Part 5

77 1 0
                                    

Miles POV

Sabado.

Walang pasok.

Bonding time namin ni Part ngayon.

Sige na nga puntahan ko nalang sya.

Basta gusto ko makita Part ko ngayon

Dali dali ako naligo at nagbihis

Sa di malaman na dahilan

 Bakit conscious ako sa kung anong susuotin ko

Ah bahala na basta gusto ko ako pinakamaganda sa mata nya.

Ako lang.

Alex POV

Gulat ako nang may biglang dumagan sa akin

“Part! Gising na tanghali na!” si Miles hindi ako natiis

Hinawi nya buhok ko at pinagkukurot pisngi ko

Napatitig ako sa kanya

Sa mata nya, sa ilong nya, at sa lips nya

Matagal naging titigan naming

Magdidikit na mga labi namin nang biglang para kameng nagulat sa nangyayari

Napaupo si Miles

“Bumangon ka na Part ah. Maligo ka na at ang antot mo na”

“Maantot ah!”  sabay hatak ko Miles at kiniliti nang kiniliti

Halos di makahinga si Miles

Sa gitna nang kulitan naming narinig ko sya

“Namiss kita … Namiss ko to Part”

Tumigil ako sa kakakiliti ko sa kanya

At tumihaya ako sa tabi nya

Natahimik kami sandali

Maya pa si Miles na rin nagbasag katahimikan naming

“San nga pala kayo nagpunta nang Candy mo at sobrang busy mo”

Hindi nya ako magawang tingnan

“Sa seaside... Gusto nya daw ng sunset”

Halatang pinipigilan ni Miles tumawa at napakagat nang labi

Lumabas tuloy ang dimple nya

“Bakit ka tumatawa?” nagkukunwari akong napipikon, pero alam ko kasi na alam nya na ayoko nang ganung set-up

“Wala may naalala lang ako” sagot ni Miles

Ikukuwento ko  na sa inyo

One time kasi napadaan kami sa seaside hinatak nya ako nun para panuorin daw namin ang

Sunset

Badtrip na badtrip ako kasi nacocorney-han talaga ako

Yun pala nanadya lang si Miles at lalo nya pa nya ako ininis

“Ikaw saan kayo pumunta nung higante na yun”

Tumagilid sya at humarap sa akin , pero nanatili akong nakatihaya at nakatingin sa kisame

Habang naghihintay nang isasagot nya

“Ayun nagarcade, kumain nang ice cream,”

Pinutol ko kwento nya at bigla ako tumayo

“Liligo na ko Part wala kwenta kwento mo” padabog akong tumayo

Halatang nangaasar nalang talaga sya

“Aba madaya ka Alexandra! Bumalik ka dito di pa ako tapos magkwento”

“blah blah blah” pang aasar ko sa kanya

Habang naliligo ako biglang nagtext si Candy

At si Miles ang nakabasa

Miles POV

“Hi Alex, good morning. Have your breakfast na po ah... I forgot to say thank you. Pwede ka ba pumunta dito sa house, movie marathon tayo. Kung hindi ka busy”

Sinamantala ko basahin text ni Candy habang nasa CR si Alex

Habang binabasa ko yun umuusok na ako sa inis. Gustung-gusto ko replyan at sabihin na “tigil tigilan mo panlalande sa Part ko grrr”

Sabay labas ni Part

Aba excited pa

“May nagtext?”nakita nya kasing hawak ko cp nya

“Oh ayan Candy mo nagtext pumunta ka daw sa bahay nila at makipaglandian ka dun?!”

Sabay abot  ko sa kanya cp nya pero padabog

“Uwi na ko?! At dun ka sa Candy mo!”

Nagmamadali ako na lumabas

Dahil nararamdaman kong tutulo nanaman luha ko

Alex POV

Hinabol ko sya sa pinto, at humarang para di sya makalabas

Alangan naman kasi habulin ko sya hanggang labas

Nakaboxer lang ako at white sando

“Hep hep ! San ka pupunta”

Sabay silip sa mukha nya . nakatungo kasi at ayaw humarap saken

Itinaas ko mukha nya

Nagtama mga mata namin

Mugto mata nya na parang gusto nang umiyak

Hinawakan ko magkabilang pisngi nya

“Part, what’s wrong?” mahinahon kong lambing

Dahil sa ayaw ni Miles Makita ko reaksyon nya nagpumilit sya lumabas

Dahil sa pagpigil ko

Hindi ko sinasadyang mayakap ko sya

At ang labi ko nakadikit sa noo nya

Dinampian ko un nang banayad na halik

Sa tip nang nose nya

Pero

“Stop. Hindi to tama.”

Para akong binuhusan nang malamig na tubig

Hinayaan ko na sya lumabas

Nagmamadali syang tumakbo

Nasalubong nya Mama ko

“Oh kararating mo lang Kulet ah. San…” hindi na natapos  ni Mama ang sasabihin

Dahil dire diretso si Miles

“Tita alis na po ko” bago sya umalis nagmano muna kay Mama

Hindi ko na sya hinabol

Nakita ako ni Mama sa may pinto nakasilip

Nagkatinginan kame ni Mama

Sa sandaling yun alam ni Mama kailangan ko mapag isa

“Shit ka Alex! anong ginawa mo” sa isip isip ko

Muli kong inalala ang mga nangyari

Kitang kita ko sa mga mata nya

Hindi ako pwedeng magkamali

Mutual nararamdaman namin

Pero may halong takot din

Na sobrang naiintindihan ko

Muli ako bumalik sa higaan ko

Naalala ko nagtext si Candy

Pupuntahan ko ba sya o magmumukmok nalang

Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)Where stories live. Discover now