Sabi nila ang PAG-IBIG ay walang pinipili
Edad
Itsura
Estado sa Buhay
KASARIAN
Lalaki sa babae, lalaki sa lalaki , babae sa babae
Tama ang iyong nabasa
Papasukin natin ang mundo
Ng
Third Sex
Mundo naming mga TBOOM
ALex POV
Ako SI Alex
SImpleng tao
Walang hilig kundi magsulat
Lumikha nang kanta
May sarili akong mundo sabi nang lahat
Tahimik akong tao
"Magkano ba ngiti mo ?"
Tukso nang isang kong kaklase
Sabay dating nang Miles, Bestfriend ko
"Wag nyo pagtripan ang pards ko ah, mayayari kayo saken"
Ako naman nanatiling walang kibo
Hindi naman kasi ako pikon
Sa amin dalawa sya ang war freak
"Miles anong mapapala mo sa tibo"
Mapapatingin lang ako
Sabay ikot nang braso ko sa leeg ni Miles
Dahil alam kong ilang sandali nalang
Sasabog na sya sa pikon
"Part alika na yaan mo na sila" mahinahon kong yaya
" Anong hayaan Part , hindi ko hahayaan bastusin ka nang kahit na sinong mga
Akala mong perpekto, Ang papan......." Hindi na nya naituloy sasabihin nya
Kasi tinakpan ko ang bibig nya nang kamay ko
At sabay hatak palabas
Sa labas nang campus
" Part ," malambing kong sambit
"Ano?! Papagalitan mo nanaman ako?!"
"Sssshh...Part hindi lahat dapat pinapatulan. Eh ano kung tibo ko eh totoo naman"
" Part nandun na tayo kaso kung itrato ka nila para kang hindi tao" pagpapatuloy pa nya
"Okay Part naappreciate ko pagtatanggol mo saken, pero baka nakakalimutan mo
Graduating na tayo , at please please please Manawa ka sa guidance"
Kaya ko nasabi yan favorite kasi sya sa guidance office
MY BESTFRIEND IS WAR FREAK
Pero may malambot na puso pagdating sa mga taong mahal nya
"Oo na ho lola"
Sabay titig nya saken
"Bakit nanaman?!" tanong ko kasi ang weird talaga nya
Akmang hahawakan ang baba ko
Hahawi pakanan
Takang taka ako at ngayon ko lang sya nakitang ganun
Na parang ang lalim nang iniisip
"Alam mo Part, kung naging lalaki ka pala ang pogi mo pala"
Sabay ngiti nya , na parang nakakaloko
Ilalarawan ko sa inyo mukha ko
Gupit ko ala Aga Muhlach
Kutis ko medyo maputi naman
Hindi naman katangusan ilong ko kasi may lahi kaming ITA na may konting patak nang Intsik (para imported onti)
At may Cleft chin ako
Ilalapit ko mukha ko sa mukha nya
"Part, kung naging lalaki ako, malamang hindi mo ko kasama ngayon"
Sabay ngiti ko rin at sabay pagkunot nang noo nya
"Hmpf ganyan ka nalang para saken lang ang Bestfriend ko"
At katulad nang nakagawian pupulupot sya sa braso ko
Ganyan kami kasweet
Kaya kame napagkakamalan magjowa
Wala naman kasing ibang nagpapangiti saken at nakakaintndi
Kundi si Miles
Bestfriend ko mula Highschool hanggang ngayon
Na nasa ikaapat na taon na kame nang Kolehiyo
Magkaiba kurso namin
Ako Engineer (gusto nang tatay ko)
Si Miles naman Entrep kasi hilig nya magbenta kung ano ano
Nagtaka kayo no, joke lang yun
Gusto kasi nya Culinary
Pero tamad naman bumyahe nang malayo
Kaya napili naming sa malapit na Kolehiyo nalang
Katulad nang sa araw araw na gawi
Hatid sundo ko sya gamit ang aking motor
"Part ingat ka ah ang daming mga lokong driver jan"
Pagpapaala nya saken, kung pde nga lang irecord eh
Kasi araw araw yun lagi nya paalala
"OPO OPO OPO, magiingat po ko"
"Alis na ko Part" sabay halik sa noo nya
Nasanay na sya nang ganun
Lingid sa kaalaman naming nakamasid ang Mama nya
Na miski nuon pilit syang ipinapaiwas saken
Sa kadahilanan na isa akong TIBO
Hmmm Big deal sa pamilya nya
Lalo na sa Dad nya
Sabi kasi nang Dad nya
"Disgrace ang isang Tibo"
Kahit ganun hindi ko iniwan si Miles
YOU ARE READING
Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)
RomanceIt's a story of forbidden love between two girls, Alex and Miles, who fall deeply in love and must navigate the harsh criticisms they face. Their journey is a testament to their resilience as they fight against societal prejudice. Will they triumph...