II - Chapter 39.1

2.3K 57 0
                                    

Hindi ko na kayo bibitinin pa..

I'm baaaaaack!

I had to be back..

Shiela Marie "Bang" Pineda.

Kilala nyo pa ba ako?

Baka hindi na e. Ang tagal ko kasing nawala.

Well, i'm back. For good.

Hindi ako pwedeng habangbuhay manirahan sa Australia at talikuran ko ang buhay ko dito sa Pilipinas.

Gusto kong balikan ang buhay ko dito.

Lalo na ang lahat ng mga taong naging parte ng kung sino ako ngayon.

Yes, lahat..

Bago ako bumalik, napagisipan ko na ito ng ilang milyong beses siguro.

Kailangan kong siguraduhin na gusto ko talaga tong gagawin ko dahil mahirap gumawa ng mga bagay na hindi mo gusto.

Dahil ang ending nun, pagsisisihan mo lang lahat.

And ayun nga, 3 days na ako dito sa Pilipinas pero simula nung galing ako sa airport, kahit isang beses ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay kahit tumapak lang sa may tapat ng pintuan. Haha.

Ewan ko ba..

Kailangan kong maging 100% ready bago ko ipaalam sa lahat na nakabalik na ako.

Sa ngayon 98% palang so kailangan ko pa ng 2%. Lol.

De, seriously, gusto ko yung super ready na ako.

Alam naman ng mga ibang kamag-anak ko na nakauwi na ako.

Honestly, nasabi ko na din sa mga naging coaches ko noon at sa iba kong kaibigan na may contact ako, ang plano kong pagbabalik. And syempre masaya naman daw sila na finally babalik na ako.

Maliban sa kanya..

Kahit sya talaga ang isa sa dahilan ng pagbabalik ko.

Inayos ko na ang lahat.

Lahat ng bagay na gumulo sa amin noon.

Handa na akong magpakita sa kanya at makita sya.

Pero sya kaya..

Gusto pa nya akong makita?

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon