II - Chapter 45

2.1K 56 11
                                    

Bang's POV

Nakita ko si Cienne bumaba sa sasakyan at malapit na sa pintuan.

Kunwari wala akong nakita dahil hindi ko pa alam ang irereact ko. I have nothing against her dahil mabait sya, hindi ako galit sa kanya or what pero syempre. Parang sya ngayon yung pumalit sa pwesto ko sa buhay ni Ara so, ewan ko.

Tiningnan ko si Ara na nakita na rin pala si Cienne. Nagngitian silang dalwa.

"Ayan na si Cienne" -ara at agad syang tumayo para salubungin sa pinto si Cienne.

Sinundo nya ito at sabay silang umupo.

"Hi Cienne!" -sila ako nagsmile lang

"Hi everyone! Oh Hi bang! Welcome back :)" -cienne

"Ahm.. hello. Thanks :] " -ako

Silence.

"Sooo! Order ka na Cienne." -ate aby

"Hindi, naiorder na kita kanina. (Tapos sumenyas sya sa counter) Miss excuse, yung order ko kanina please" -ara

Angge's (Angeli Tabaquero) POV

Dumating na si Cienne.

Actually parang di ako masyado in favor sa idea na pumunta si Cienne dito. Di naman sa ayaw ko sa kanya, pero syempre mas kampi ako kay Bang and alam ko ang nararamdaman nya ngayon kahit pa sabihin na wala na si Ara at nakamove on na sila sa isa't isa (sabe nila) Pero ewan ko din. Imbestigahan ko pa. Haha chos!

So ayun na nga. Nandito si Cienne and ramdam kong di komportable si Bang.

"Hi Cienne!" -kami except bang

"Hi everyone! Oh Hi bang! Welcome back :)" -cienne

"Ahm.. hello. Thanks :] " -Bang

Awkward.

"Sooo! Order ka na Cienne." -ate aby

Ayun buti nalang magaling mangwasak ng katahimikan si Aby. Ramdam din siguro nila ang atmosphere. Haha.

"Hindi, naiorder na kita kanina. (Tapos sumenyas sya sa counter) Miss excuse, yung order ko kanina please" -ara

"Sweet mo namang friend bro! Galawang breezy ah! Haha" -Kimy

"Ulol. Haha. E alam ko naman na oorderin nyan e." -ara

"Sige nga. Tingnan natin" -cienne

Maya maya dumating na yung order.

Milo milkshake and

"So?" -ara

"Galing ah!" -cienne

"See! Sabe sayo e." -ara

Then nagtawanan si Kimy at Aby.

Sila lang masaya. Mga taga La Salle. Lol.

Tapos sumali na sa kulitan nila si Amanda.

Nasa harap ko si Bang. Ganito kasi pwesto namin.

Kimy
Aby |T| Ara
Amanda |T| Cienne
Bang |T| Ako

"Okay ka lang?" -i mouthed

She nodded naman with a smile. Pero alam ko hindi.

Duh. Ewan ko ba dito kay Ara kung nananadya ba o ano. Well, di ko naman sya masisi kasi tapos na yung kanila ni Bang. Karapatan nyang sumaya sa iba. Kaso wag naman sanang sa ganito na harap harapan. Awkward pa din. Kung ako to kay Bang kanina ko pa nilisan ang lugar na ito. Haha. Charot. Baka lang talagang wala na din kay Bang kaya keri nya. Bahala na nga sila. Malalaki naman na sila. Di na kailangan ng Parental Guidance. Haha.

Bang's POV

Hindi naman ako mapakali dito. Hindi ko kasi alam pano ko makikisama sa ganitong set up.

Si Ara at Cienne kanina pa nagkukulitan. Hindi ako nagseselos pero hindi rin ako natutuwa sa nakikita ko.

Pano kaya ako makakaalis?

Alam ko na. Text ko si Mela.

To: BB
Bb! Save me pls. Text mo ko kunwari you need to see me asap.

Tapos dinelete ko agad yung message. Then maya maya pa nagtext na sya.

From: BB
San ka? I need to see you asap.

Whoo! Savior!

"Ahm, guys. I have to go." -ako

Then tumingin ako kay Ate Angge. She gave me a go-save-yourself look.

"Oh bakit agad?" -amanda

"Nagtext kasi si Mela. Pupuntahan ko lang" -ako

"Oh bakit ikaw tinext? Ako hindi?" -kimy

"Nako. Hindi ka na nun mahal" -ate aby

Tapos nagtawanan sila. Haha.

"Ipahiram mo na muna sakin si Mela kahit saglit lang. Haha" -ako

"Okay fine. Haha" -kimy

"So pano guys, alis na muna ko ha. Thank you sa inyo." -ako

Ibebeso ko sana sila kaso wag na pala. Parang ang awkward naman sa aming tatlo nila Ara at Cienne nun.

"Byeee!" -sila

To be continued...

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon