CHAPTER 3

6K 91 4
                                    

Vic's POV

Tapos na ang pagtothrowback ko. Tapos na din ang pagbibihis ko. Lumabas nako ng kwarto dahil nakakahiya naman sa mga friends ko na punong abala para mairaos namen tong New Year's Celebration. Tsaka ako lang naman ang dahilan kung bakit sila dito nagNew Year. Ayaw ko kaseng umuwi sa Pampanga. Hindi pako handa. Ang huling Christmas at New Year ko dun ay kasama ko pa si Bang. Sabe ko kila Fo at Kim dito nalang ako mag New Year mag-isa. Ayaw naman nilang pumayag na solo ako dahil lalo lang daw akong mag-eemote kaya dito na din sila nagcelebrate.

At dahil naiisip ko pa din yung araw na naging kame ni Bang, nakangiti ako. Haha

"Ano Bro, baliw lang? Kanina tulalang tulala ka. Ngayon naman ngiting ngiti ka jan. Nababaliw ka na ba?"-Kim

"Ikaw baliw! Wala masaya lang ako. Thank you Bro ha, tsaka sayo Fo! For staying wih me this New Year. The best talaga kayo!"-Ako

"Sus, wala yun no. Masaya na kame pag nakita ka naming nakaSmile like now. Sya group hug naman jan!"-Mela

"GROUP HUUUUUG!"

"Oh ayan, malapit na mag12! Ready guys!"-Kim

"5, 4, 3, 2, 1.. HAPPY NEW YEAR!"

We greeted each other a Happy New Year. Beso beso. Then kumain na kame and after kumain. Umiinom kame ngayon ng wine.

Eto namang dalawang lovebirds sa harapan ko, sobrang clingy and sweet. Nagcecellphone si Fo while naka wrap naman sa kanya yung arms ni Kim. Lalo ko tuloy namimiss si Bang.

"Nakakainggit naman.."-Ako habang nakatitig dun sa wine glass na nasa harapan ko.

"Hay nako Fo, wag kang bitter. Haha. Makakahanap ka din ng sayo"-Kim

"Nahanap ko na. Iniwan lang ako.."-Ako. Still staring at the wine glass.

"Sus. Si Bang na naman. Bro, move on na. Bagong taon na o. Bagong life na din dapat"-Kim

"Wala sa vocabulary ko yang move on. Si Bang lang naman nito."-Ako while pointing to my heart.

"Hindi ko naman sinabeng alisin mo si Bang sa puso mo. Ang saken lang Bro, go on with your life. Hindi lang si Bang ang nagpapatakbo ng mundo mo. Madami ka pang pwedeng gawin and marami pa kameng kaibigan mong magpapasaya sayo. Ayusin mo na yang buhay mo. Wag ka na magmukmok dito sa condo. Buhay condo-restau ka nalang e. Gawin mo ulit ang bagay na nagpasaya sayo noon. Ang Volleyball. Tapos si Bang na nasa puso mo ang gawin mong inspirasyon sa lahat ng yan. Pano kung bumalik nga sya tapos ganyan ang buhay mo? Sa tingin mo matutuwa sya? Basta Bro, andito lang kame."-Kim

Natauhan naman ako sa mga sinabe ni Kim. Tama, pano kung bumalik si Bang tapos ganto na lang ang buhay ko? Hindi sya matutuwa.

"Bro, salamat. Tama ka.. Bukas na bukas, I mean ngayon pala. January 1, 2018, magbabalik ang dati at totoong Ara Galang"-Ako

"Naks naman! O sya, para sa 'Dati at Totoong Ara Galang'! Cheers!"-Mela

"CHEERS!"

Kim's POV

Oh yeah! Got my first POV! Hahaha!

So I'm Kim Fajardo nga pala. Nagmamay-ari ng puso ng isang Carmela Tunay. Haha. Former setter ng DLSU Lady Spikers at ngayon setter naman ng PLDT. Yes. Naglalaro ako for PSL and SVL. Wala e, hindi ako sanay na walang Volleyball sa buhay ko.
Isa ako sa mga super duper na nakakakilala kay Bro. Ara Galang.

Alam kong hindi na nakapagpakilala sa inyo si Fogi, dahil sobrang depressed. Haha. Ako na ang gagawa nun para sa kanya. Haha.

Well, si Victonara Galang ang former Team Captain ng DLSU Lady Spikers. Na ngayon ay wala nalang ginawa kundi mag-emote simula nung iwan sya ni Bang. Pareho ko silang friend kaya wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa ngayon. Sinusuportahan ko nalang sila. Ayun nga, saksi ako sa love story ng dalawang yan kaya hindi ko rin akalain na magiging ganto sila.

Simula nung iwan ni Bang, nagka-ewan-ewan na ang buhay ni Ara. She gave up her Volleyball Career. Nagfocus nalang sya ngayon dun sa restau na pinatayo nya a year ago. Graduate ng BS Entrepreneurship yang si Ara at pangarap nya talagang magkaBusiness ng sarili nya. Actually pangarap nilang dalawa ni Bang yan. Pero wala palang silang sapat na ipon nun kaya hindi nila magawa.

Nung magretire si Ara sa Volleyball Career nya, madaming nagulat syempre. Bago pa lang nagstart yung career nya bilang professional VB player, tapos bigla syang nawala kung kelan sobrang sikat na sya. After nya magretire, tsaka nya pinatayo yang Business na yan. Yung "I-VEG-U". Maraming naipon na pera si Ara dahil sa VB at sa kaliwa't kanan na endorsements nya noon. Si Babe ko ang over-all manager ng restau nya. May 5 branches na kase yung restau nya, Yung main sa Taft malapit sa La Salle, isa sa SM Megamall, isa sa MOA, isa sa Makati, at isa sa BGC. Oh diba, bigtime ang Bro ko! Pero sabe nya wala naman ang lahat ng yan kung wala si Bang.. Dahil si Bang ang dahilan kung bakit nya ginawa yung restau.

Kung itatanong nyo kung anong dahilan ng pag-alis ni Bang, secret! Hintayin nyo nalang na magmula kay Ara o Bang yung kwento. Hahahaha.

Mela's POV

Hi! Hindi nako masyadong magpapakilala dahil hindi naman ako ang main character sa story na to. Best supporting actress lang ako. Hahaha chos!

New Year's Celebration namen ngayon. Pero ewan ko ba, parang kame lang naman ni Babe ang nagcecelebrate. Haha. Emo na naman si Fo. Well, hindi ko naman sya masisisi.

Nag-IG ako ngayon while si Babe nakahug saken. O diba, sweet! Hashtag FaTunay yan! Hahaha!

"Picture nga tayo! Fo sama ka! Okay, 1,2,3 smile!"-Ako

I looked at the photo.

"Fo, hindi ka naman nakaSmile e! Ulit! MagSmile ka ha! Ayan, good! 1.2.3...!"-Ako

Okay ipopost ko na sa IG.

"@carmelaloo08: Finally, she smiled! @VSGalang :) Haha! #HNY"

Kahit hindi na active si Fo sa IG, I still tag her. Haha. Wala lang. E kase naman simula nung umalis si Bang hindi na sya masyado active sa IG. Lalo na nung binlock sya ni Bang sa lahat. IG, Twitter, FB. Basta sa lahat. Kaya ayon, hindi na active si Fo sa lahat ng social sites, pero paminsan minsan nagoopen naman sya mga once a month ganun. Haha. Grabe nga yan, ang huli nyang post sa IG ay yung last happy pic nila ni Bang together. Teka, Vday ata yun e. February 14, 2016. Tapos ayun, wala ng kasunod. Kapag nalang daw bumalik si Bang. Saka na sya magpopost ulit. Drama no? Haha. Gusto nya ang last na pic ay yung masaya pa sila at ang kasunod ay yung masaya ulit. Grabe pang MMK talaga si Fo. Hahaha.

"@bangnita liked your photo"

"OMYGOD!"-Ako

"Oh baket?"-Babe and Fo

"Ni-like ni Bang yung picture naten!"-Ako

I saw the glow in Fo's eyes. Marinig nya lang talaga pangalan ni Bang e, masaya na sya. Lalo pa ngayon na ni-like ni Bang yung post ko na sya ang bida. Haha!

E pano ba naman. Simula nung umalis si Bang, ngayon lang sya naglike ulit ng picture na kasama si Fo. Usually kase, yung ibang post ko lang nililike nya. Lalo na kapag yung magkasama kame ni Kimy. Tapos magcocomment pa sya ng heart na emoji o kaya naman magcocomment sya ng "I miss you both".

Oo, may communication pa din kame ni Kimy with Bang. Pero hindi nalang namin binabanggit si Ara dahil alam akong ayaw ni Bang. Baka pati samen magalit pa. Wala naman kameng kinakampihan. Pareho namin silang kaibigan. Hihintayin nalang namin na si Bang ang magtanong tungkol kay Ara at saka namin sya sasagutin.

Si Ara naman, ayaw na din nyang guluhin si Bang kaya hindi na din sya nagpaparamdam. Tho minsan hinihiram nya tong phone ko para istalk yung IG ni Bang, hahaha.

-----
AN:
Okay mejo mahaba na to. Hahaha. Guys! Vote and comment naman kayo please! Para may inspiration ako para mag-update :)

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon