Candy's POV
Uwian
Sobrang saya ko at sa wakas nakuha ko din number ni Alex
HIndi na ako nagdalawang isip at nagmessage na ako sa kanya
"Hi Alex . It's me Candy.. Ahm puede ba ako magpasama sayo ? If hindi ka busy"
Mukhang dedma lang ako at hindi nagreply
Baka naman wala load
Hmm imposible
HIntayin ko nalang
Nagtataka ako kay Miles, bakit ang weird nya kanina.
Hay, hayaan na basta nasakin na number Alex, at mapapasaken sya.
Matagal ko na gusto ni Alex, wala pa si Miles dito sa campus, sya na talaga pangarap ko. Kaso napakailap nya.
Ilang beses na ko nagpapansin sa kanya, to the point na tumambling na ko sa harap nya.
Pero literal, naging captain ako ng cheering squad ng basketball team nila.
1st college
Sobrang lakas ng hiyawan sa gym. Madaming gwapong tibo, pero di ko akalain na magkakagusto ko sa may kiffy din.
Tinawag na ang Batch namin, isa-isa silang tinawag.
Nung sya na ung lumabas, hindi ko alam pero na love at first sight ako na hindi ko mawarian.
Nung dumaan sya sa harap ko, nagulat nalang ako sa sarili ko bigla ako nag " Hi" sa kanya.
Pero tiningnan nya lang ako at sabay alis. pero kahit suplado syang tibo, laglag ang p@nty ko... este puso ko sa kanya.
" Huy candy, di ka magugustuhan yan. At wala din yan kaibigan dito" Ani ng kaibigan kong hindi naman kagandahan at sabog sabog pa buhok
" Atupagin mo kaya ang pagsusuklay mo at hindi yung sinisira mo moment ko" Sabay balik ng tingin ko kay Alex.
Biglang nagvibrate phone ko.
Shit!!! Si Alex!!!
Alex POV
Napatingin ako sa phone ko, nagtext pala si Candy
Magrereply na sana ako na hindi ako pwede kasi talagang wala ako kahilig hilig pumunta kung saan. Not unless si Miles kasama ko.
Isesend ko nalang sana
Then suddenly nakita ko si Miles kasama naman ang taong pisngi.. Tyrone pala
I decided na samahan nalang si Candy na kahit wala akong kahilig hilig magsasama
Gusto ko lang maibsan ang di ko maintindihan na kirot sa puso ko
Binago ko ang message ko
"Ok lang sige. Dito lang ako sa labas. Intayin kita" sagot ko sa kanya
Di ko napansin na nasa harapan ko pala si Miles at nasa likod nya si Tyrone
"Pa...."
Magsasalita palang si Miles nang biglang dumating si Candy
"Hi Alex, sorry ang tagal ko ah..."
Nagkatinginan kame ni Miles na sa mga titig nya alam kong nagtatanong sya
Pero blanko response ko sa kanya
"Miles dito pala kayo ni Ty.. hiramin ko muna Part mo ah. Papasama lang ako.. " si candy
Matagal bago sumagot si Miles
Bumuntunghininga
Nakita nya ako na napakunot noo. Nagtatanong bakit.
YOU ARE READING
Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)
RomanceIt's a story of forbidden love between two girls, Alex and Miles, who fall deeply in love and must navigate the harsh criticisms they face. Their journey is a testament to their resilience as they fight against societal prejudice. Will they triumph...