mo makukuha ang pera namin!" Sigaw nito sakanya.
Nakakuha na sila ng atensyon at ramdam na niya ang paglagas ng mga buhok niya dahil sa paghila nito. Naiiyak narin siya sa sakit ngunit hindi niya hinahayaan na tumulo ang luha niya. Lumaban siya hanggang sa makaharap dito at snabunutan din ito.
Mas malaki siya ditp dahil sobrang payat nito at maliit kaya madali sakanyang tanggalin ang mga kamay nito at malakas na tinulak.
Luminga siya at napangiti ang mga board members na papalapit sa kanila, "Ganyan ba ang amo na gusto niya? Low class at halatang walang pinag-aralan. How pathetic." Aniya saka inayos ang buhok at diretsong naglakad. Nagtitili pa ito na prang hindi nahihiya sa pinag-gagawa.
Pasalampak siyang humiga sa kama at pumikit. Pagod na pagod ang katawan at isip niya pagkatapos ng meeting sa board members at hindi niya maiwasang maiyak.
Naramdaman niya ang paglundo ng kama at ang paghaplos sa pisngi niya. Dumilat siya at umupo sa harapan ni Charles na halatang kakarating lamang.
"Kamusta?" Masuyong wika nito na ikinailing niya kasabay nang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya.
"Hindi ko na mababawi ang company, Chase. Nagawa pala nilang ipapirma at ipatatak ang thumb mark ni Daddy bago siya mamatay. Kaya sakanila na nakapangalan, saka sinabi pang patay na ako. Wala na pala akong babawiin." Aniya saka napahagulgol. Sobrang down na down ang pakiramdam niya matapos ang meeting. Hindi niya inakala na ganoon katuso ang mga ito to the point na nagawa nilang patayin ang Daddy niya matapos pumirma.
Wala na talaga ang lahat sakanya. Wala na siyang dapat balikan pa.
Napatingin siya kay Charles at nginitian ito, still she was very blessed to have Charles with her. Nawala man ang lahat sa kanya na pinaghirapan ipundar ng Daddy niya, still she has a very loving and understandable husband na minamahal siya ng buong-buo.
"Wala na pala akong dapat bawiin." Wika niya saka sumandal sa dibdib nito.
"Mababawi natin iyon sa ibang paraan." Sabi ng asawa sakanya saka hinalikan ang buhok niya.
"Paano?"
"Papalubog na ang company niyo. Pwede nating bilhin iyon." Napabalikwas siya at gulat na tumingin dito.
"That's your sweetest revenge."
At iyon nga ang ginawa nila. Gumawa sila ng paraan para ipagbili ng madrasta niya ang kompanya nila. They used a different name at tanging lawyer lang ang nakikipag-usap sa mga ito.
Then they made it. Nakuha niya muli ang kompanya niya at pinag-isa nalang nila ito ng asawa niya. Galit na galit ang madrasta nang malaman iyon pero wala na itong magagawa. Hinayaan na lamang niya sa mga ito sa mansyon nila hanggang sa mabalitaan na lamang nila na pati ang mansyon ay kinuha ng banko dahil sa dami pala ng utang nila dahil sa pagsusugal.
Matapos ang ilang taon ay binili nila ang mansyon na kinalakihan ni Eliza. Lalong lumago ang negosyo nila, at mas nadagdagan pa. Wala na siyang balita sa mga madrasta kaya pinagdasal nalang niya ang kabutihan ng mga ito.
She never planned anything about revenge towards them. Hinayaan niya ang Diyos na gumawa ng lahat para sa kanya dahil iyon ang dapat at nakuha niya nga ang lahat. She may not be an angel pero ayaw din niya na mapasama ang mga ito. Kaya nga hindi na niya ito pinakulong kahit sa dami ng kasalanan ng mga ito sakanya.
Minsan kasi sa buhay, hindi maganda ang maghiganti. Kahit na ba sabihing marami itong nagawang masama sa kapwa nito, still hindi dapat tayo ang magparusa dahil ang Diyos ay kahit kailan hindi nagpaparusa. Pinapakita lamang Niya ang mg naging kasalanan mo sa buhay.
Hindi maiiwasan ang pag-gawa ng masama kaya nga nandyan si Lord para itama tayo. Whenever we feel like doing bad things, always remember that we can talk to Him and ask for His guidance.
------- T H E E N D -------
THANKS FOR READING. :))
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)
Historia Corta"I knew I loved you since the day I was born, before the day I met you, 'til, the end of my life." I Knew I Loved You Before I Met You written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories, 2016