II - Chapter 64

1.4K 35 6
                                    

Vic's POV

Akala ko hindi pa ulit kami nakakapagsimula, ay matatapos na.

Akala ko hindi ko na sya ulit makakasama.

Akala ko katapusan ko na.

Yun na sana yung araw na magpopropose ako sa kanya kaya pupunta ako ng Arena.

Flashback

Nakokonsensya na ako dahil alam kong nagtatampo na sakin si Bang.

Inaasahan nyang maalala ko ang araw na ito.. Kahit kailan naman hindi ko ito makakalimutan. Hindi ko lang binabanggit sa kanya dahil nga isusurprise ko sana sya. Inaasahan nya rin na manonood ako, alam kong hinahanap ako nun. Text sya ng text hindi ko nirereplyan.

Forgive me Bang, but have to do this.

Medyo hirap pa akong magdrive dahil hindi pa masyadong maayos ang kaliwang braso ko dahil sa injury ko sa game. Kaso hindi naman ako maipagdadrive ni Vince kaya ako nalang. Tingin ko naman ay kaya ko na..

Alam kong malapit na ako sa Arena kaya excited na ako.

Nakatigil ako dito sa may intersection dahil pula pa ang ilaw sa stoplight. Ako ang nauuna. Nakakainip, gustong gusto ko ng makarating sa Arena.

Kaya naman nung nakita kong green na ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.

Ngunit hindi yata talaga ito ang araw para sa amin ni Bang..

Pinilit humabol ng truck mula sa kanan kahit nakapula na ang stoplight para sa kanya.

Parehong mabilis ang aming takbo.

Nang makita kong papalapit na sa akin ang truck ay napapikit nalang ako at tanging muka ni Bang ang nakita ko..

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Pero alam ko namang hindi ito umabot ng ilang araw.

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Nagising ako ng sobra sobra ang pasasalamat ko

Inilibot ko ang aking mata sa kwarto at nakita ko ang pamilya ko at si Tita Tess na tulog sa couch.

Pero higit na napansin ko ay ang babaeng natutulog sa gilid ng kama ko.

Nakaupo sya sa isang monoblock chair, ang kanyang mga braso ang nagsilbing unan na nakatuon dito sa kama ko.

Ang kanyang muka nakaharap sa akin.

Kahit medyo madilim ay naaninag ko ang malungkot na mukha ni Bang.

Naisip kong sobra syang nasaktan sa nangyari sa akin..

Sorry, Bang. Nasaktan ka ulit ng dahil sakin.

Hinimas ko ang kanyang ulo at sinubukan ko syang gisingin sa pamamagitan ng marahang pagtapik sa kanyang likod.

Pero hindi sya gumigising.

Naisip kong masyadong naging masalimuot at nakakapagod ang mga nangyari kaya hinayaan ko nalang syang ituloy ang pagpapahinga nya at bumalik ako sa pagtulog dahil hindi pa din naman ganoon kaganda ang pakiramdam ko.

Maaga rin akong nagising at syempre tuwang tuwa ang pamilya ko.

Gigisingin sana ni Mama si Bang pero nakita kong ang sarap ng tulog nya sa couch kaya sinabeng hayaan nalang muna. Pinalipat siguro sya dun nila Papa.

Maraming ginawang test sa akin ngayon umaga. Ngayon ako sumailalim sa X-Ray para masigurong walang nangyaring masama sa mga buto ko.

Pagbalik namin ni Mama sa kwarto ay naabutan ko ng gising si Bang. Mukang kagigising nya lang.

"Forever and Always" (Bang Pineda and Ara Galang FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon