Tiffany's POV
"This can't be...."
Bakit andito siya? Parang sinasadya talaga ng tadhana na saktan ako ah."Andito na ako, ito na yung conditioner na---
Napahinto na lang si Tita Michelle sa pagsasalita ng tumingin na rin siya sa tinititigan ko. Ewan ko nga pero hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya.
"Is something wrong Tiffany?" Parang nabuhayan naman ako ng loob na huminto sa pagtitig sa kanya.
"Ah, wala po, its just that, ang ganda ng mirror niyo. Oo, yung mirror nito ang ganda." Pagpapalusot ko at umayos na ng pagupo para magupitan na tong buhok ko.
"Tita iksihan niyo lang yung gugupitin ha?" Bilin ko pa sa kanya at bumunot ng magazine sa shelf na nasa kanan ko.
Nung tiningnan ko yung cover nakita ko si Trevor James Yu, isang teen model na kakadiscover pa lang, di naman masyadong sikat pero syempre gwapo pa rin. Binuksan ko na yung magazine na hawak ko at binasa ang mga articles tungkol sa mga artista.
Pagkatapos nun, kinalabit na ako ni Tita Michelle at napatingin sa mirror."WOW! Just wow!" Ang tanging nasabi ko kasi hangang-hanga ako sa haircut na ginawa niya sa buho ko. Para siyang V-Cut na wavy yung nasa ilalim na part.
"Thank you po talaga tita." Pagpapasalamat ko sa kaniya.
"You're welcome." Sabi niya then nag-smile.
"Oh, tapos na po ba?" Nakita ko na lang si Maddie na sumulpot.
"Yes! And look at me." Sabi ko, tumalikod at nag hair-flip.
"WOW! Look at you!" Sabi niya at niyakap ako. Isn't it OA? HAHAHA! :))
"Thanks!" Sabi ko at kinuha na yung bag ko sa upuan na ginamit ko kanina.
"Here, kunin mo na yung glasses mo kasi I bought you contacts na may grado." Sabi niya at inabot sakin yung contact lense. Pumunta naman ako sa CR at tri-ny ito. Habang naglalakad ako papunta sa CR nagkasalubong kami sa hallway papuntang CR. Bwisit! Ayan na naman nagkatinginan na naman kami.
Iniwas ko tingin at pumunta ng cubicle para i-try yung contacts.
++++
"Its better." Sabi ko kay Maddie na hinhintay ako sa labas.
"Good! Parang wala kang contacts kasi parang ganun lang rin yung mata mo." Sabi niya kaya nag-smile lang ako sa kaniya.
"Hatid na kita." Aaw, ang thoughtful talaga ng kaibigan ko. Sayang hindi ko dinala yung kotse ko.
"Sige, salamat Maddie." Sabi ko at nag-smile.
++++
Dumating na ko ng bahay at nakita ko si Mama at Papa na gumagamit bg laptop nila. PSH! Lemme' guess, nagtra-trabaho na naman sila. Alam ko namang para samin to ng kapatid ko eh pero ibang usapan na yung wala silang nasasabing 'Congrats Anak!' kapag malaking achievements sa school yung nakukuha ko. Yung iba sinasabi na napakababaw ng rason ko pero hindi naman sila yung nakakaramdam ng sakit eh.
BINABASA MO ANG
Locked By Destiny
RandomI was just an ordinary girl but a special person came on my way and I never imagined he would be a big part of my life. It's not that "fancy" like the fairytales you've watched or read but I could assure you that it would end like one of the fairyt...