Part 12: Ang Pagamin

43 0 1
                                    

Alex POV

Whew!

Eto na talaga

Kung dati na wala kami relasyon ni Miles halos di ako makatingin ng diretso sa dad nya

what more ngayon

Habang hawak ko si Miles, naramdaman ko panlalamig at pamamawis ng kamay nya

"Part chill ka lang ah" pagpapakalma ko sa kanya

Pero alam ko hindi nakatulong sa kanya yun

napatingin sya saken

"Part kilala ko si Daddy, natatakot ako di para saken kundi para sayo" halos mangiyak ngiyak na pagkakasabi ni Miles , sabay pulupot sa braso ko

Kahit ako takot din talaga pero kakayanin ko lahat

"Part ikaw ang tapang ko at yung pagmamahalan natin sapat na yun para harapin ko family mo"

kakatok palang ako bumukas na agad ang pinto, Mama nya nagbukas

"Go--" babati palang ako pero isang malakas na sigaw ang bumungad saken

ang DAD nya

"Ang kapal din talaga ng mukha ng tomboy na yan para pumunta dito!!!! Pagkatapos mo impluwensyahan ang anak ko!!!!"

Akmang susugurin na ako ng Dad nya nang biglang humarang ang Mommy ni Miles

"Dad! huminahon ka..." halos mangiyak ngiyak na pag-amo ng asawa nya sa kanya

"Paano ako hihinahon kung ang tomboy na ito ang imm...!!!!! " hindi na natapos ng daddy nya ang sasabihin, pumagitna na at di ko na napansin ang paglapit ni Miles sa Dad nya ng buong tapang

"TAMA NA DAD!!! MAHAL KO SI ALEX!!!NAGMAMAHALAN KAMI!!!WAG MO SYA HUSGAHAN DAHIL HINDI MO SYA KILALA AT KAHIT KAILAN HINDI MO SYA KINILALA!!!BILANG KAIBIGAN KO O KAHIT BILANG TAO!!"

Bigla ko sya niyakap from behind sabay bulong ko

"Part tama na... please he's your dad... ako na..." mahinahon kong sambit sa kanya na halos mangiyak ngiyak din ako dahil ang sakit sobra ng paghamak sa pagkatao ko pero sa kabila nun nanatili ako matapang not just for me pero para sa babaeng mahal ko

"Sir,  mawalang galang na po. Mahal ko po ang anak nyo, Opo tomboy ako pero hindi ibig sabihin wala na kami karapatan mahalin at magmahal at lalo na irespeto. Di ko hinihiling sa inyo Sir na tratuhin nyo ako ng tama pero sana irespeto nyo po nararamdaman ng Anak nyo."

habang sinasambit ko yun nanatiling nakayakap saken si Miles

maya maya pa nagsalita na si Tyrone

"Tito, tita wag nyo pakinggan ang sinasabi ng tomboy na yan. Sisirain lang nya ang buhay at reputasyon ng anak nyo at pamilya nyo.. Hoy Alex ang lakas nang loob mo din talaga humarap pagkatapos mo hiyain pamilya ni Miles sa Campus!"

susugurin ko na sana si Tyrone pero pinigil ako ni Miles

"Ano susuntunkin moko!!! Loko babae ka pa rin!!!"

Maya maya pa may lumipad na magasawang sampal kay Tyrone

"Kapal din ng mukha mo no Tyrone!!!"

"Tama na..." mahinang tugon ng Ina ni Miles na wala halos nakakarinig

Lingid sa kaalaman namin may iniinda na pala ang Ina ni Miles

"mommy !!!" biglang sigaw ng papa nya

"MA!!!!" habol sa pagsalo si Miles

nagulantang kaming lahat sa nangyari

Nawalan ng malay Mama ni Miles

Buti nalang at nasalo ng daddy nya

Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)Where stories live. Discover now