Alex POV
Lunes
Sinundo ko si Candy
Nagdalawang isip pa ko
Pero bahala na si Batman
Dali daling lumabas si Candy pagkarinig palang nya sa motor
" Hi..." nahihiya ko pang bati hindi ko pa kasi makalimutan yung nangyari nung araw na yun at parang may bago din kay Candy
Di sya yung dating Candy na makulit at masayahin
"Nagbfast ka na ba? I made tuna sandwhich for you"
sabay lagay nya sa bulsa nang bag ko
"Salamat nagabala ka pa. Alam mo bang paborito namin ni Part yan.."
nagulat din ako sa nabigkas ko alam ko nasasaktan ko sya ng hindi ko sinasadya
Kahit sa tingin nya lang alam ko nasa isip nya. "Si Miles nanaman"
"Im sorry..I didn't mean to..."
"No Alex ano kaba ...okay lang yun.. Tara na at baka malate pa tayo"
sabay yakap saken pero hindi kasing higpit nung unang pagangkas nya saken
Miles POV
"Miles nariyan na si Tyrone" Sigaw nang Mama
"Opo Ma nandyan na"
bago sumakay sa kotse ni Ty
tinatanaw ko muna ang paligid
baka nagaabang si Part
pero baka wala sya
"Lets go?" mahinahon na aya ni Tyrone
Sa School
Nagulat ako nang makita ko pagdating din ni Alex
at angkas nya si Candy
Nagkatinginan kami ni Alex
Hindi ko inaasahan nagkasabay kami nang dating
at nagflashback saken nangyari between us sa kwarto nya
Umiwas ako tulad nang ginawa nyang pagsawalang kibo
Hindi ko na alam kung nahahalata kame nang dalawang kasama namin ngayon
kumaway nalang si Candy at nauna na sila pumasok
"Bakit angkas angkas nya si Candy"
"Bakit sila ang magkasama"
"Bakit parang ang sweet ni Candy kay Alex"
Alex POV
Sumulyap ako sa side mirror
at nakita kong nakaiwas nang tingin si Miles
"Bakit sila magkasama ni Tyrone" tanong ko sa sarili ko
"Bakit sila ang magkasama"
Hinawakan ako sa balikat ni Candy
"Alex thanks sa pagsundo.. Sabay na kami ni Miles" masuyong sambit ni Candy
Nakita ko reaksyon ni Miles
Pag naiinis kasi yun nalaki butas nang ilong
at gustung gusto nya na bumaba at gumawa nang ikakainis ko.
Maya maya pa bumaba na si Miles
Hindi ko alam ung bakit nagmamadali akong umalis
Pero bigla akong tinawag ni Miles na ikinagulat ko
YOU ARE READING
Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)
RomanceIt's a story of forbidden love between two girls, Alex and Miles, who fall deeply in love and must navigate the harsh criticisms they face. Their journey is a testament to their resilience as they fight against societal prejudice. Will they triumph...