Chapter Seven

1.7K 54 1
                                    

Today was her first day as an assisant of Charles Buenviaje. Alas-otso ng umaga ang pasok niya, ngunit mag-a-alas otso na ay nasa kalsada pa rin siya, nasa loob ng jeep habang inip na inip na patingin-tingin sa relong pambisig.

Hindi niya malaman kung minalas ba siya o ano, dahil sobrang lakas ng ulan at hindi umuusad ang trapiko, gustuhin man niyang bumaba ay wala siyang dalang payong, ayaw niya makipagsapalaran.

Pinanuod na lamang niya ang pagpatak ng ulan, nakaupo siya sa may bandang dulo ng jeep kaya malaya niya itong napapanuod. Malakas ang buhos ng ulan, at malamig ang simoy ng hangin, napapikit siya at napasandal sa may hawakan.

"Ayaw nila sayo, Chase! Anong gagawin natin? Gusto nilang hiwalayan kita. Hindi ko iyon kaya!"

"Magtanan tayo, Eliza. Iyon lang ang tanging paraan na naiisip ko."

"Pero paano ang kompanya na pinamana sa akin ni Papa? Paano kung kunin nila iyon?"

"Gagawa ako ng paraan para mabawi 'yon sa kanila. Sa ngayon ay isipin mo muna ang sarili mo, hindi makabubuti sayo na manatili doon, baka gawan ka ng masama ng tiyo mo."

Napadilat siya nang biglang sumigaw ang konduktok at sabihing nasa may Sena na sila. Agad siyang bumaba dahil sa tumila narin ang malakas na ulan. Napabuntong hininga siya habang naglalakad sa sidewalk at bahagya pang tinignan ang relos. Alas-nuwebe na. Hindi ito magandang imahe sa kanya sa trabaho, unang araw niya ay late siya ng isang oras.

Dali-dali siyang pumasok sa building habang sinusuot ang temporary Id niya. Mabilis naman siyang nakasakay sa elevator at nakarating sa last floor. Hingal na hingal at pawis na pawis siya nang lapitan si Pilar, nakasimangot pa itong inabot sa kanya ang isang envelope at sinabihan pumasok na sa opisina kaya nagtungo siya doon at tatlong beses na kumatok saka dahan-dahan na pinihit ang seradura.

Hinanda na niya ang sarili sa maaring pagsabon sa kanya ng kanyang amo ngunit tahimik lamang siya nitong tinapunan ng tingin at itinuro ang mesa niya sa tabi nito. Inilibot niya ang paningin sa kabuaan ng opisina at ngayon niya napansin ang pagbabago nito. Kung kahapon ay brown ang wallpaper nito ngayon ay white gold na. Mabilis siyang naupo sa tapat ng mesa niya nang mapansing nakatitig sakanya ito. Inilapag niya lang ang bag niya at pinunasan ang mukha ng tissue saka tumayo para ipagtimpla niya ito ng kape. One scoop of black coffee, one scoop of sugar and two scoop of creamer. Nakangiti niyang inilapag iyon sa mesa nito. Hindi siya nito tinignan ngunit inabot ng kanang kamay nito ang hawakan ng tasa at doon niya napansin ang singsing nito na nag-iisa lamang.

Biglang sumagi sa isip niya ang nabasa sa Internet ang tungkol dito at ang pagkawala ng asawa nito. Tinitigan niya pa ng maigi ang singsing at napagtanto niyang pamilyar ito. She just shrugged it off at bumalik na sa mesa niya saka pinagkaabalahan ang envelope na binigay sa kanya ni Pilar kanina.

Nang tumuntong ang lunch time ay nakisabay siya kina  Pilar at Wynona papuntang canteen. Tahimik silang tatlo na pumila sa counter, at nang makakuha ng pagkain  ay umupo sila sa unang upuan na nakita nila.

"May tanong ako." Wika niya nang hindi maatim ang katahimikan sa kanilang tatlo.

"What is it?" Sagot ni Pilar. Lumunok muna siya saka muling nagsalita.

"Sino ang may-ari ng Fresh N' Lively Foods Corporation?"

"Bakit mo natanong?" Sabi naman ni Wynona.

"Curious lang, katapat lang kasi natin ang building nila." She shrugged at uminom ng iced tea niya.

"Sina Rodora at Antonio ang may hawak niyan ngayon, pero ang totoo talagang may-ari niyan ay si Maria Elizabeth Adriatico Fang. Those two are just her step parents? Basta ang sabi ay madrasta niya si Rodora, after mamatay ng father niya ay nag-asawa ang madrasta niya or should I say nagkabalikan sila ng ama ni Teresa, iyong step sister ni Elizabeth."

I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon