II - Chapter 33

5.6K 78 20
                                    

Vic's POV

"Aminin mo, may naalala ka kanina ;)"-Denden

Isa pang intrigera to e. Haha. Hindi rin makakalusot dito.

Magkasama kami ngayon ni Denden sa car, wala kasi syang dalang car. Sabay silang pumunta ni Alyssa kanina sa Arena kaso hindi sya maisasabay ni Alyssa pauwi dahil nagka-emergency daw.

At dahil parehong ayaw pa namin umuwi, we end up together. Hahaha. Umuwi na si Kimy e.

"Wala kaya"-Ako

"Wehhh. E bakit parang alam mo yung tinutukoy ko? Haha"-Denden

"Err, basta. Oo na, oo na. Naalala ko lang naman sya dahil dun sa tshirt nung girl. Yun lang, kung hindi naman dahil dun, hindi ko na sya maaalala."-Ako

"Ang defensive mo dun friend. Haha. Oo na sige na, hindi mo na naalala. Teka, san ba punta natin?"-Denden

"San mo ba gusto?"-Ako

"Kahit san. Ikaw san mo ba gusto?"-Denden

Kung san ko pwedeng makalimutan kung ano yung naalala ko...

Dinala ko si Denden dito sa restau, wala din si Fo. May game din sya kanina, baka umuwi nalang hindi na pumasok.

"Tara, kwentuhan tayo"-Sabe ko sabay labas nung dalawang san mig light. Haha

"Ayos yan ha. Haha"-Denden

So ayun nga, umakya kami dito sa rooftop, chika chika lang kami. Sila ni LA ang topic, aminado naman daw sya na hanggang ngayon she haven't totally moved on. Pero she's trying naman daw.. Kaso it really requires a lot of time sabe nya.. Halos dalawang oras din naming topic silang dalawa ni LA at yung proseso ng pagmomove-on nya.

"Wala e, ganun talaga. May mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin. May mga bagay na kailangan nating i-let go, kahit gaano man tayo nito napasaya, lalo na kung hindi naman talaga to para satin.."-Denden

Aminado ako, medyo tinatamaan nako dito sa iniinom namin. Ewan ko tong si Denden, para wala lang naman sa kanya pero medyo namumula na din sya.

"Parang ang unfair diba?"-Ako, sabay bukas ng isa pang bote.

"Ang unfair na ano?"-Denden

"Na ako lasing na, ikaw hindi pa. Haha. Dinadaya mo ko e"-Ako

"Hoy excuse me, sumama ako sayo para makipagkwentuhan at makipag-inuman.. Take note, "inuman" lang.. I-NU-MAN. Hindi para makipag-LA-SI-NGAN. Hahaha"-Denden

"Hahaha, oo na"-Ako

"Bakit ka ba kasi naglalasing ha? Is it something about earlier?"-Denden

Napabuntong hininga na lang ako.. Kase ang totoo nyan, hindi ko lang sya naalala, pakiramdam ko parang bumalik din lahat lahat ng naramdaman ko noon..

"Sabe mo nga kanina, may mga bagay na kailangan nating i-let go, kahit gaano man tayo nito napasaya, lalo na kung hindi naman talaga to para satin. Hindi ba parang ang unfair naman nun?" Sabay inom ulit..

"-for example.. Bakit pa pinagtatagpo ang dalawang tao -hahayaang maging masaya hanggang sa mamahalin na ang isa't isa, yung tipong ayaw na nilang maghiwalay, gusto nila sila na forever -pero they were never meant for each other pala. Tapos ang ending, parehong masasaktan"-Ako

"Teka nga friend, example pa ba yan o based on true experience?"-Denden

Natigilan ako dun.. Hindi nako nakapagsalita..

"Nakapag move-on ka na ba talaga?"-Denden

"Ofcourse I do. That was already 3 years ago. Isama mo na din yung 2 years nung una, so bale that was 5 years ago. Kaya nakamove-on nako."-Ako

"Alam mo Ara, ang pagmomove-on, wala sa panahon yan, wala sa months, years, decades. Or kahit nga centuries pa man ang lumipas.. Moving on is a choice. If you really want to move on, to let go and to forget, magagawa mo.."-Denden

"Yes, and that's what I did. I chose to move on."-Ara

"Hmm.. Okay. Sabe mo e. Maybe your mind chose to move on, how about your heart?"-Denden

How about my heart?

Instead of answering, uminom na lang ako para safe.

Bakit ko ba kasi dinala pa dito si Denden, at bakit ba kasi nag-aya pa akong uminom. This topic never came up until today.

Sa lahat lahat ng kaibigan ko, si Denden lang ang naglakas ng loob kausapin ako tungkol dito. Even Kimy, Fo, and Mika, they never dared to talk about my past.

"Be honest to me, what do you feel right now?"-Denden

Ano nga ba? Ano nga bang nararamdaman ko?

Bago pa ako tuluyang makasagot, tumunog yung phone ni Denden..

"Hello!... Yes... Dito sa restau nya... Ah, malapit ka na?... Sige sige, bababa nako. Abangan kita sa labas... Bye"-Denden

"Si Alyssa?"-Ako

"Oo, pauwi na daw sya, kung gusto ko daw daanan na nya ako dito para makasabay na pag-uwi."-Denden

"Ah ganun ba. Sige hatid na kita sa baba."-Ako

"No. I can manage. You better fix yourself. Baka makita ka ng mga tauhan mo sa baba, muka kang lasing.."-Denden

"Sure ka? Sige ingat ka ha, thanks :)"-Ako

"No problem, my dear friend. My last question ha.. Go tell yourself the answer ;) Bye!"-Denden

Napatulala nalang ako sa last statement ni Denden.. Kaya naman kahit wala na sya sa paningin ko, nakatingin pa din ako sa hagdan.

"Be honest to me, what do you feel right now?"

Bumalik ako kung saan ako nakaupo kanina..

What do I really feel nga ba?

GALIT?

Kanino?

Sa kanya?

O sa sarili ko?

Biglang may nagtext sakin..

From: Denden
So, what's the answer? HATRED? REGRETS? Then you got the wrong answer! ;)

Huh?

To: Denden
Why?

From: Denden
As long as nanjan pa yung galit, nanjan pa yung pagsisisi.. As long as may nararamdaman kapa at apektado kapa, ibig sabihin, mahal mo pa.

Ibig sabihin, mahal mo pa.
Ibig sabihin, mahal mo pa.
Ibig sabihin, mahal mo pa.

NO. HINDI NA.

Hindi na rin ako nagreply kay Denden. Gusto ko nalang kalimutan ulit yung nangyari ngayong araw na to. So umuwi na lang ako. Dumiretso sa higaan ko, at saka natulog.

Pero ayaw akong pagbigyan, hindi ako makatulog..

Hanggang sa naalala ko na rin pati yung panaginip ko three years ago.. Yung panaginip na sana pala ay totoo. Because there, in my dream..

Everything was perfect. Lahat ng gusto kong mangyari, at lahat ng matagal ko ng hiniling na mangyari ay nangyari nga.. Sobrang saya lang.. There are times na naging malungkot pero at the end of the day, masaya pa din.

Sa panaginip ko, magkasama kami ulit. Yung parang kakampi namin ang destiny. We've been together again kase hinabol ko sya, tinanggap ko ang lahat sa kanya kahit na may malaki ng nabago sa buhay nya. At yun nga hinabol ko sya, tapos umeksena pa daw kame sa airport. Ang saya saya namin dun pareho nung nagkita kaming dalawa kasi akala ko iniwan na nya ako ulit, pero hindi pala.

Tapos niligawan ko sya, at dahil gusto ko na syang maging AKIN ulit, I asked her to be mine again. Ang bongga pa nga nung proposal ko sa kanya dun sa panaginip ko and naging kami na ulit. Mismong araw pa daw ng Valentine's day. Tapos para pa kaming mag-asawa na magkasama sa iisang bahay.. And may instant baby pa.. Si Aira..

Oh diba, ang perfect ng panaginip ko. Kabaligtaran sa kung anong tunay na nangyari sa amin..

------

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon