Miles POV
Hindi ko talaga alam saan ako didiretso
Kaya minabuti ko nalang tumambay sa seaside
Litong lito na ako
"Bakit ako nagkakaganito?"
"Hindi ako ganito"
"Straight ako hindi ako katulad ni Part"
Para akong sira na kinakausap ko sarili ko
Habang tuloy ang pagtulo nang luha ko
"Pero bakit di maalis sa isip ko mga ngiti nya, dampi nang labi nya, mga mata nya"
"Shit ka Miles! Anong nangyayari saken?!"
Tumigil ako saglit may napansin akong lalaking nakatingin saken
at biglang kumaway
Si Tyrone
"Miles?!" sigaw ni Tyrone
"What are you doing here?"nakita ko sa mukha ni Tyrone worried sya
Napatingin ako kay Tyrone
Matagal
Napaisip ako
"Ano kaya sagutin ko na si Tyrone, para mapigilan ko kung anuman nararamdaman ko ngayon kay Part"
"Miles? Hello" aktong kinakaway ni Tyrone kamay nya dahil natulala si Ako
"Tyrone tayo na! " walang gatul gatol kong sinabi
"Huh?!" takang taka si Tyrone
"Bingi ka ba?!" pagtataray ko sa kanya sanay na naman sya e
"Hindi hindi narinig ko yun" halata ang tuwa sa mga mata nya nya
"...gusto ko lang ulit marinig"
"Ulit ulit? Gusto mo bawiin ko?"
"Wag .." aktong yayakapin ako
Pero pinigilan ko sya
"Sa isang kondisyon..."
"Kondisyon pa?" tanong ni Tyrone
"Oo bakit may reklamo ka"
"Hindi mo ko pwede hawakan , halikan at kung anu ano pa.. Malinaw" matigas kong salita
"May magBf ba na ganun?" napakunot noo si Tyrone
"Ayaw mo yata eh .. e di hanap nalang ako nang makakasundo ko"
Akmang lalayo na sana Ako nang muling nagsalita si Tyrone
"Okay lang ako sa kondisyon mo..mahalaga nakuha ko na matamis mong OO"
"Good" tanging naisagot ko
"Hatid na kita" yaya ni Tyrone
Lingid sa kaalaman nya
Nasasaktan ako sa ginagawa ko
Naisip ko na din siguro ito na din ang tamang time
para ipakilala ko si Tyrone kina Mama
Para hindi na nila pagisipan si Alex
" Ready ka na ba?" tanong ko kay Tyrone habang malapit na kami sa bahay namin
"Ready na?" walang clue si Tyrone sa gusto kong ipahiwatig
"To meet my parents.."
Gulat na gulat si Tyrone na halos manlamig sya sa kaba
"Ayaw mo yata e"
"Syempre gusto . Nagulat lang ako ang bilis nang mga pangyayari..kanina lang sinagot mo ko bigla tapos ngayon..."
YOU ARE READING
Kung Akin ang Mundo ( Not your Ordinary World)
RomanceIt's a story of forbidden love between two girls, Alex and Miles, who fall deeply in love and must navigate the harsh criticisms they face. Their journey is a testament to their resilience as they fight against societal prejudice. Will they triumph...