#0 100DWMME

4.1K 106 1
                                    

Fiery's POV:


"nakakainis ka!" yan ang sigaw ko sa kanya habang tumatakbo siya at ako naman papuntang restroom, ako si Fiery Villa Luz at ang lalaking tinutukoy ko kanina, siya si Kai Sandoval ang demonyong nabubuhay sa lupa, nakakaasar siya, nakakabwisit ewan ko ba kung bakit naging magbestfriend ang parents namin =_= pero kami HINDI...NEVER..EVER. magkaribal kami sa lahat ng bagay. pati nga pangalan namin magkalaban din my name means fire while his means Water.. college na kami pero ganun pa din siya, wala siyang pinagbago oh well di nga pala nagbabago ang mga demonyo, once a devil always a devil yan ang motto niya.nadito ko ngayo sa restroom para labhan ang nadumihan na part pero walang use kasi halata pa rin naman, anong ginawa niya? nilagyan niya lang naman ng putik ang upuan ko at ako naman tong si gaga di tumitingin sa inuupuan ayun, bwisit talaga panira ng buhay..ayun dala dala ko yung notebook ko na dedicated ko lang talaga para sa kanya titled "REASONS WHY I HATE KAI SANDOVAL" may idadagdag kasi ko.

1. nung bata kami inagaw niya saken candy ko tapos inunahan niya kong umiyak ayun napagalitan ni mommy. best actor amputek =_=

2. nung nasa mall kami kasi family day at unluckiy kasama siya, 5 years old kami nun, tanda ko pa nun may kinuha siyang toy tapos nilagay niya sa bag ko ako naman tong si Tanga di ko napansin kaya nung paglabas namin tumunog yung detector tapos ayun nakita nga yung toy ayun napagalitan ako ni mama, may pambili naman daw kami ba't daw ako nagnanakaw =_=

3.nung elementary kami, cleaners ako. ang ganda ng pagkakalinis namin sa room, tapos kinabukasan pagkapasok ang daming kalat may nahalong diaper pa nga eh tapos nandun si teacher eh alam niyang kami ang cleaners kahapon at ako ang leader ayun napagalitan ako at ang loko, nakangiting aso =_=

4. higschool kamirole playing namin sa "El Fili" eh ako dun si Paulita Gomez. so mahalaga ang role ko dun, nasa C.R nako para magbihis kaya lang nung magbibihis nako, nawala yung damit ko.. at narinig ko ang "Sandoval magsisimula na" ang bwisit na demonyo kinuha niya...kaya ayun di ako nasama sa play wala akong grade, galit na galit nun si mama. nung inexplain ko naman ayaw maniwala =_= sabi di daw magagawa ni Sandoval yun. as if nagawa niya na nga eh.

5. babaero siya na pati bestfriend ko natuhog niya. naka 54 Gf's lang naman siya nung highschool kami =_=. ewan ko ba sa mga babae ui mga bulag ata o baka naman ginagayuma ni Sandoval.

madami pa yan 5 lang ang inalala ko kasi yun yung mga pinakamalala baka naman kasi umabot tayo ng chapter 56 pagka kinwento ko sa inyo lahat ng ginawa niya. tapos ngayon eto pa, may idadagdag na naman ako "BWISIT KA TALAGA!" ayun nakakahiya lang kasi bigla akong napasigaw sa C.R pinagtinginan tuloy ako.


Kai's POV


"ahahahhaha buti nga sa kanya!" eto ako ngayon at tumatakbo, nauna naman kasi siya eh binawian ko lang, ayaw ko din talaga sa kanya pano pacute lagi as if naman cute siya, napaka assuming, masyadong mabait, pakitang tao mabait lang siya sakin pag andiyan si mama or si Tita pero pag wala grabe. basta ayaw ko talaga sa kanya tapos. nga pala magpapakilala muna ko, ako si Kai Sandoval, ang gwapo, mabait? no i prefer bad boy tapos gwapo ulit at yung babaeng pinagtripan ko kanina, siya ang mortal kong kaaway malas lang namin at magbestfriend ang magulang namin at everytime may get together kelangan naming magtiis sa mukha ng isa't isa

"oi pare!" pangugulat saken ni Bestfriend ko siya naman si Dranrev Chua, ang chinese na habulin din ng chicks pero kung gaano ako ka-playboy ganun din naman siya ka stick to one.

"nakita ko yung ginawa mo kanina masama yun" seryosong sabi niya saken.

"wala eh bawian lang yan pare." sabay akbay ko sa kanya at kuha nung chocolate na hawak hawak niya,"

"eh pano kayo magsasama niyan kung para kayong tubig at mantika na kahit anong pilit mong paghaluin hindi talaga pwede"

"eh wala eh"

"pero diba pinagkasundo na nila kayo, bata palang kayo, itinadhana na kayo"

"kung siya lang din naman ang matatadhana saken mas gugustuhin ko pang maging beki oh di kaya magpapari nalang ako atleast sa kumbento di ko na makikita ang mukha niya"

"hai naku pare ewan ko ba sayo, maganda naman si Fiery,ikaw lang naman tong nagsasabing panget siya eh."

"maganda? yun? iba na ba definition ng maganda ngayon ha pare?" grabe napahagalpak kaya ko nun sa sinabi niya. panget siya, once a panget is always a panget.

"ewan ko sayo!" ayun winalkoutan ako ni Espren, sa lahat ng bagay magkasundo kami nun maliban sa pagpapaiyak kay panget girl na yun. crush kasi yun ni espren yun eh kaya ganun ka affected.. tungkol sa sinabi niya.. dun ako nalungkot =_= bakit kasi sa lahat.. tss. aww nga pala birthday ni mama kelangan kong humanap ng mareregalo alis nalang muna ko..

_____________________________________________________________________________

100 Days With My Mortal Enemy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon