CHAPTER 1

7.8K 78 2
                                    

Vic's POV

Magtu-two years na since she left me.. And I still haven't moved on. Why would I? Ayokong lokohin at pahirapan ang sarili ko. Mahal na mahal ko pa din sya hanggang ngayon so bakit ako magmomove on? Sabe nila pinapahirapan ko lang daw sarili ko dahil patuloy parin akong umaasa na babalik sya saken. Pero narealize ko na mas pahihirapan ko ang sarili ko, kung I-lelet go ko sya. Mas masasaktan ako nun. Atleast ngayon, masaya nako habang minamahal ko parin sya. Yun naman talaga ang nagpapasaya saken e, ang mahalin sya..

Pero kahit halos magdadalawang taon na ang nakakalipas, araw araw pa ding nagfaflashback sa utak ko yung huling araw na nakita ko sya.. Yung araw na iniwan nya ako..

>Flashback to March 2016<

@ the AIRPORT

"Babe, please.. Don't go. Don't leave me.. Mahal na mahal kita.. Gagawin ko lahat wag ka lang umalis.."

Yan ang pagmamakaawa ko.. Nakaluhod ako habang yapos yapos ang mga binti nya.. Akalain nyo ang isang Ara Galang lumuhod at nagmakaawa? Ganito ko sya kamahal.

"Tama na.. I already made my decision. Kailangan kong gawin to. Kailangan ko munang bigyan ng time ang sarili ko.. I wouldn't deny na naging masaya ako sayo, hindi ko rin pinagsisisihan na minahal kita. And I will always be thankful for that.." Sabe ni Bang, ang una at huling babaeng mamahalin ko.

"Yun naman pala e, wag ka na umalis. Wag mo nakong iwan.."

Hindi parin ako tumatayo habang patuloy sa pagtulo ang mga luha sa mata ko..

"Pero sawang sawa nako.. TAPOS NA TAYO, ARA." -Bang

Yan ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa buong bahay ko. Pakiramdam ko guguho na ang mundo ko, dahil itong taong to na dahilan ng bawat paggising ko, eto, iiwan nako.

"No, no.. Wag mong sabihin yan. Maaayos pa natin to diba? Mahal na mahal kita.."

Lalong humigpit ang pagkakayapos ko sa mga binti nya..

"Hindi ko alam.. Hayaan mo nako! Kung mahal mo talaga ako, hahayaan mo kung san ako masaya..
.
.
.
.
Puro nalang kase TAYO, puro nalang IKAW.. Pano naman AKO?" -Bang

Sa mga salita nyang yan, natigilan ako.. Ganto na ba ako ka-selfish? Oo, mahal na mahal ko si Bang. Lagi kong sinasabe sa kanya before na kung anong magpapasaya sa kanya, dun ako. Pero pati ba sa pagkakataon na ito, papayag ako?

Dahan dahan kong binitawan ang mga binti nya.. Nagsimula na syang lumakad. Patuloy ko syang pinagmasdan hanggang sa unti unti na syang papalayo saken..
Ilang minuto ko syang pinagmasdan sa paglakad nya palayo saken. Nananatili akong nakaluhod.

Naalala ko ang mga masasayang moments namin ni Bang, pati na rin yung mga away namin.. Dun ko narealize na sobrang naging selfish nga ako. Kasalanan ko lahat. Walang ginawa si Bang kundi intindihin ako. Kaya naman tatanggapin ko na to..

Tumayo ako..

"BAAAAAANG!"

Tinawag ko sya. Hindi sya lumilingon pero nakita kong tumigil sya kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kinatatayuan nya. Hindi parin sya lumilingon..

I hugged her from behind then kissed her hair. Mamimiss ko tong amoy na to..

"Kung ito ang magpapasaya sayo, hahayaan kita.. Hindi ako mawawalan ng pag-asa at aantayin ko ang pagbabalik mo. Mahal na mahal kita, Shiela.."

Hindi padin sya lumilingon pero ramdam kong umiiyak sya..

"Let me go." -She said in a cold voice.

So I free her from my embrace.

She started to walk away..

"Mag-iingat ka.." She said without even looking back.

Yan ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya..

>end of flashback<

------

&quot;Forever and Always&quot; (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon