II - Chapter 44

3.9K 98 66
                                    

Vic's POV

"Please welcome... Miss SHIELA MARIE PINEDA!"

Nagsigawan ang lahat ng tao dito. Except sakin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sya sa harapan ko.

Hindi pa rin sya nagbabago. Ang ganda nya pa din. Wala naman masama kung maappreciate ko pa rin yung kagandahan nya kahit nakamove on nako sa kanya diba.

Tuwang tuwa yung mga team mates ko na makita sya. Ako? Okay lang.

Napaghandaan ko na to. At dahil nakamove on nako. Hindi na ako masyado naapektuhan.

Kailangan namin maging professional dito. At isantabi kung ano man ang issue sa pagitan namin. Pero para kasi sakin wala ng issue so isipin ko nalang na kakasimula palang ng namin.

Handa na rin ako makasama sya araw araw ng walang nararamdaman sa kanya.

Handa na akong kalimutan ang lahat ng nangyari samin noon.

Para nalang syang ordinaryong ka teammate para sakin ngayon.

Pagkatapos ng meeting kinausap muna ako ni Coach saglit.

Sinabi nya yung tungkol sa pagbalik ni Bang.

Sabe ko okay naman na. Matagal na yun. So wala na syang dapat ipagalala.
Malaki ang tiwala samin ni Coach so ayoko naman syang biguin kaya gagawin ko lahat para maging okay ang samahan namin ni Bang. I mean yung walang bitterness, awkwardness at kung anu man.

Pagbaba ko sa may entrance/exit ng building naabutan ko sila Ate Angge, Amanda at Kimy na sumasakay sa car ni Ate aby tapos si Bang naiwan sa entrance.

Inaya ako nila Ate angge na sumama sa kanila sa Cafe ni Mama F (Ate Aby) pa-welcome daw kay Bang. Syempre sumama naman ako dahil ayoko naman isipin nila na bitter pa din ako kay Bang.

Wala naman siguro masama na makisama sa ex mo. Diba. Para to kay Coach at sa Team.

Naiwan kami ni Bang dito sa may entrance.

Ramdam kong hindi pa din sya ganun ka at ease kapag kasama ako. Idk why. So bilang ako naman ang gentleman dito (naks) ako na ang gagawa ng way para hindi sya mailang.

"Sabay ka na sakin" -ako

"Ah eh hindi na. Salamat nalang. May dala rin kasi akong sasakyan" -bang

"Ganun ba? Sige. Kita nalang tayo dun. Ingat"

Pumunta nako sa kung saan nakapark ang sasakyan ko. At nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ganun din sya.

Nakasakay nako sa sasakyan ko at palabas na sana ng parking pero naabutan ko pa sya sa labas ng sasakyan nya na nakatayo at parang inis na inis.

Nakita kong flat yung gulong sa unahan. Gawa siguro ng mga batang kalye na walang matinong magawa.

Itinigil ko ang sasakyan at bumaba ako.

"Sumabay ka na sakin" -ako

Napalingon si Bang. Mukang nagulat.

"Oh. Ano ah... wag na kasi nakakahi--" -bang

"Sige na wag ka ng mahiya." -ako

"May kailangan pa kasi akong daanan e. Baka maistorbo ka pa." -bang

"Okay lang. Pareho naman tayo ng pupuntahan." -ako

Bang's POV

"Okay lang. Pareho naman tayo ng pupuntahan." -ara

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon