Alex POV
“Anak andito ka na pala?”
Mano at kiss muna sa aking Ina
Pero tulad nang ibang Ina ramdam nila pag may dinadamdam tayong mga anak
“Anak , nagluto ako paborito mo kain ka na”
Akmang ipaghahain ako ni Mama pero tumanggi ako
“Ma busog pa po ako maya nalang po”
Dumiretso na ko sa kwarto ko
Maya maya lang tumawag na si Miles
“Oh..” matamlay kong sagot
“Part bakit di ka man lang nagtxt na nakauwi ka na?” lambing nya saken
“Kararating ko lang din, kumain ka na ba?” kahit may tampo ako di ko pa rin sya magawang tiisin
“Hindi pa ako kumakain eh hintay kasi kita makauwi” alam nya kung pano palalambutin puso ko
“ Sige na po una ka na po busog pa ako” matabang ko pa rin tugon
“Part galit ka ba saken” di na nakapagpigil
“Bakit naman ako magagalit?”
“nagtatampo OO pero magalit hindi.. Pero wag ka magalala lilipas din to” pakipot onti
“Part sorry na wag ka na magalit… Alam mo naman diba dahilan ko”
“Opo naiintindihan kita…” kahit masakit
“Part medyo pagod na din ako, pahinga na tayo” matabang kong salita
“Sige part una ka na mamaya pa ako”
Ibang iba ang pakiramdam ko nung gabing yun di ko alam bakit ako nagkakaganito
Selos ba tong nararamdaman ko ?
Sa tagal nang pinagsamahan namin, ngayon ko lang naramdaman ang ganito kakaibang di ko maintindihan.
Kaya kahit hindi ako makatulog, pinilit ko nalang matulog
Miles POV
Ramdam ko nagtatampo saken si Alex,
Ramdam ko sa mga txt messages nya saken
Hindi naman sya ganun e.
Dahil ba nagpahatid ako kay Tyrone?
Dahil ba sa unang pagkakataon di ako sa kanya sumabay?
Pero bakit ganun? Bakit may nararamdaman din akong lungkot?
Dahil ba ang gusto ko kasama si Part?
o
Dahil nasanay ako na sya lagi kasama ko.
Kakaisip ko nakatulog na ko.
Alex POV
Kinabukasan
Sa Canteen
Habang nagrereview ako sa finals
Nagulat nalang ako nang may biglang tumapik sa likod ko
“Ay kaya naman pala di ako madinig , may nakapasak sa tenga”
Si Candy
Tinanggal ko ang headset ko at muli kong pinaulit sinabi nya
“Ano yun Candy? Sorry ah hindi kita nadinig?”
“ Can I join you? Yun ay kung hindi ako makakaistorbo”
Para saken medyo wrong timing sya, obviously gusto ko mapagisa.
YOU ARE READING
Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)
RomanceIt's a story of forbidden love between two girls, Alex and Miles, who fall deeply in love and must navigate the harsh criticisms they face. Their journey is a testament to their resilience as they fight against societal prejudice. Will they triumph...